HAPPY NEW YEAR PO SA LAHAT

No more peace talks, iyan ang mariing pahayag ni PRRD laban sa itinuturing niyang mga terorista na CCP-NPA-NDF. Sabay pang naghamon ang pangulo ng giyera. Malamang sa malamang na wala na talagang magaganap na pangkapayapaang pag-uusap ang gobyerno at mga rebeldeng NPA habang si PRRD ang nakaupo sa Malakanyang? Kulang sa dalawang taon na lang ang panunungkulan ng pangulo at ang sabi ay uubusin niya ang mga kalaban ng gobyerno bago siya bababa sa kanyang puwesto? Kayanin niya kaya?

******

Maraming kalaban ang ating gobyerno at hindi lang mga rebeldeng NPA. Meron diyan mas matindi  pa sa mga NPA. Tulad ng mga magnanakaw sa gobyerno na siyang tunay na nagpapahirap sa sambayanang Filipino. Kung ang mga NPA ay pahirap sa bayan, mas masahol pa sa NPA ang mga kurakot na mga nasa gobyerno. Ni wala sa kalingkingan ang mga NPA kung ihahalintulad sa mga totoong magnanakaw sa gobyerno ang pag-uusapan.

*****

Sa problema sa korapsyon, tila sinabi na ng pangulo na hindi niya kayang sugpuin ang grabeng nakawan sa gobyerno. Puwedeng mabawasan pero ang tuluyang mawala sa paniniwala ko habang ang mundo ay mundo ang magnanakaw  sa buong mundo hindi lang sa Pinas ay mananatili at lalo pang magiging malala. Si Duterte na ang pinakamalupit na pangulo ng Pilipinas. Walang heneral, walang kakampi, walang kahit sino pa, basta mali ang ginawa shoot, iyan sa balde. Pero hindi umubra, marami pa rin ang magnanakaw.

******

Ang sunod ay ang giyera laban sa droga. Ang problemang ito ay pandaigdig tulad din ng korapsyon. At kaya din itong malutas ng gobyerno. Pero ang totoo, kaya wala rin itong katapusan tulad ng korapsyon ay dahil sa mga tiwaling mga otoridad na siya pang mga pasimuno kaya lalong dumadami mga adik sa iligal na droga. Tulad halimbawa sa mga kriminal, na mga kidnapper, holdupper, at iba pa. Bakit malalakas loob nila? Otoridad kasi may mga hawak sa kanila. Hindi puwedeng ipagkaila ng sinumang Filipino ang katotohanan ito. Kahit kailan walang puwedeng magsabi na ang sinasabi ko ay peke.

******

Balik tayo sa korapsyon sa gobyerno. Ang nakawan sa gobyerno ay nagsisimula sa pinakamaliit na unit ng ating gobyerno at ito ay sa barangay. Meron ding korapsyon diyan pero sila ang kung mangupit man kumbaga ay iyong pinakabarya. At dito nga ako hindi bumubilib sa ating Sandiganbayan kung saan ay may mababalitaan kang nakulong na opisyal ng barangay dahil sa konting nakupit. Samantalang pag isang senador, kongresman, mayor, gobernador at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno, lusot sa kaso. Masyadong unfair sa magnanakaw na maliliit. Pero sabi nga mahirap man o mayaman, dapat patas ang laban. Nakakaubo…uho…uho.

******

Korapsyon uli tayo. Galing sa barangay punta tayo sa mga bayan kung saan ang namumuno ay mga alkalde. Ang nakawan diyan matindi na rin. Pag nagsabwatan ang bise alkalde at ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan at kasama si alkalde, diyan ka makakatapat ng tunay na nakawan. Sabi nga meron silang kung tawagin sa English “grand conspiracy” kung saan kahit pinakabulok sa lahat ng bulok ang proyekto nila, pasado pa rin dahil lahat ng kasabwat ay maligaya at ang kawawa ay iyong proyekto ng bayan na dinaanan lang ng dalawang kalabaw iyong farm-to-market road giba agad. Ang sunod ay ang probinsiya na mas matindi. Diyan ang labanan diyan talagang mas matindi dahil milyones ang usapan diyan. Sabwatan din ang labanan diyan. Sabi ng kaibigan kong taga CamSur, kung singko milyones man sana ang perac mo sa eleksyon mo sa Sangguniang Panlalawigan, kumaturog ka na sana. Dito sa atin ang 5 million pesos mo, gana ka. Ang hapot saen ninda kinua ang singko milyones na pinambakal ning boto? Simbag sako kaso sarong kontratista, saen pa hinabasan sa gobyerno boda egua man ning hale sako! Hehehe…

Ganyan kagarapal ang mga nasa gobyerno natin. Kung magnakaw sila walang limit at walang limit din ang pagka-walang konsensiya nila. Mga walang hiya silang lahat! At sana wala tayong ganyang klase ng mga opisyal ng gobyerno. Sana..sana.. At sana kung meron man baka puwede sumama na kayo kay Covid-19. Puwede pa kay covid19-variant.

******

Korapsyon pa rin. Kung matindi ang mga opisyal ng probinsiya, ito ang mas matindi pa. Mahahaba ang mga nguso nila at matatalim ang mga ngipin. Mas grabe sila sa mga buwaya sa tubig. Kung pumasok sila, nakabarong parang ibuburol. Ang tawag sa opisina nila Kongreso, binubuo ng mababa at mataas na kapulungan. Grabe ang labanan diyan! Buwaya kontra buwaya. Tingnan ninyo nagkakagulo sila nang husto at isa lang naman ang sanhi ng gulo nila: ang makasila ng malalaking KUWARTA! Palakihan sila ng budget nila dahil sa nalalapit na eleksyon. Aprobado na ang General Appropriation Act o GAA kaya ang buntot ng mga buwaya pumipitik-pitik na sa saya dahil makakayari na naman ang bunganga nila ng bilyones na galing sa buwis ng mga OFW, mga malalaki at maliliit na negosyante at ng mga ordinaryo at mga naghihirap na Filipino.Sana lahat ng mga buwaya sa gobyerno tamaan ng Covid. Pasensiya na po kung maaanghang ang timpla ng pang-bagong taon ko. Happy New Year po sa lahat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: