Tingnan Natin:

MGA ASYANO KINAMUMUHIAN NG MGA AMERIKANO

Tunay na nakababahala ang balitang ito na ginagawa ng mga kung tawagin natin ay brother Americans. Trending ang balitang ito na sabi ay Asian hate crimes kung saan ay ramdam na ramdam ng mga taga-Asia lalo mga Filipino ang diskriminasyong ipinapakita ng mga merikano. Ninanakawan, minumura, binabastos at kung anu-ano pang mga bagay na nagpapababa sa dignidad ng mga Asiano na nanahanan sa Amerika. Ayon sa ilang mga Pinoy na tila nakakaalarma daw ang mga nangyayaring ito sa kasalukuyan sa Amerika. Kung ako naman ang tatanungin ay matagal na ang pangungutya at pagmamaliit na ito sa mga taga-Asia. Hindi na ito bago. Di ba noon pa ang tawag sa mga Pinoy ay mga unggoy daw tayong walang buntot? Hindi lang naman mga Asiano, di ba? Hanggang ngayon ang tingin ng mga puting amerikano sa mga itim o negro ay mga alipin at hanggang ngayon ganun pa rin ang tingin nila? Pero ang nakakatakot daw sa ngayon ay nananakit na sila at ninanakawan pa, minumura, at lahat na ng katarantaduhan at kawanghiyaan ay ginagawa basta Asiano ka.

******

Sabi ko nga noon pa ay ganyan na ang mga puting Kano. Di ba kaya nahati noon ang Amerika dahil sa mga extremist na mga Kano na gusto nila ang mga Amerikano ay mga putì lang daw at walang halo ng ibang kulay? Ito ang ipinaglaban noon ni Abraham Lincoln at siya ring dahilan kung bakit piñatay siya, ayon  sa mga historians. Pantay-pantay ang bawat nilalang sa mundo, ayon sa kay Lincoln. Ipinaglaban niya ito nangyari naman dahil ipinagpatuloy ng ibang mga lider Amerikano. Pero ang diskriminasyon sa Amerika ay hindi na mawawala dahil ito ay isa nang kultura ng mga puting Kano at habang ang mundo ay mundo ito ay magpapasalin-salin na lamang sa bawat henerasyong Amerikano.

******

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga bansa sa buong mundo ang galit sa mga Amerikano. Tingin nila sa buong mundo sila ang pinakamagagaling at wala ng iba pang lahi ang puwedeng makatataas  pa sa lahi nila at tanging sila lamang. Ilang beses na nilang ginagawa ang panlalamang at pangugulang sa mga bansang kayang-kaya nilang tirisin. Pinalalabas lang nilang tinutulungan nila ang mga bansang inaapi kunwari at lulusubin nila ang mga nang-aapi tulad ng lraq na nagtatago daw ito ng weapons of mass destruction pero nang maimbestigahan walang napatibayan. Sa buong mundo ang mga pinakamagulang na lider ay matatagpuan sa Amerika. Pero hindi umubra ang kagulangan nila sa presidente natin. Obama, you go to hell! Trump, termination of VFA! Iyan si Duterte na hindi nagpatinag sa pangugulang ng mga lider ng Amerika!

*****

Ang American hate na ito sa mga Asians ay para sa akin hindi ito dapat ikabahala ng pamunuan ng bansa. Dahil kahit tayong mga Pinoy ay tulad rin ng mga Amerikano at iba pang mga Asiano. Tumitindi rin ang diskriminasyon sa pagitan ng Pinas at Korea, di ba? At Ano ang dahilan Bakit galit ang mga kaabataang Koreans sa mga kabataang mga Pinoy? Ang babaw ng dahilan, ayon sa pagsasaliksik, dahil ang mga Pinoy daw karamihan ay maiitim. Mga loko, di ba? Kaya kayo mula ngayon maligo na kayo ng gatas o di kaya maligo kayo ng suka para pumutla kayo. Sira-ulong mga Koreano ito! Sige tangkilikin nyo pa ang mga Koreanong tingin sa atin ay mga negro!

******

Ang mga Pinoy at mga Intsik ay hindi nag-iiwanan sa paniniwala. Sabi ng ilang mga Pinoy, boycott products from China. Pero saan ka, lahat ng mga gamit niyan ay gawang China. No choice daw kasi Iyon lang ang mura! Pag punta sa mga restaurant ang oorderin niyan mga Chinese foods. Galit sila sa mga Intsik kasi puro na lang daw tsekwa mga tao sa Pinas. Gusto na raw sakupin ang Pinas. Hindi nila alam matagal na tayong nasakop ng mga dayuhan! Sino ang mga naglalakihang mga tao sa Pilipinas? Mga Intsik, tulad ng mga Sy, Ang, Tan at iba pang mayayamang mga Intsik at ibang mga dayuhan tulad nila Ayala, Razon at ang isang Pinoy na si MVP. Pero at least meron tayong Duterte na siyang namumuno sa mga Filipino na Sabi niya ang lolo niya raw ay isang Intsik. In the end, Intsik pa rin ang may hawak sa atin.

*******

Misencounter sa pagitan ng PDEA at PNP hindi raw totoo? Ang dahilan daw kaya nagkaputukan ang magkaibang grupo ay maliwanag na maliwanag na KUWARTA? Pagdating sa kuwarta nakataya lagi ang buhay diyan. Walang kaba-kabaro diyan. Naala-ala ba ninyo iyong magkapatid na mayayamang intsik? Pinatay iyong kapatid ang punto at dulo kuwarta. Bakit nagkakagulo sa kongreso ang mga kongresista? Ano ang pinagkakaguluhan, kuwarta?

******

Balita: Sabi ng gobyerno, iyon daw ayaw pabakuna ay hindi na pipilitin! Dapat! Kung ayaw, di ayaw! Kung mangisay sila dahil sa Covid, so be it! Iyan ang gusto nila, bahala sila. Basta ako magpapabakuna ako! Sabi ko nga hindi ako natatakot dahil kakampi ko ang Diyos. Matagal nating hinintay ang bakuna tapos ngayong nandito na “maburi-buri pa!” Pero may katuwiran din sila sa pangambang baka sa halip na makabuti ay makasama pa sa kalusugan nila. Pero aprobado na ito ng FDA at pumasa na ng kung ilang clinical trials. Basta ako go na go ako!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: