TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MAGALING, NAGPASIKAT SI BBM SA AMERIKA

Ang galing ni BBM sa pagsasalita niya sa UN general assembly. Alam niya kung ano ang “O” sa NGO. Ang “O” kasi sa NGO ay organization, hindi association kundi organization. Siguro naman ay malinaw na iyan sa hindi nakakaintindi. Uulitin ko, ang “O” sa NGO ay organization at hindi association.

*****

Hindi ako naniniwala na bankarote na si Manny Pacquiao. Kunwari lang iyan na bankupt na siya pero sa maniwala kayo sa hindi, bilyonaryo pa rin yan! Puro satsat lang kayo pero hindi niyo naman alam ang tagong yaman ni Pacquiao! Mga Marites!

*****

Paano ngayon ‘yan, bago na ang mga player ng GSM? Tila gusto ni Cone ng bagong mga mukha at huwag kayong umasa na magtsa-tsampyon kayo ng mahabang panahon gayong bago ang mga player ninyo! Umasa muna kayo sa wala dahil mahirap ang nag-aadjust! Tatlo, limang taon inaabot yan!

*****

May tsampyon tayo sa tennis juniors sa katauhan ni Alex Eala, Napakabata pa niya pero kampeon na agad! Dahil bata pa nga, hindi mo aakalain na magiging kampeon siya pero sa totoo siya ang tsampyon sa tennis sa buong mundo at siya ay nakatayang lumaban sa matatanda sa kanya sa US Open! Pinoy po siya, baka hindi ninyo alam, at siya ay isang babae.

*****

Sa madaling sabi, kilala tayo sa buong mundo sa lahat halos na larangan!  Sa boksing at iba pang laro, kilala tayo, lalo sa larong buwaya diyan ang galing natin! Punta ka sa Kongreso, ang gagaling nila! Lalo sa pasahan ng bola, maasahan talaga sila at mind you ang hahaba ng buntot nila!

*****

Ayaw na talagang ipa-renew ang ABS-CBN dahil sa ito raw ay lumabag sa Constitution, anang ibang mambabatas! Dahil ito raw boss ng Channel 2 ay isang Amerikano at nakasaad sa ating batas ay Filipino lamang at kailanman hindi isang pekeng Filipino! Pero nagpupumiglas ang ilan pero pilit silang binabagsak ng magaling na si Marcoleta!

*****

Bakit nga pala nawalang bigla ang katiwala ni BBM na si Vic Rodriguez, ang ES ni BBM? Ang lahat ay hanggang hula lang at marami ang naguguluhan sa pangyayari! Ang masasabi ko lang ay hindi ako sl Vic at lalong hindi ako si BBM? Bahala na kayong manghula!

*****

Tinapyasan ng malaki ang budget ng UP at talagang naapektuhan ang magugulong mga estudyante ng UP. Ang sabi ng iba, dapat daw ipasara na lang! Hindi dapat dahil papaano naman iyong gusto mamatay at gusto yumaman sa pangingikil! Papaano iyong gustong makita si Joma! Wala na, hindi na sila papatayin ng militar! Ang sarap kayang mamatay ng dahil sa bayan!

******

Pakiulit ko raw kasi sabi nila maganda raw pakinggan! Ang sabi maganda raw ang programa ng TESDA at marami kang matutuhan at may kuwarta pa! Ang masama, hindi naman ginagamit ang natutunan kundi ipinagbibili ang mga gamit na ibinibigay ng gobyerno. Binebenta ito! Sige nga, mga taga-gobyerno, mag-imbentaryo nga kayo at sabihin ninyo kung ilan na lang ang may mga gamit pa!

*****

Bakit nga ang dami ng relihiyon sa Pilipinas? Kaya tuloy balak kong magtayo ng sarili kong relihiyon at ang pangalan ay naiiba sa lahat sa buong mundo at ang mga tagasunod ko lahat ay mga mababait, mga walang pagkakasala pa at hindi pa gagawa ng kasalanan! Mga umboy na ido…

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: