Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

GANTI NI BANTAG KAY REMULLA

Hindi ako natatakot mamatay, ayon kay Gen. Bantag ng Bucor! Kanino ka nga naman matatakot! Kung wala kang dapat katakutan lalo na kung wala kang kasalanan! Sabi nga, the truth will set you free! So kanino ka dapat matakot?  Baka sa multo?

*****

Si Panelo ay isang magaling na abogado kaysa naman maniniwala ka sa abogadong ang alam lang ay who killed Magellan? Tapos talo pa ang kaso. Napakabobo naman ng abogadong ito? Ang dapat ša’yo, sir, magtanim na lang kayo ng kamote!

*****

Ibang bumanat si Bantag, talagang tatalupan ka! Resbak ni Bantag, may kalalagyan ang mga kalaban. Kinampihan pa ni VP kaya lubog ang kanyang mga banka. Ang dami kasing ambisyoso at the expense ng ibang tao, tuloy nasisira sila! Good luck at gandahan ang palusot.

*****

Sabi ni Bantag, hindi siya kundi si SOJ ang magresign dahil wala raw itong kredibilidad dahil dapat anak nitong durugista ang inaatupag. Oo naman, maglalagay ng bago sa Bucor para protektado ang anak dahil delikado ang anak sa bagsik ni Bantag. Dugo mas matimbang kaysa tubig. Remember!

*****

May mga nabanggit pa si Bantag na personalidad na sinasabi na ang tinuturo si Remulla at mga sasakyan nito at hindi kay Bantag! In other words, akusasyon laban sa akusasyon! Matira ang nagsasabi ng totoo! Para sa akin, pareho silang gumagawa ng kuwento! Nasa sa atin na ang padhahatol sa kung sino ang nagsasabi ng totoo!

*****

Tinalo ng Gilas Pinas ang Jordan sa basketball! Isa lang ang rason doon ang bolang gamit nila ay bilog at hindi lapad! Kaya never tayong gumamit ng lapad na bola! Huwag tayong  kasi  magkamaling gumamit ng lapad na bola dahil tiyak matatalo tayo!

*****

Tinalo ng F2 Logistics ang Cool Smashers sa volleyball! Ang rason kaya natalo ang team ni Alyssa masyado raw malamig ito, sabi ng mga nanood ng laban! Baka dahil break na si Alyssa kay Kiefer! Puwede rin, ano?

*****

Nangunguna ang Hotshots ngayon sa laro ng PBA na pinangungunahan ni Mark Barroca at Gio Jalalon at nawawala ang SMB, TNT at Gin Kings na ngayon baka lapad na jang! Babawi daw sa susunod na laro magiging bilog na yan!

*****

Si Remulla appointed ni Marcos, si Bantag naman appointed ni Duterte na parehong nagbabatuhan ng putik sa mukha! Unang pukol ng harap-harapan ay si Remulla at mabigat ang ganti nito na halos matibag ang pader ng bahay ni Remulla! Wala pang ganti si Bantag, isa rin itong palaban! Sino kaya magwawagi sa dalawang dramatista sa seryeng ito?

*****

Kung buhay pa sana si Eddie Garcia, sigurado kuha naman niya ang seryeng ito. Mga artistahin din sila pero talo sila ni Eddie Garcia! Magaling talaga ang taga-Bicol! Oragon!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d