GAMOT NA MOLNUPIRAVIR PAG-ASA NG BUONG MUNDO

CoCs FILED BY CANDIDATES – Nakapag-file na ng kanilang Certificate of Candidacy ang mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taong 2022. Dito sa atin halos alam na ng lahat kung sino ang mga sasabak sa kani-kanilang puwesto. Sa Gobernador, Joseph Cua, Shirley Abundo at isang Randy Tanael. Sa bise gobernador, Peter “Bos Te” Cua, Natalio Popa, Jr. at isang Rodel Abichuela. At sa kongresman naman, Cesar V. Sarmiento, Eulogio Rodriguez, at Hector Sanchez. Ito lang ang sa matataas na posisyon ng probinsiya.


MGA KANDIDATO SA PAGKA-PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO – Sa pinakamataas na puwesto (panguluhan) ng bansa ito ang mga kandidato: BongBong Marcos, lsko Moreno, Leni Robredo, Manny Pacquiao, Panfilo Lacson, Bato dela Rosa. Sa pangalawang pangulo, Lito Atienza, Willie Ong, Tito Sotto, Bong Go at Kiko Pangilinan. Si BongBong Marcos lang ang walang tandem.


NAMIGAY NG PERA – Samantala ang kandidato sa pagka-pangulo na si Manny Pacquiao ay namigay daw ng tig-iisang libo sa Balayan Batangas at ang sabi tulong daw iyon sa mga tagaroon dahil sa pag-erupt ng buikang Taal noon. Medyo matagal na iyon, ano? Dapat sana tinulungan ni Pacquiao iyong mga nabiktima kamakailan lang ng bagyong si Maring? Tanong: bawal bang mamigay ng pera ngayong malapit na eleksyon? Sa akin lang itong opinyon. Ang sagot ay hindi. Kasi hindi pa campaign period. Filing pa lang ng CoC at sabi nga ng isang taga-Comelec, ang mga nag-file ng kanilang candidacy ay mga mere filers pa lang. Pero kung mamimigay ka ng pera sa ganitong panahon, masyado namang obvious at dapat mahiya ka naman sa sarili mo maliban lang kung wala kang delicadeza o talagang mangmang ka o di kaya talagang manhid ka. Lalo sa panahon ngayon na pandemya na maraming dapat tayong sinusunod para makaiwas sa kumakalat na sakit. Sa parteng ito, puwede may pananagutan ang isang kumakandidato? Bahala na diyan ang mga kinauukulan.


HINDI PA CAMPAIGN PERIOD – Actually hindi pa campaign period pero kung umasta mga kandidato, akala mo kampanyahan na talaga. Iyong iba kung manglait, akala mo talagang-talaga na? Naiiba talaga eleksyon sa atin. Pero iyong iba naman, relax lang sila. Kasi alam nilang hindi kailangang gumalaw ng gumalaw lalo kung alam nilang sigurado ang laban. Iyong iba nga diyan tumatakbo o umaalis na sa kanilang lugar para iwas gastos at para iwas sa mga mamamasko. Malapit na pasko di ba at naku malaking gastusin yan? Takbo na! Pero sa mga hindi pa masyadong kilala, magpapakilala muna at sabi sato mantiner, sustiner, disponer. Gagastos at gagastos ka at kailangan para makilala ka. Masyadong magastos at nakakapagod at nakakawalanghiya. Bakit magastos? Kasi hindi puwedeng hindi dahil hindi ka pa kilala at kailangan pakilala ka pa. Bakit nakakapagod? Kasi nga kailangang mag-iikot ka para magpakilala. Bakit nakakawalang-hiya? Kasi nga pagkatapos ng grabeng pagpapagod mo, pagpapakilala mo para manalo ka, kailangang kailangang gagastos ka ng malaki para Ipambili mo ng boto. Kung hindi ka mamimili ng boto, masasayang ang lahat ng pagod mo at kailangan talaga walanghiya ka! Ang pamimili ng boto ay bawal pero ginawa mo kaya walang hiya. Iyong tumanggap ng pera, isa ring walanghiya. Garapalan na talaga! Sino pasimuno? Mga kandidato siyempre.


BILIHAN NG BOTO – Ang bilihan ng boto ay isa nang kulturang Pinoy. Ito ay kaugalian na kung panahon ng eleksyon sa buong bansa. Ang Comelec ika nga ay helpless pagdating sa suliraning ito. Nganga sabi nga ang mga taga-Comelec. Wala silang ngipin, kung meron man, sabi sato tilipo. Dae makakagat. Kung may boses man ngongo, singaw pa kasi nga “tilipo mga tingo”! Ganyan kahina ang Comelec natin! May mga pulis nga at may Army pa na deputized ng Comelec pero sa panahon ng eleksyon may piring ang mga mata nila, may zipper mga bibig nila, hindi makakita mistulang mga bulag at susto piping-pipi sila? Comelec… useless! Hindi natin sila masisisi iilan lang naman sila sa opisina kaya ang kaayusan at kapayapaan ng eleksyon purely police matters. Pero bakit bulag sila, pipi sila? Ang sagot ay nakatago sa baul? Alam nyo na kahit hindi nyo halukayin ang baul ninyo!


MOLNUPIRAVIR – Ang bagong na-diskubreng gamot na itinuturing na magiging game changer laban sa sakit na Covid-19 ayon sa mga doktor na kasalukuyang isinailalim sa clinical trial ng FDA sa Amerika. Ang gamot na ito ay molnupiravir, isang tableta at ito ay iniinom tulad ng ibang gamot na iniinom lamang. Pero ayon sa mga doctor, ito raw ay epektibo kung bagong hawa pa lang sa isang tao. Ito ay ginagawa ng Merck and Shap at ang Pilipinas ay kasama sa ginagawang clinical trial ng FDA sa USA kaya malamang daw na makakauna ang Pinas na makakakuha ng gamot na ito at ito ay mura dahil maraming kumpanya ng gamot ang gagawa nito.Sa ginawa raw na trial o eksperimento sa 700 katao, merong mga naospital pero walang namatay. Pero sabi ng mga doctor, mas epektibo pa rin ang ikaw ay nabakunahan. Pero iyong mga ayaw magpabakuna, sigurado ako na hihintayin nilang maaprubahan na ang gamot na ito ng FDA. Mali!! Papaano kung pagdating dito o pagka-aprub nito ay dati ka nang may tama at malala na? Sabi pa naman ang gamot na ito ay epektibo kung bago pa lang. At isa pa, hindi pa aprobado ng FDA dahil nag-aaply pa lang ng emergency use authorization sa FDA ang Pinas pero ginagamit na raw ito sa ilang mga hospital for emergency and compassionate use. Pag nagkataon pala, para na rin lang itong paracetamol na pag masakit ulo mo, isang inuman lang tanggal sakit ulo mo. Masasabi nating game changer na nga ang gamot na ito dahil sigurado ako balik normal na buhay ng mga tao sa buong mundo. Parang naaaninag ko na ang bukang liwayway. Sana tuloy-tuloy na ito!
-30-

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: