ni Jex F. Lucero
Muli ay masusubok ang katatagan, husay, galing, tiyaga, tapang, hinahon at lahat-lahat bilang isang Pilipino. Marami nang naging malalaking laban tayong mga Pinoy at karamihan dito ay napagtagumpayan natin. Halos lahat ng laban ay napanalunan natin. Kung sa unang sabak natin halos madurog tayo pero sa bandang huli tayo pa rin ang nagwawagi. Bagyo, lindol, pagsabog ng mga bulkan, mga baha, digmaan, at kung anu-ano pang mga sakuna o ika nga delubyo ay nakatayo pa rin tayo at handang humarap sa kahit anong uri ng pakikibaka na nakaabang sa atin. Ganyan tayong mga Pilipino. Laban lang ng laban.
******
Ngayon ay nahaharap na naman tayo sa isang malaking pagsubok bilang mga palabang Pilipino. Gusto na namang subukan kung gaano talaga tayo kagaling o kung gaano katatag. Dumating na naman ang panahon para muling gisingin ang ating mga damdamin para ipakita sa buong mundo ang ating katatagan anuman ang gadambuhalang dagok sa ating pagiging matatatag na Pilipino. Noon sinakop tayo ng mga dayuhan (mga Kastila) sa loob ng napakaraming taon at nawala sila, sumunod ang mga Kano na nag-aakalang hawak pa rin nila tayo sa leeg hanggang ngayon (pero hindi nila kaya si Duterte ang palabang presidente). Tinira pa tayo ng mga British (remember the so-called rape of Manila?) Mga British ang may gawa noon. Dumating ang mga Hapon halos nadurog ng mga sakang ang bansa natin. Ang masakit, ang bansang Japan pa ang minahal at tinulungang makabangon ng mga Amerikano. Napakasakit, Manoy Kulas! Natapos ang pananakop ng mga demonyong bansang walang magawa kundi mangsamantala. At ngayon ibang klaseng laban ang kinakaharap natin. Naiibang laban ito
******
Ito ang labang sa palagay ko ay makakatikim tayo ng uri ng labang kung magkataon ay sasabihin natin sa Diyos na kung siya ba ay totoong Diyos? Sana huwag namang mangyari ang pinangangambahan ng marami na mangyari ang hindi dapat mangyari. Nakakatakot ang magiging senaryo ng buong mundo. Pero sabi ko nga tayong mga Pinoy ay palaban at lalaban tayo hanggang sa kahulihulihang paghinga natin. Ang kalaban natin ngayon ay walang armas o kahit na anong sandata para mapatay tayo. Ang kalaban natin ay may taglay din na deadly weapon na kung hindi tayo marunong mag-ingat ay titimbuwang tayong walang kalaban-laban. Kumbaga ang kalaban natin ay ang mga sarili natin. Dahil kung ipagwawalang-bahala natin ang ating kalaban, sigurado at walang duda talo tayo at patay tayong lahat. Pero kung lahat ng pag-iingat at pagtalima sa mga sinasabi sa atin ng mga kinauukulan ay susundin natin muli ay magwawagi tayo laban sa sakit na COVID-19 kahit na umabot pa ito ng 20, 21 o higit pa.
******
Bakit ko sinabing ang kalaban natin ay ang ating mga sarili? Dahil karamihan sa ibang mga kababayan natin ay mga pasaway, mga tigas-ulo, mga pilosopong wala namang laman ang mga ulo nila. Ang pagkakataong ito ay hindi na biru-biruan ang labanan. Ang buhay mo, buhay ko, buhay niya, buhay nating lahat na nabubuhay sa daigdig na ito ang siyang nakataya. Simple lang naman ang pakikipaglaban natin para mapanalunan ang laban nating ito. Kung ano ang sinasabi sa atin ng mga kinauukulan halimbawang kailangang maging malinis tayo sa ating katawan ay gawin natin. Pag sinabihan tayong kailangan laging malusog tayo, gawin natin. Dahil ang totoo, sa sarili kong paniniwala, matatalo natin ang ating kalabang COVID-19 sa pamamagitan ng kalinisan at dobleng pag-iingat na huwag tayong madikit sa mga BAGLA. Ang ibig sabihin bukod sa kalaban natin ang ating sarili dahil sa katigasan ng mga ulo ng ating mga KABABAYAN.