TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

TAPOS NA

Tapos na ang eleksyon kaya tapos na rin paghihirap ng mga tao sa nakaraang botohan! Mag-move on na tayo at kung hindi  ninyo kaya, magtanim na lang tayo ng tanglad o di kaya better luck next time.

*****

Kung hindi ninyo.matanggap ang pagkatalo, magpakamatay na lang kayo! Ginagawa ito ng mga baliw! Hindi kayo baliw kaya huwag ninyong gagawin! Magtanim na lang ng kamote o tanglad. Bagay sa talunan!

*****

Si BBM at SARA ang panalo walang duda at walang daya! Sa talunan, sabi dinaya daw sila! Ang tawag diyan palusot! Walang puwang sa mundo ang ganyan! Kung talo, talo at umuwi at maglaga ng tanglad. At mag-move on, kung hindi kaya di mag-move out!

*****

Sa governor at vice governor, tama lang ang hula ko! Boboy at Peter Cua ang panalo! Sa congressman, tama pa rin ako pero iba ang lumabas! Pordoy wala kasing kwarta! Pero kung nagnakaw at nagpanakaw rin siya, baka nanalo!

*****

Maski isa, walang lumusot sa mga inindorso ni Duterte. Robin Padilla lang ang pumasa sa panlasa ng mga botante nang hindi sinasadya! Ang mga hindi lumusot sa hula ko si Paneio; Roque at iba pa! Kasalukuyan silang naglalaga ng tanglad! Malas nila! Suerte ni Robin, maganda pa asawa.

*****

Naalaala ko si Dolphy at Panchito sumabak sa puliika pero ang pera niya katorse pesos lang, ang resulta talo! Kaya sa susunod ipakikila ko si Maja bilang asawa ko (biro lang), baka sa ganda niya manalo rin akong senador, kaya gobernador din!

*****

Sabi ko noon kung wala kayong kuwarta, tumigil na kayo pero sa paniniwala ninyong kilala at sikat kayo sumige rin kayo resulta yong pagiging sikat at kilala Ninyo, talo kayo sa eleksyon! Mabuti kung katulad kayo ni Robin Padilla! Totoong guapo at maganda mga asawa!

*****

Sayang lang pakilala ninyo ng kung anu-ano, hindi kayo nanalo. Ang maganda lang diyan natututo kayo kung papanong lokohin ang mga tao! Kaya magiging dagdag kayo sa mga maloloko! Lalong dumadami ang mga sira-ulo!

*****

Sabi sa akin ng isang natalo sa eleksyon, mag-iisip daw sila ng pangontra laban sa mga nanalo! Magandang kaisipan pero kung maski pambili ng tuba wala, walang idudulot na maganda! Ang mainam mag-ipon ka ng maraming pera para pantapal mo sa mukha ng mga botante sa dadating na eleksyon!

*****

Tapos na ang kasayahan pero masaya rin ang Flores de Mayo! Iyan ang tunay na kasayahan, masaya ang lahat, bata man o matanda. Ang pagkakaiba lang? Maraming pera at sabon sa eleksyon!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: