Saan nga ba galing ang pera ng Maharlika? Kung ito ay makasasama at ilan lang ang makikinabang na naman, dapat diyan itapon sa basurahan. Kung ito ay makakabuti sa mga mamamayan, ituloy pero gawing mabuti ang lahat. In other words, suriing mabuti at pag-aralang Mabuti, hindi puro daldal at pasikat para sablhing magaling ang bokadora!
*****
Sa totoo lang, marami ang hindi nakakaintindi kung ang ano Mahalika na yan. Nakakaloko at nakakasira sa mga tao dahil hindi lahat nakakaalam ng mga bagay-bagay sa mundo! Parang mga sira, lahat pinakikialaman. Hindi naman yayaman ang mga Pinoy diyan! Pag-usapan ninyo iyong mga bagay na yayaman ang mga Pinoy, hindi iyong mga bagay na walang katuturan!
*****
Yayaman ba ang Pinas at kikita ba tayo o magkawatakwatak? Marami ang sisikat at malalagay naman sila sa diyaryo! Iba kasi [ag nasa diyaryo! Ibang-iba ang dating kung hindi ka nauuto! Akala mo sikat ka, inuuto ka pala? Ilan kasi sa mga senador mga uto-uto at mga pasiklab lang! Bobo at mga walang alam, puro pansariling kapakanan lang ang alam!
*****
Hindi tatagal magiging uto-uto si Marcos at mga ilang buwan pa isa nang sirang Marcos siya. Noon, lokong-loko ako sa kanya at mababago na ang lahat. Iyon pala, masisira na ang lahat. Sayang ang boto ko sa kanya! Pero hindi pa huli ang lahat, may pag asa pa tayo dahil araw araw may bukang liwayway, ang ibig sabihin ay pag-asa!
*****
Marami ang masama ang loob dahil nabigo sila sa inaasam na pabuya galing sa palasyo, Na-scam daw sila! Puro daldal lang daw kapag oras na, wala kundi puro daldal at panay na lang pangako. Weak leader, tama si Duterte, magaling sa salita, wala gawa! Dapat magaling sa salita, magaling lalo sa gawa!
*****
Si Cong Marcos, si Cong Romualdez at si Cong Arroyo, lahat sila ay pabor sa Maharlika para daw private lang ito at lalago kung pag-aaralang mabuti. Kung puro ngawa, bagsak iyan dahil sa negosyo ng gobyerno puro nakawan lang diyan. Tren noon, riles na lang natitira. Baka sa darating na araw, tinik na lang at ni kalansay wala na.
*****
Hindi raw totoong hinuli na si Cong. Raoul Manuel; ang totoo daw walang humuhuli sa kanya. Gawa-gawa daw ito ng mga alipores ni Manuel para lalong sumikat at pag-uusapan. Marami nang naiinis dito at gusto nga nila ay mabulok na sa kulungan para nga manahimik na sa kasasatsat ng walang katuturan! Congressman, manahimik ka naman diyan at nakakabuwisit ka na!
*****
Marami nang namamatay at sa Russia at Ukraine, pati mga kalapit bansa at maaring sumiklab din ang bakbakan sa Asia dahil parang nang-iinis ang North Korea sa mga kalapit bansa nito tulad ng Japan at iba pang bansa. Kung hindi lang magaling sa diplomasya ang bansa natin, matagal na tayong napasubo sa gulo!
*****
Sj Duterte raw ang pinakamagaling na naging pangulo ng bansang Pilipinas! Nabawasan ng husto ang mga durugista, mga magnanakaw at mga iba pang kriminal maging mga rapist at mga holdaper at lahat ng masasamang elemento ng lipunan! Nang mawala si Duterte, bumalik ang mga demonyo ng lipunan! Duterte lang ang may pangil na kumakagat ng masasamang elemento ng lipunan!
*****
Iba talaga ang anak sa ama! Ang anak mahilig, magpa-cute. Ang ama todo bale at matapang ang paninindigan basta sa ikabubuti ng sambayanang Filipino! Ang bansa ay uunlad lamang kung ang kriminalidad ay unang susugpuin! Kung hindi kaya ay mag-resign at magpapalit sa taong may pangil!