TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NAHALUKAY NA ANG LAHAT KAY MAYOR ALICE GUO

Grabe ang ginagawa kay Mayor Guo ng Bamban Tarlac. Hindi mo malaman kong tino-torture o ginagago ng mga nag-iimbestiga sa kanya. Gumawa ang Senado ng resolusyon at laman ng nasabing resolusyon para imbestigahan si Mayor Guo kong may kaugnayan siya sa POGO o wala o kung nag-ooperate ng POGO at kung may kaugnayan pa ang mayor sa droga. Ang lahat, negatibo. Ang ginawa ng mga senador, kung ano na lang ang pinagtatanong sa kanya na lihis sa resolusyon nila. Malayo sa reso nila. Parang mga estudyante sa high school na hindi sumusunod sa rules and regulations, ang mga tanong nila tungkol sa citizenship ng mayor, mga kapatid, mga magulang, mga kakilala at kung ano-ano pa. Tinatanong pa nila kung paano itong yumaman at pati helicopter at magarang kotse, inaalam pa nila. Iyong talagang pakay nila sa resolution nila nawala na, iba na ang mga itinatanong in aid kuno sa legislation. Ang galing nila magtatanong na malayo naman sa talagang pakay ng reso nila. Ang tanong nila tungkol sa citizenship samantang ayon sa Comelec na complied na lahat at ang Solgen ang tanging puedeng magfile ng quo warranto case at DILG. Pero anong kaso nga ang ipafile nila?

*****

Kung iisipin mo, lahat kay mayor nahalukay na lahat simula sa lalamunan hanggang small intestine hanggang large intestine umabot pa sa anus, pabalik pa, tinira pa. Grabe pagkatira pati mga vlogger sumabay sa mga pagbibintang kahit walang batayan. Overkill ang ginawa nila mapagtakpan lang ang hari ng bangag na Poncio Pilato. Alam niyo kasi may tao silang gustong pagtakpan o protektahan na kung puwede ayaw nilang dapuan ng lamok kaya ganoon na lang pagtatakip. Nakakaawa talaga ang mayor. Ano kaya kung sa kanila din gawin ang ginagawang ito? Masakit din siguro! Pati si Sen. Chix ginagawang parang tanga, sinasabi lang ang totoo at tamang dapat gawin sa mga imbestigasyong ginagawa nila dahil ang ginagawa nila puro paltos at hindi tama. Pag nagsabi ka ng totoo, sasabihing may kinakampihan ka. Puro lang naman grandstanding at kayabangan ang makikita mo at pabida.

*****

Halatang may pinoprotektahan at malaking pinagtatakpan na malaking tao. Sino kaya ang herodes na ito? Pati iyong imbestgasyon sa PDEA leaks Nawala, ang isang resource person nakulong. Nakakatawa dahil gustong sirain ang witness pero ang nakakahiya ang convict ay ang nag-iimbistiga. Only in the Philippines! Ex-convict vs non-convict. What a beautiful drama!

*****

Talo ang Pinas, third lang sa AVC Volleyball Championship. Pakatapos ng mahabang taon, nanalo din ng medalya ang Pinas at tuwang-tuwa ang mga Pinoy sa panalong ito. Sana sa susunod kuha na natin ang kampeonato lalo at napakaganda ng ipinakita nila sa laban. Ang masama lang, hindi kasama ang lahat na magagaling, pinili lang ang gusto ng coach. Nagkakapulitikahan na naman. Iyan ang masama, dala ng coach ang kalokohang ito. Ang dami ng pulitiko dito, dadalhin pa ang kalokohang ito.

*****

Sana mag-resign na si Sara, tutal naman sirang-sira na ang sinasamahan niya. Magpokus na siya sa pangangampanya niya, tutal gagawin niya naman ito. Tingnan mo si Dadong Macapagal noon, hindi siya binigyan ng puwesto noon, nag-concentrate siya sa pangangampanya. Resulta, talo ang nakalaban niya at mind you, halos murder ang kalaban.

*****

May attitude pala itong si Trump ng Amerika. Kun magalit, parang bata. Pag sinusumpong ng kanyang tantrum at nagwawala na, akala mo naagawan ng laruan at gustong maglupasay pag hindi niya nakukuha iyong laruan niya. Palatandaan na hindi siya magiging mabuting lider kundi isang lider na magpapahak ng bansang Amerika balang araw. Sa tingin ko lang naman iyon at iyon ay sa akin lang at wala akong pakialam sa palagay ng iba.

*****

Sa mga kalye survey kung sino ang magaling magpatakbo ng ating bansa, si FPRRD at PBBM, lampaso si PBBM. Ang rason ng mga tao, noon daw panahon ni Tatay Digong wala ang mga zombie. Ngayon nagbalikan ang mga demonyo sa impiyerno kasama ang mga walanghiya na nagpapakalatkalat sa daan para makatikwang na naman. Wala daw ang mga pangako ni PBBM, hanggang pangako lang daw ito at ganito ang sabi ng mamamayan ng halos sa buong Pinas.

*****

Ang yaman ko ngayon ay hindi kayang tapatan ng sinumang mayaman dito sa Pinas. Mayroon akong sampung luxury ships sa ngayon, 40 bus at sampung commercial plane biyaheng loob at labas ng bansa. Balak ko pang magpatayo ng sampung malls na ang bawat mall ay puwedeng maka-accommodate ng isang milyong tao at balak ko pang magpatayo ng limampung malalaking hotel sa buong Pinas. At ng magpapatayo na ako, bigla akong ginising ng apo ko at nagising naman ako at iyon palang mga kayamanan ko ay panaginip lang. Pero kitang-kita ko na ipinanganak ako na ang ina ko Filipina at ang ama ko Chinese daw at may babuyan kami kaya lumaki ako sa farm.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading