PALALAWIGIN PA ANG LOCKDOWN

Malamang sa malamang ee-extend ang lockdown sa buong Luzon  o baka nga sa buong Pilipinas pa. Sa akin kung ito ay makakabuti sa bawat Pilipino. no problem. At iyon din ang obserbasyon ng nakararami sa mga Pinoy. Dahil iyon ang para sa ikabubuti ng bawat Pilipino, so be it.

MAYOR EMETERIO “BONG” TARIN

Hindi mo na mahagilap iyong mga matatapang at mayayabang na mga pulitiko ngayon. Nangngulontoy din pala sila pag ang kaharap nilang kalaban ay parang mga Ninja. Pero ito talagang si Manny Pacquiao, kakaiba ang tapang. Iyong ugali niya pag nasa parisukat (ring) ay ganoon din siya kahit ang kalaban ay hindi niya kita. Pero may katapat siya rito sa Catanduanes. Hindi pa bumababa ang direktiba ni Duterte, ginagawa na niya kung ano ang dapat gagawin. Sino ba sa buong Pilipinas ang nakapamigay ng isang sakong bigas sa kanyang mga nasasakupan. Sino????

PILIPINAS, LABAN NATIN ITO

ni Jex F. Lucero   Muli ay masusubok ang katatagan, husay, galing, tiyaga, tapang, hinahon at lahat-lahat bilang isang Pilipino. Marami nang naging malalaking laban tayong mga Pinoy at karamihan…

ANG MGA PASUGAL SA LAMAY

Pag sinabing lamay, simple lang ang ibig sabihin niyan at iyan ay tungkol sa isang yumao o may namatay. Ito ay karaniwang inaabot ng isang linggo o mahigit pa lalo kung may mga hinihintay pang mga kamag-anak na nanggaling sa malalayong lugar. Pero may mga kulturang o kaugalian ang mga kababayan natin sa panahon ng paglalamay sa ating mga yumao o mga patay.

WALANG COVID-19 SA MGA SABUNGAN?

Mabuti na lang dito sa atin at mahusay ang pamamalakad ng mga taga-DOH sa kabila ng pambabatikos ng mga nagpapapansin na mga pulitikong KSP. Paalaala pa rin ng mga taga-DOH na doble ingat pa rin tayo lalo ang sakit na ito ay nakakahawa. Tulad din daw ang sakit na ito ng mga pulitikong magnanakaw na nakakahawa kaya lalong dumadami ang magnanakaw sa ating gobyerno.

ANG TINGIN NG BALIKBAYAN SA CATANDUANES

All praises siya sa bayan ng San Andres sa sobrang linis daw nito at pagiging progresibo at pagiging maunlad. Ang Virac daw ngayon ay nakamamangha sa kaunlaran at kaayusan nito at sa paglilibot daw niya sa buong probinsiya sa kabuuan ay tila maunlad na raw ito at maayos.

ABS-CBN MAGSASARA NA?

Ang malaking balita ngayon ay ang tungkol sa nalalapit na pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN TV network na kung saan ang prangkisa nito ay magtatapos hanggang Marso ng kasalukuyang taon. Alam natin kung hanggang saan ang galit ni Duterte sa nasabing TV network. Abot hanggang impiyerno ang sa palagay ko.

SABAY-SABAY NA PAGSABOG NG MGA BULKAN?

Ano kaya kung sabay-sabay na sumabog ang mga bulkan sa buong Pilipinas? Nakakatakot siguro, ano? Taal volcano pa nga lang kagulo na sa Calabarzon, paano kung magsabay-sabay ang Mayon, Pinatubo, Bulusan, Kanlaon, Taal at iba pang bulkan sa Pinas? Para sigurong malaking delubyo, ano? Pero papaano nga kaya kung mangyaring magkasabay-sabay ang pagsabog ng lahat ng mga bulkan sa Pinas o di kaya sa buong mundo? Imposible ba?

Silang Mga Ninja Cops?

Ano ngayon ang tawag sa Ninja cops? Simple, sila ang mga pulis na gumagawa ng mga pagmimilagro habang sila ay tumutupad sa kanilang tungkulin. Ano ang tungkulin nila sa ating mamamayan? To serve and protect!