ANG TINGIN NG BALIKBAYAN SA CATANDUANES

ni Jex F. Lucero

 

Pag nagkasakit si Duterte, magpapatawag din ako ng presscon at buong mamamayang Filipino ipinanawagan ko na ipagdasal ang mabilisan niyang pag galing. Ipatatawag ko ang UN, US embassy, Human Rights pati European Union. Isasama ko na lahat ng mga E-Pal kasama si Isko Moreno ng Manila, Joy Belmonte ng QC, Bong Go, Gordon, Lacson, Drilon, Pangilinan, at iba pa na naglilitawan na dahil malapit na ang 2022. Usbong mga E-pal!!

******

Isang balikbayan ang naka-bonding ko kamakailan at tuwang-tuwa siya sa nakita niya sa malaking pagbabago ng ating probinsiya kahit ang totoo daw ay niratsada daw ito ng bagyong si Tisoy. Lalo daw siyang humanga sa lahat ng mga bayang napuntahan niya. All praises siya sa bayan ng San Andres sa sobrang linis daw nito at pagiging progresibo at pagiging maunlad. Ang Virac daw ngayon ay nakamamangha sa kaunlaran at kaayusan nito at sa paglilibot daw niya sa buong probinsiya sa kabuuan ay tila maunlad na raw ito at maayos. Nabalitaan niya rin iyong binaril na konsehal at doon medyo kinabahan siya dahil noon daw mga thirty years ago ay tahimik ang probinsiya natin at walang ganoong mga pangyayari. Sabi ko na lang sa kanya, hindi natin maiaalis ang ganoong mga pagbabago lalo ng ikuwento ko sa kanya ang nangyari sa kaibigan naming si Larry Que na halos hindi siya makapaniwala dahil kilalang-kilala niya ito lalo ang pagiging kuwela nito. Sabi ko, matagal nang tinulugan ito ng otoridad at malamang habambuhay itong tutulugan.

******

Ang balikbayang ito ay matagal sa ibang bansa at halos wala siyang masyadong nasasagap na balita tungkol sa ating probinsiya dahil tutok trabaho talaga siya at ngayon ay may malaking negosyo siya sa bansang tinutuluyan niya. Pero nandoon pa rin ang kababayang loob niya at ni ayaw niyang ipabanggit pangalan niya at maging pamilya niya. Meron kasi siyang naging masaklap na karanasan kung saan ipinahamak siya ng isang kababayan na pinagtiwalaan niya pa man din. Pinakain niya, inaruga, tinulungan, pinautang ng puhunan, pero nang siya naman daw ay kinapos na dahil nagkasakit siya ay hindi na siya kilala. Hehehe!!! May mga tao talagang ganyan na kilala ka lang pag may mahuhuthot at makukuha sa iyo. Pero pag walang nakuhang pabor lalo may hinihingi sa iyo at hindi mo mapagbigyan, baboo, galit na sa iyo. Babalik din naman sa iyo iyan pag nakitang kumikinang na naman ang kamay mo at palaging amoy karne ang bibig mo at nabalitaang kumikita kung anuman ang racket mo. Buhay Pinoy!!

******

Marami palang mga pulitikong nasuba ang ABS-CBN bukod kay Duterte at Chiz Escudero? Kaya ang Duterte ay galit na galit at ayaw ng ipa-renew ang prangkisa nito. Pagka-kampi at mas malaki siguro ang bayad sa pagpapalabas saka lang ipapakita sa TV. Pero pag milyon lang at hindi bilyon at kalaban ng kakampi, hindi ipapalabas tulad ng nangyari kay Duterte at Escudero. Ngayon nagmamakaawa ang mga empleado ng ABS. Pero papaano iyong utang na 1.6 bilyong piso ng ABS sa DBP? Sa lagay, libre lang? Aba ay kung ganoon uutang din ako sa DBP at kailangan wala na ring bayaran. Bilyonaryo ang mga Lopez pero lilibrehin ang utang sa gobyerno na 1.6 bilyon? Lokohan na ito pag pinalibre ang mga bilyonaryo. Tira, Duterte ibalik sa gobyerno ang inutang ng mga taga-ABS.

******

Sa lagay kung kakampi ng ABS ang pangulong nanalo, wala nang bayarang mangyayari sa DBP? Swindling, estafa, panloloko o panunuba ang tawag diyan. Pag bilyonaryo, puwede kang mangutang nang walang bayaran. Pero pag pobre, lahat ng ari-arian mo tangay. Mga maliliit na mga negosyante mangutang na kayo. Pag kinasuhan kayo dahil hindi kayo makabayad, sabihin ninyong bakit si Lopez ng ABS bilyon pa ang utang hindi nagbabayad? Tablahan na lang!!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: