TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NO AKO SA CAT AT ROTC

Sinisisi si coach Baldwin kaya natalo ang Pinas ng Japan sa Fiba Asia Cup!  Una, isinabak ang team

Pinas na walang naturalized import;,pangalawa, mga bata pa; pangatlo, walang mga experience; panglima, hindi si Baldwin ang coach kundi si Chot Reyes! Bakit sinisisi si Baldwin? Kasi natalo ang Pinas, di ba? Pero kung natalo ang Japan, walang sasabihin tayo? Ang hirap ispelengin ng mga Pinoy? Sala sa init, sala sa lamig.

*****

Ang kasuyong ibon muling magbabalik pagsapit ng hapon kung hindi pa natatangay ng asong masiba! Ang asong masiba mas matindi kung oras ng gabi! Kaya mga lalaki, mag-iingat sa mga asong masiba! Baka magsisi kayo ang dami pa naman ng asong masiba lalo na kung gabi!

*****

Pasyente ipa-CT scan mo ang anak mo sa hospital at ibalik mo sa akin! Ipina-CT scan at bumalik ang ina pero sa ibang hospital dinala ang bata, Laking gulat ng doktor kung bakit hindi sa hospital nila dinala ang bata, sa halip sa ibang hospital nila dinala at katuwiran ng ina sa ibang hospital na dinalhan niya mas nakamura siya ng apat na piso! Saan ka pa, mas mura sa iba!

*****

Marami na naman ang biktima ng lindol sa Abra, patibay na hindi mahusay ang gawa ng mga Pinoy! May mga namatay pa! Kung mahusay ang gawang Pinoy, maiiwasan ang ganitong mga sakona! Kung mahusay pagkagawa, maraming buhay ang malilligtas tulad sa gawang Japan na halos buwan-buwan nililindol!

******

Hindi ako sangayon na gawing mandatory ang CAT at ROTC sa mga eskwelahan. Una, kawawa ang mga estudyante. Pangalawa, lalabas na naman ang abuso ng mga opisyal. Pangatlo, lalabas na naman ang mga mayabang na opisyal ng ROTC na mayayabang pero walang utak kundi kayabangan at hambog lamang. Lalabas na naman ang mga mangingikil. At panghuli, magiging talamak ang pangingikil sa mga estudyateng mayayaman at ayaw mag-ROTC! Kulang pa ito!

*****

Dagdag gastos pa ito sa mga magulang at problema sa mga estudyante! Problema sa uniporme at malaking problema sa transportation! Ano kaya kung mga mayayaman na lang ang pagawain nito na can afford magbayad ng mga opisyal ng ROTC? Mayayaman na hindi nagsisipag-ROTC! Kaya kung ako ang tatanungin kung gusto ko ang CAT at ROTC, malaking NO ang sagot ko!

*****

Gigising ng maaga, maliligo ng maaga kung working student ka, liliban sa trabaho na puwede mong lkatanggal o puwede mong ikawala ng trabaho! Bentahe na naman sa mayayaman na puwedeng lagyan ang mga opisyal ng ROTC! Kaya muli ang sagot kung muling bubuhayin rang CAT at ROTC ay NO ako!

*****

Ang ibong tinangay ng aso, hindi mo na kakainin pa dahil nilawayan na at iba na ang lasa at amoy nito! Kaya huwag mo nang balikan at muli mong aamuyin at lalasahan pa! Ang gagawin mo, iwanan ito at gawin mong pulutan kung may delicadeza pang natitira sa iyo! Iyong ibon naman kung may kahihiyan pang natitira sa kanya, kusa ng lilipad muli!

*****

Kaya ikaw, VP Duterte, kahit sino pang Duterte, pag muli mong binuhay ang CAT at ROTC law ay manigas ka na! Hindi na muli akong boboto sa iyo! Hindi mo isinaalang alang ang damdamin ng mahihirap! Isa ka ring pro-mayaman kaya magsama-sama kayo! Tandaan Ninyo, minsan nang nawala yan dahil sa abuso ng mga abuserong tao, ngayon ibabalik nyo pa para sa kapakanan ng mga abusado?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: