TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

TALO SI MANNY

BREAKTHROUGH INFECTION – Kailangan talaga ngayong may pandemic napakahalaga sa bawat tao na mabakunahan. Para sabi nga ng mga doktor ay may panlaban ang katawan natin sa lumalaganap na sakit. Pero ayon sa mga experto sa kumakalat na sakit o kahit na anupamang sakit, hindi raw nangangahulugan na kapag bakunado ka na ay hindi ka tatalaban ng sakit. Katunayan ayon sa kanila tungkol sa lumalaganap na sakit na covid-19 o Delta variant o anu pa mang kauri ng sakit tulad ng alpha, lambda, beta at iba pang kapangalan ng mga fraternity ay puwede pala tayong tamaan? Ito ay kahit tayo ay bakunado na at ang tawag nila ay breakthrough infections. Ang maganda lang pag bakunado tayo, hindi tayo tatamaan ng husto di tulad sa mga wala pang bakuna na matindi kaagad ang tama. Kumbaga mild lang ang tama ng may bakuna kaysa sa wala pa.

******

ANG TANONG: LIGTAS NA BA TALAGA TAYO SA COVID AT DELTA VARIANT? – Ang sagot ayon sa mga doktor ay hindi! Tripleng pag-iingat pa rin dapat ang gagawin ng bawat tao sa malupit na sakit na ito. Katunayan ayon sa mga ulat galing sa iba-ibang sulok ng mundo, marami pa rin ang nagkakasakit dahil sa Covid at Delta variant kahit sila ay mga vaccinated na. Ang maganda lang ay konti ang namamatay na mga bakunado na. At ayon pa rin sa ulat, karamihan sa kanila ay iyong may mga malala nang sakit at iyong may mga commorbidities. Iyong may mga dati ng karamdaman na nagiging malala na lang ng tamaan pa ng covid. Kaya sa totoo lang hindi sapat na dahil vaccinated na tayo ay ligtas na tayo dahil ang totoo ang mga bakuna sa atin ay sa Covid-19 lamang at hindi sa Delta variant, hindi sa lambda, hindi sa omega, hindi sa alpha at sabi ko nga sa kahit na anong pangalan ng fraternity?

*******

KAILAN MAGWAWAKAS ANG PANDEMYANG ITO? – Ang sagot ay wala na itong katiyakan kung kailan ito matatapos. Ayon sa sabi ng isang doctor, ang Covid-19 at iba pang kaakibat nitong mga sakit at mananatili na sa atin at ang mga kasalukuyang henerasyon ay ito na ang magiging buhay nila. Tulad sa mga naging sakit noon na hanggang ngayon ay sakit na rin natin. Halimbawa ang sakit na polio, malaria, TB, at ngayon ang HIV-AIDS, dengue at iba pa. Habang ang mundo ay mundo, kasama na natin ang Covid at Delta variant. Kaya ang tanging magagawa na lang natin ay ang mag-ingat, mag-ingat at mag-ingat! Huwag tayong umasa masyado sa bakuna dahil tulad ng sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna natin ay sa Covid-19 at hindi pa nila masasabing pang Delta variant na ito. Bagaman ayon sa mga doktor ay malaking maitutulong nito laban sa pandemya. Katunayan matamang pinag-aaralan ng mga doktor ang tungkol sa booster shot bilang pang ayuda marahil sa mga bakuna ngayon na pang Covid-19 lamang. Sana huwag ng pumasok iyong mga sakit na OXO, Sigue-Sigue, Bahala na Gang, Batang City Jail, Genuine Ilocano, at iba pa. Mabuti na lang iyong Sputnik kakampi sa bakuna!

*******

TALO SI MANNY PACQUIAO  РSiguro naman ay matatauhan na si Sen. Manny Pacquiao. At siguro din iyong mga taong nakapaligid sa kanya ay matatauhan na at sasabihin kay Manny na tama na! Enough is enough! Wala nang dapat patunayan pa ang ating bayani sa larangan ng boksing. Nakuha niya ng lahat ang gusto niya. Isa na siyang alamat na maituturing hindi lamang sa atin kundi sa buong mundo. Hindi natin masasabi kung sino at kung kailan mababali ang record niya pero maraming dekada o baka siglo pa bago ma-break ang nakakalulang record niya. Sana naman ay makontento na siya sa mga karangalang nakamit niya at sana rin ay matauhan na iyong mga nakapaligid sa kanyang mga asungot! Dapat ang maging payo ng mga paligid Boys ni Pacquiao ay tama na Manny gagusgus ka na. Masakit sa loob ng bawat Pinoy ang pagkatalo ni Manny pero sa laban may nananalo at may natatalo. Ikaw pa rin Manny ang idolo ng bawat Pinoy sa larong boksing!

*******

Buti na lang at may kongresman tayong masipag! Bong Joson Teves, Jr. ng TGP partylist ang kanyang pangalan. Siya lang ba kongresman natin? Parang siya lang ano kasi siya lang yata kilala ng mga taga-Catanduanes? Mind you, mga kababayan, sa partylist pa iyan? Kumikilos, gumagawa, kahit may kalabang hindi nakikita. Sana magkaroon ng isa pa sa TGP? Para magkaroon tayo ng isa pang masipag na kongresman at para may katuwang si Kong. Bong Joson Teves, Jr. Keep up the good work, sir!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: