Ang daming nag-file ng CoC sa Luzon, Visayas at Mindanao. Pati ako na walang balak kumandidato ay napilitang kumandidato na naman. Pero this time iba ang tatakbuhan ko. Kung noon PBM, ngayon naman Presidente ang takbo ko, hindi lakad ha. Ang tatakbuhin ko ay mga ilang kilometro lang, nakakapagod na kasi. Wala naman akong pera, tiyak na talo tayo, mga anak ko pa nag-aaral sa abroad, sa London kaya masyadong magastos. Nag-file ako ng CoC pagka-Presidente ng Jovenes pero disqualified ako dahil overaged daw ako kaya ang ginawa ko nag-file ako sa matanda puwede daw basta bawal ang maglasing. Pero nadiskubre nilang lumpo daw ako dahil sa stroke kaya disqualified na naman ako. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, nagfile pa rin ako ng CoC at ang sabi sa akin ng Comelec, kailangan daw magdamit ako ng Lacoste dahil mga buwaya lang daw ang tinatanggap lalo na daw so medyo gahilupo na ang kiskis. Boda gabatabata na ang tanghaw ta malang 30 anyos ng dae nanutbras. Kaya ang ginawa ko pumunta ako sa bahay ng artistang si Joaquin Fajardo na nagkataon naman nasa Hongkong at may shooting daw katambal si Ivana Alawi. Kaya walang nangyari, hindi na ako nakapag-flie ng CoC. Ang gagawin ko manghuhuli na lang ako ng buwaya para tuloy ang pag-aral ng mga anak ko sa London.
*****
Niratrat daw ang bahay ni Robinhood Padilla nagkagutay-gutay daw. Grabe ang galit kay Robinhood, wala naman kasalanan iyong bahay iyon ang tinira. Siguro nagandahan kaya napagbalingan, ano? Napabalitang hiwalay na ang dalawa at napabalita ding nagpa-DNA test si Padilla at lumabas na hindi nga anak ni Padilla ang bata at napabalita ding si Zanjo Marudo, ang isa sa anak ni Mariel Rodriguez pero ako, sigurado ako hindi ko anak si Julian Ward. Pero ako, sigurado ako, kapatid ko si Ian Veneracion. Char!!!
*****
Alam nyo bang ang mga kasong isinampa kay PACQ ay ibinasura ng korte ng Estados Unidos? Oo, iyan ang nakarating na balita sa atin kung saan ay sinasabi sa balitang ibinasura ng korte ng USA ang ilan sa mga kaso na isinampa sa kay Pastor Quiboloy. Malungkot ang ilang libong pulis sa pamumuno ni Torre et al pati na ang numero unong nag-utos sa mga pulis na lusubin ang lungga kuno ni Quiboloy pero wala namang nakuha. At ngayon ang Senate inquiry sa pangunguna ni Sen. Hontiveros in aid kuno ng legislation at pag nagkataon palpak ang resulta dahil hindi naman in aid of legislation ang ginagawa kundi sila ay umaaktong mga huwes na hindi naman. Kung umasta mga huwes para mag-imbestiga lang naman sila in aid of legislation pero kung umasta mga huwes at pag nagkamali ang resource persons, ipakukulong nila. Pero ang totoo, mga wala namang degree at hindi naman mga abugado. Puro mga grandstander at mga arogante. Ano bang natapos ni Lito Lapid, anong natapos ni Bong Revilla, anong natapos ni Philip Salvador, anong natapos ni RaffyTulfo, anong natapos ni Dan Fernandez, ni Paduano, Quimbo, at iba pa na puro kaybangan lang ang ipinapakita, hindi naman alam gumawa ng batas at ang alam lang magyabang at sabihing magagaling sila? Pwe, ang baho ng amoy ng mga buwaya amoy kanal!
*****
Ang kandidato ko sa pagkagobernador ay walang iba kundi si Bos Te at ang bise niya ay si Obet Fernandez at ang nag-iisa kung kandidato sa Sangguniang Panlalawigan ay si Fred Benedict Gianan at sa Kagawad naman ng Virac ay si Atty. Fred Gianan, Jr. Sa kongressman naman ay si Sammy Laynes at sa pagka-mayor ng Virac ay si Boboy Cua. Sa mga senador, ang sa akin lang ay ang mga sumusunod: Atty. Eric C, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Sal Panelo, Atty. Harry Roque, Atty. Vic Rodriguez, Atty. Trixie Cruz, Atty Glen Chong, Dr. Lorraine Badoy, Chavit Singson at Rodante Marcoleta.
*****
Mayroong kaso ngayon si Quimbo at ang kasong isinampa ay kasong pagnanakaw dahil siguro sa kayabangan kung saan ipinapakita niya sa mga tao na mayaman siya at maraming gamit sa katawan na puro milyon ang halaga, mula sa bag, mga relos na puro milyon ang halaga, at mayroon pang artista van at marami pang iba. Ganoon din si Abante, pastor pa mandin na nagpakita rin ng kayabangan sa katawan at luho sa buhay mula nang maging kongresman ito. Kuntodo di baril pa ito at nagpapakita na yumaman siya ng maging kongresman. Kaya nahaharap sila sa kaso ngayon.
*****
Nakakasuka at nakakahiya ang speech ni Pacquiao. Isa ito sa hindi dapat ibotong senador dahil nakakahiya. Kung ang pera ni Pcquiao ibibigay sa akin, mananahimik na ako at hindi ko na iintindihin ang pulitika. Ang nangyayari tuloy, nagiging katawatawa niya at nakakawalang dignidad niya. Sabi niya noon ipakukulong niya ang mga Marcos dahil mga magnanakaw, ngayon sinamahan niya pa sa partido. Ang ibig niyang sabihin ay sinungaling siya. Aba, hindi ko iboboto ang isang sinungaling at walang isang salitang tao, kaya Manny, magboksing ka na lang, nagiging sinungaling ka pa dahil sa walang kuwentang pulitika.
*****
Isang OFW sa Saudi Arabia ang pinugutan ng ulo sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa pagsasalita ng pangulo ginawa na raw niya ang lahat pero wala daw siyang magawa dahil lahat ng i-offer ng PH ay ayaw tanggapin ng Saudi government kaya wala raw siyang magawa. Pero kung panahon ito ni FPRRD, gagawan ito ng maski anong paraan maligtas lang ang buhay ng isang Pinoy. Sa PBBM admin patay tayong lahat, pagpapakita kung gaano kahina tayong mga Pinoy lalo sa oras ng kagipitan.
*****
Sabi ni Marcos na-deceive daw siya ni VP Sara? Tila baliktad kasi ang na-deceive ni Marcos ay ang mga Pinoy tapos sasabihin niya naloko siya ni VP Sara. Ang nabudol niya sambayanang Pinoy, ang pinayaman niya ang mga Lacoste. Ang pagmamahal niya sa pinsan niyang si Tamba at mga alipores sa team na Lacoste na siyang sumisira sa kanya at patuloy na sumisira nang walang humpay. Iyan ang sa totoo na sumisira sa adming ito, hindi si VP Sara, kung alam mo lang lalo na ang mga buwayang na barong.
*****
Mabigat ang kaso ni Hontiveros pero tatakbo pang senador. Ito ang gobyerno ang daming convicted pero lahat nag-file pa ng CoC at kakandidato pa rin. Mayroon diyan sa Senado na ang yabang pa pero ex-convict na yan. Mayroon diyan na dapat hindi na kandidato pero nakapagfile pa rin ng CoC. Oo, kung sa lower court pa lang ang kaso hindi pa final iyan dahil puwede pang i-elevate ang kaso sa higher court pero kung may hiya ka, titigil ka na. Isinusuka ka na, tumigil ka na.
