TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

COVID 19 AT IBA PA DUMADAMI NA NAMAN

Lalaban daw uli sa boksing si Manny Pacquiao pero matanda na siya kaya hindi ako pupusta sa kanya at lalong hindi pa din ako boboto sa kanya. Pero kung matanda na rin ang kalaban niya, okey ako. Lalo kung uugod-ugod na!

*****

Tuloy ang laban ng Meralco vs. SMB at Hotshot vs. TNT, hindi lang natin alam kung sino ang mananalo. Fearless Forecast ko Meralco at Magnolia kung hindi sila matatalo. Pero manalo-matalo, sa Magnolia ako.

*****

Hindi raw sapat ang rollback sa fuel, mas malaki raw ang itinaas kaysa rollback. Tama ang sabi nila, kaya dapat kayo na lang ang DOE secretary para masunod ang gusto ninyo, mga driver! Hindi nasusunod ang gusto ninyo baka pag kayo na pumalit, masusunod ang .gusto ninyo.

******

Hindi pa nga natatapos ang Covid, tumitira naman ang dengue! Ano pa kaya ang susunod? Siguro chicken pox o di kaya dog pox kasi meron ng monkey pox at matindi ito, nananalasa sa buong mundo kaya pinag-iingat ang lahat sa sakit na ito!

*****

Milyon ang halaga ng smuggling ngayon at sa pagkakataong ito hindi na shabu kundi sibuyas na! Milyon inii-smuggle nila. Ano naman kaya ang susunod? Baka bawang o di kaya kamatis o di kaya tao na sa ibang bansa nauuso! Dito sa atin uso na rin ito pero hindi pa masyado!

*****

May bago nang DOST Secretary sa katauhan ni Renato Solidum! Ano kaya, mapatitigil nya ang lindol at ang pagbuga ng bulkan? Biro lang pero naglalagay tayo ng mga tao sa mga posisyong hindi naman napakikinabangan, nakapanghinayang!

*****

Lalong tumaas ang bilang ng nagkaka-Covid! At lalong dadami ito pagdating ng pasukan! Nakakatakot pero iyan ang gusto ng pamunuan, Kaya naman sunod tayo kahit ayaw pa ng ilang guro! Bakit gusto ng pamunuan ng DepEd gayong nasa pandemya pa tayo? Trabaho okey lang dahil alam na nilang mag-ingat! Ang mga bata, mga careless ang mga iyan. Matatanda nadadale, mga bata pa kaya?

*****

Ang China puro lang daldal, hindi naman makapalag sa Amerika! Kung tutusin ang liit-liit ng Taiwan, hindi makanti dahil protektado ng Amerika. Kaya puro daldal na lang at pananakot ang kayang gawin. Puwedeng kasama nito si dating President Trump na magaling lang sa daldal, Si Putin walang maraming daldal, laban at bahala na ang Diyos at tingnan ang resulta ng ginagawa niya!

*****

US military drill gagawin ng Amerika sa Taiwan Straits! Payabangan ang dalawang mayayabang na bansa! Ano naman kaya ipagyayabang natin? Tabak ang gamit ni Bonifacio kaya tabak din ang gamit natin! Ang

problema kalawangin at marami pang gibang! Patay tayo nito! Sa ROTC ituro niyo ang pag-assemble at pag-disassemble ng paltik na baril! Puro kalukohan, nananakit pa ng mga kadete! Puro abuso lang matutunan diyan!

*****

Pasukan na ng mga eskuwela at umasa tayo na muling dadami ang magkakaroon ng Covid! Hintayin natin ang pagkakaroon at pagdami ng covid at walang sisihan sa huli! Tutal, wala namang nauunang pagsisi! Parating nasa huli yan!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: