ABS-CBN MAGSASARA NA?

ni Jex F. Lucero

Ang malaking balita ngayon ay ang tungkol sa nalalapit na pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN TV network na kung saan ang prangkisa nito ay magtatapos hanggang Marso ng kasalukuyang taon. Alam natin kung hanggang saan ang galit ni Duterte sa nasabing TV network. Abot hanggang impiyerno ang sa palagay ko. Bakit galit si Duterte sa ABS-CBN samantalang marami sa mga Pinoy ay paborito nila ang nasabing network? Ang isa sa dahilan kung bakit nagpaputok ang butse ni Duterte ay ang pagpapa-advertise ni Duterte sa nasabing network worth two million pesos noong panahon ng eleksyon pero hindi lumabas sa TV pero kinuha iyong dalawang million. Simpleng kaso ng estafa o panloloko. Ang lumabas ay iyong sa kalaban pa para talaga madurog kandidatura ni Duterte. Ang siste, Duterte ang nanalo. Isa iyan sa dahilan kung bakit galit ang Duterte sa ABS-CBN. Isang malaking TV network gagawa ng panloloko? Tinitingala ng maraming Pinoy tapos manloloko? Doon lumabas ang pagiging biased ng nasabing network. Klarong-klaro na may pinapanigan at may pinoprotektahan.

******

Kung magmamatigas ang pangulo sa kung saan ang mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ay kakampi niya, puwedeng-puwedeng matapos na nga hanggang katapusan ng Marso ang nasabing network. Pero bakit nga galit na galit ang Duterte sa ABS-CBN? Ito pala ay may malaking pagkakautang sa banko ng gobyerno ang Development Bank of the Philippines (DBP). P1.6 billion at ito ay matagal na. Ilang presidente na ang dumaan pero hindi magalaw-galaw ang nasabing network dahil nga sa may mga utang na loob marahil. Ang masama, matagal na panahon na ang pagkakautang at hindi nagbabayad ang nasabing network. Pera ng mga Pinoy ang inutang dahil ang DBP ay government bank pero gustong tablahin lang? Wala nang bayaran ang gustong mangyari ng pamunuan ng ABS o ng mga Lopez. Another case of swindling o panloloko o estafa. Kung ikaw nga ang pangulo, papayag ka bang sa panahon ng panunungkulan mo ay paloloko ka rin? Ikaw mismo na isa ng pangulo na biktima ng panloloko ng nasabing network paloloko ka pa rin?

******

Pero may palagay akong kahit anong galit ng pangulo ay maiisip niya ring marami ang nabubuhay sa nasabing network na kapag pinatay niya ito. Maraming Pinoy ang malulungkot dahil maraming magagandang palabas ang nasabing network. Maraming Pinoy ang sasama ang loob sa kanya (Duterte). Ang dapat kasuhan niya iyong mga demonyo sa loob ng ABS-CBN. Sila ang dahilan kung bakit naging masama ang nasabing network. Sila ang dapat managot. Huwag sila Angel Locsin,Vice Ganda, Liza Soberano, at iba pa. Kasi pag nagsara ang nasabing network, damay lahat ng nabubuhay diyan pati na mga Pinoy na natutuwa at naaaliw sa mga palabas nila. Pero hindi naman ako sang-ayon na hindi na magbabayad ng pagkakautang nila sa gobyerno. Papaano kung hindi na si Duterte ang pangulo, ang lagay tabla na lang ang laban? Sa sinasabing gobyerno ang bibili ng ABS, hindi maganda. Baka ang labas niyan PTV 4 o IBC 13. Way lami!

******

Ang matunog pang isyu ngayon ay ang Manila Water at Maynilad. Pag-aari ng mga oligarchs na sina Ayala, Consunji at si Pangilinan. Kilala natin ang mga Ayala Group of Companies, ang Consunji Engineering, at si Manny V. Pangilinan ng PLDT, Meralco at TV 5 NLEX, TNT at iba pa. Ang MWSS at Maynilad ay pinatututsadahan ng pangulo dahil sa hindi magandang serbisyo nito sa mga consumers. Nawawalan ng tubig hindi dahil sa walang tubig kundi dahil sa gustong taasan ang singil sa tubig sa kadahilanang hindi maintindihan ng gobyerno. Gusto ni Duterte na baguhin ang dating kontrata dahil lumalabas napabor lamang ito sa mga concessionaires o pabor lamang sa MWSS at sa Maynilad. Gumawa ang gobyerno ng bagong kontrata kung saan magiging parehas ang laban. Hanggang ngayon ay wala pang resulta ang usapan ng mga oligarchs at ng gobyerno. Akalain ba naman na ang gusto ng grupo ng mga Ayala,Consunji, at Pangilinan ang pagbabayarin ng mga lugi kuno ay ang mga consumers? Parehas dito sa atin na ang daming mga binabayaran ang mga consumers ng Ficelco. Maraming mga losses, mga lossloss, at kung ano pa na hindi mo na maintindihan. Ang mga consumers ng Meralco binabayaran sila ngayon dahil sumobra yata iyong collection nila. Dito sa atin walang sobra panay kulang.

******

Ito lang ang administrasyong hindi natatakot banggain ang malalaking mga negosyante. Kahit sino pa sila basta ang ginagawa ay hindi pabor sa mamamayang Pinoy, tiyak na babanggain. Lalo kung ang ginagawa ay sila lang napapaboran o pansariling interes lamang at the expense of the government and the Filipino people tulad ng ginawa ng ABS-CBN na umutang ng pagkalaki-laking pera sa gobyerno at wala nang bayaran? Di sila tumulad sa kay Lucio Tan. May utang sa gobyerno at pinagbayad. Tapos ang problema. Ang San Miguel Corp. tinutulungan ang gobyerno magpapagawa ng modernong Airport sa Bulakan para masolusyunan ang congested ng Airport ng MIA at NAIA. Ganun ang dapat hindi katulad ng iba na pansariling interes ang nasa tuktok ng mga unggoy na ito. Mga tsonggo, hindi ninyo madadala sa impiyerno ang kayamanan ninyo!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: