ni Jex F. Lucero
Malamang sa malamang ee-extend ang lockdown sa buong Luzon o baka nga sa buong Pilipinas pa. Sa akin kung ito ay makakabuti sa bawat Pilipino. no problem. At iyon din ang obserbasyon ng nakararami sa mga Pinoy. Dahil iyon ang para sa ikabubuti ng bawat Pilipino, so be it. Pero alam ko, maraming mga pilosopong Pinoy ang kokontra. Sigurado iyan. Walang duda, maraming mga hindi sasang-ayon na akala natin sila ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng sitwasyon ng ating bayan. Pero sa totoo, ang pinaiiral lang naman ng mga taong ganyan ay ang kanilang kabobohan at kaignorantehan. Pag gobyerno ang gumawa ng desisyon sa mga ganyang bagay, tiyak iyan pinag-aralan ng mabuti at hindi basta kapritso lamang nila. Kaya kung palalawigin pa ng 15 days ang lockdown, sige ako. Dahil tiyak iyan ay sa ikabubuti ng bawat Pilipino.
******
May nagtatanong kung kailangan daw ba talaga ang mga pulis sa pagpapatupad ng lockdown o quarantine? Naman..naman… Common sense po naman. Kung iniisip ninyo na nakikita ninyo sa ibang bansa ay walang katulad ng sa atin iyon ay sapagkat ang mga tao sa nasabing bansa ay mga disiplinado. Hindi sila katulad natin na sobrang matatalino, mga pilosopo, mga siraulo, sariling batas ang sinusunod, at gusto nila sila ang gobyerno. Sa ganitong sitwasyon, kailangan natin ang mga pulis to maintain law and order para masawata ang mga sobrang matatalino, mga pilosopo, mga ayaw sumunod sa pinaiiral na batas ng ating gobyerno dahil gusto nilang sundin ang sarili nilang batas. Ganun lang naman iyon, di ba? Pag nagkagulo, sinong sasawata sa nagkakagulo ng mga tao? Mga tanod, kapitan at mga kagawad ng mga barangay? CS lang amigo!
******
Mas matindi pa nga ang pagpapatupad ng batas sa ibang bansa tulad ng India na may populasyong 1.3 bilyon. Doon ang pagpapatupad ng batas ng mga pulis, walang patawad mababae o lalaki, may kargang bata o wala, hinahambalos ng yantok. Masyadong pisikal at walang nagrereklamo. Hinahampas ng walang pinalalampas nang dahil sa paglabag sa batas na ipinatutupad. Dito sa atin, puro gago ang mga tao. Pati mga doktor binabastos at binubuhusan pa ng tubig ng mga tarantadong tao. Sila na nga nangunguna sa pagharap sa kalabang hindi nakikita, gagaguhin pa ng mga taong hindi mo maintindihan kung anong klaseng tao. Papaano kung wala mga pulis, di lahat ng tao gago at tarantado. Sariling batas nila ang paiiralin. Survival of the gago at mga siraulong mga Pilipino.
******
Sabi ng isang kaibigan ko, sabi daa kang iyoy niya, dae na daa kaipuhan na maghalat sa mga relief na ipadara kang gobyerno ta eguahanon man daa mga ginikanan ninda. Sa father side niya daa si Duterte sa mother side si Robredo, saro daa sa mga tiyoon niya si Donald Trump, ninong niya daa si Vladimir Putin pero pinakamatindi daa so resulta kan DNA test na minaluwas na si Bill Gates palan tugang niya sa ama pero ang hapot niya sa buhay niya ngata daw daa ta gatios pa siya? Ginibo ko naghapot hapot ako naesehan ko na ang mga great great grandfather palan kang amigo kong ini si Epifanio delos Tios. No wonder, kumbaga ngata?
******
Matagal pa raw aabutin ang COVID-19 sa buong mundo ayon sa WHO. Pero sabi ng isang experto sa mga bansang alam ang ibig sabihin ng disiplina, mahaba na raw abutin ito ng dalawa o baka isang buwan na lang. Pero sa mga bansang mga gago, tarantado, mga sira-ulo ang nanahanan, aabutin ng mahabang panahon tulad ng bansang Pinas na mga pilosopo at mga walanghiya ang mga tao. Mga bansang ang gusto ng mga tao sila ang batas. Hindi sila susunod sa batas dahil nga sila ang batas. Gusto nila susubuan sila ng gobyerno pag kakain sila. Gusto nila iaasa ang lahat sa gobyerno. Matatagalan daw sa mga bansang ganito ang COVID-19. Baka abutin daw ng isang taon. Malamang mamamatay silang lahat. Sana malibre naman iyong mga may disiplina sa sarili. At sana mapasama iyong mga magnanakaw sa gobyerno, lahat sila at sana mapasama rin iyong mga mapanlamang sa kapuwa tulad ng mga pulitikong pahirap sa mga tao. Sana naman marami…