Marami nang bansa ang hindi makatiis sa nangyayari ngayon sa mundo natin. Napakaiinit nila, parang mauubusan ng hotcake na pinag-aagawan ng marami. Kamakailan lamang ay ang daming bansa ang sumali na sa digmaan. Dati USA-UK lang kontra Iran at Yemen Houthis. Ngayon sumawsaw ang France, Australia at Canada. Sa kabilang dako sumali naman ang Egypt. Sa kabilang dako sumali naman ang Sweden, Poland at iba pang bansa at tuluyan na marahil ang pagdami nila nang walang pigil. Samantalang dito naman sa atin ang tatapang ng mga lider natin na akala mo kayang-kaya ang kalaban. Pero ang totoo pag napalaban tayo, wala pang isang araw na labanan walwal na dila ng mga sundalo natin at tanging USA lamang inaasahan at wala nang iba. Sa madaling sabi, tanging Kano ang pagasa natin. Kaya ang pinakamagandang gagawin natin magsipsip ng husto sa mga Kano na siya namang inaasahan natin sa oras ng kagipitan. Wala naman tayong aasahan pang iba. Mga rebelde nga 50 taon na mahigit hindi natin Makaya, kalaban pa kayang ibang bansa ang pangangahasan natin? May mga saltik din ang ilang lider natin?
*****
Pag natuloy ang WW lll, ang gagawin natin magnganga na lang dahil ang totoo wala namang ibang magagawa tayo kundi magbilang ng mga namamatay at hintayin na rin natin ang ating kamatayan. Wala namang matitira sa atin buhay, lahat tayo dedo sa labanang ito kaya ang gagawin natin panoorin ang mga lider nating tatakbo ng Pinas patakas sa lugar na inaakala nilang ligtas sila sa madugong digmaan sa buong mundo. Tayong mahihirap ang matitira dito na makikipaglaban sa gawang katarantaduhan ng ating mga gunggong na lider. Ang gusto nila makipaggiyera tayo pero mga nagrerebelde nga hindi natin makaya? Ano kaya, matitino ba mga lider natin sa panahong kailangan natin ng katinuang pagiisip? Ang hanap natin ay kapayapaan, hindi gulo.Sa panahong ito na puro kaguluhan sa buong mundo, dapat na panukala ninyo puro sa kapayapaan hindi iyong dadagdagan pa ang gulo. O gusto nyong makatikim muli ng kalupitan ng digmaan. Mga bata, matatanda at mga babaeng mga bata pa ang kawawa at pati mga babaeng walang kakayahan sa digmaan, mapapasubo na rin dahil digmaan nga.
*****
At sa akala ninyo ang mga kalapit bansa natin, magiging kakampi natin? Remember na ang mga kalapit bansa natin ay Muslim countries, ang Singapore ay Muslim, Malaysia Muslim, Indonesia, Vietnam, Japan iba ang religion nila at tayo lang ang Christian country at tayo ay napapaligiran ng mga Muslim na bansa at remember ang kalaban natin kung sakali ay mga Muslim at pag nagkaisa silang lahat, matutunaw tayo. Kaya ang pinakamabuti peace para sa lahat Kristiyano man o ano man sila pinakamabuti ang lahat ay sa kapayapaan.
*****
Sa PVBL, Feb. 15 ang simula ng laban kung saan marami rin ang nag-aabang sa labanang ito ng magagandang babae. Parang beauty contest pero saan ka, karamihan diyan puro nakapalakol na dala ang mga iyan. Kaya ingat kayo dahil baka magkamali kayo sa kanila. Pati mga gupit nila pang siga talaga pero maniwala kay sa hindi, saksakan sila ng babait lalo na si Phenom at si MG na saksakan ng ganda pero mind you ang gagaling pa sa larangan ng volleyball.
*****
Sa lahat ng kalye survey, bagsak talaga si PBBM at wala siyang sinabi kay FPRRD. Ang tanging maririnig mo sa mga tao nabudol sila dahil akala nila katulad daw ng ama niya si PBBM, iyon pala wala namang sinabi. Ang bigas 20 pesos isang kilo, iyon pala isang gatas isang kilo. Maliwanag na pambubudol, ibinoto pa naman siya nang mga nabudol niya. Kawawang mga tao dahil ako, pati pamilya ko, nabudol din. Masakit pero iyan ang buhay sa Pinas. Sanay na tayo sa pambubudo! At huwag tayong mag-alala dahil darating din sa kanila ang hinahanap nila. Tingnan mo sa kasuwapangan sa puwesto ng pamilya, lumabas na iyong karma at BANGAG PALA.
*****
Hindi ko alam kung totoo ang balita ang nagpapatakbo sa ating bansa ay isang babae raw. Nakatatlong babae na tayo, puro walang kuwenta. Sana ang pang-apat na babaeng pangulo, ayos na dahil palaban at hindi ng aander pero hindi si PBBM sinasabi ko. Ang sinasabi ko babae ang pagpapatakbo ng gobyerno. Mabuti ang bigas at iba pang bilihin nasa ayos at hindi palokoloko. Pag sabing isang kilo ang bigas at hindi 1/4 kilo, isang kilo talaga at ang presyo ng mga bilihin mababa.
*****
Nasasangkot sa kontrobersiya ang Bicol Partylist kongresman na si Zaldy Co at pinagsabihan ni Senador Joel Villanueva na maligo muna bago magsasabi ng kung anu-ano. Hindi ko alam ang puno’t dulo ng iringan nila pero medyo matindi dahil tungkol sa BIR at may avoidance, tax evasion non payment of taxes. Aywan kung anong ibig sabihin ng ng senador dahil ang alam ko isang malaking negosyante ang kongresman at may-ari ng SUWECO.Pero imposible namang maligo muna siya, ang daming tubig ng SUWECO. Siguro hindi literal, baka may ibang ibig sabihin ang senador. Ano kaya iyon?
