Napikon ang France kaya binanatan ang Iran, Yemen at Houthis, Hezbollah, at ang lugmok ng Hamas na ngayon ay naghihingalo at halos ay hindi na humihinga. Ang kinainis ng France ay ang ayaw padaanan ang Red Sea na matatandaan nating ang nasabing tubig ay daanan at sentro ng malalaking negosyo ng iba’t-ibang bansa at isa sa maaapektuhan ang bansang France at tuloy sumama na sa USA-UK group at bumanat na rin sa mga Iranians, Houthis, Yemen. Hezbollah, at Egypt. Supalpal silang lahat dahil ang kalaban nila ang most powerful country in the world, ang USA, na sinabayan pa ng UK. Ang masama nito kung pati Russia ay sumali na rin sa giyera, tiyak yan sabit tayo kahit ano pang pagsisipsip ang gawin natin kay Joe Biden at mga baliw kasama sa kongreso ng USA.
*****
Sa ngayon masasabi nating tiwarik na ang Iran at mga suportado niya tulad ng Yemen, Lebanon, Egypt, Houthis, Somalia, ilang African countries, Hezbollah at ilan pang bansa na baliw ang mga lider at hindi marunong mag-size up ng kakalabanin, basta bira ng bira sabihin lang na lumalaban sila kahit sa bandang huli ay camote sila. Parehas din sila ng ilang mga lider natin na puro tapang ang pinaiiral, hindi ang pag-iisip ng mabuti at kapayapaan kundi puro kayabangan at puro pabida para sabihing magaling sila pero ang pansarling interes ang talagang hangarin. Kaya pati bansa natin nasisira ang mga programa at nagkakabuhol-buhol gawa ng puro mga mayayabang ang mga dapat mga lider natin. Kailan kaya tayo matuto ng totoong tamang pag-uugali at kailan kaya tayo gagawa ng matinong gawain? Puro tayo hambog, yabang, pabida para sumikat sa TV, radio at TV at iba pang medium. Ang totoo, mga bulok kayo kaya nakakahiya kayo! Kurakot baga diyan tayo magaling!!
*****
Bumiyahe na naman ang magaling nating pangulo, ang dala naman kaya nito kayabangan at sasabihin nangako si ganito at si ganoon na mag-iinvest ng kung ano na ang totoo wala naman pala kaya ang nangyayari tulad din sa sinasabi ng kanyang Halleluya Boys na baba na mga presyo ng bilihin lalo na nag bigas. Utot sa lubot sa iring hanggang salita lang. Mga mambubudol kayo. Sabihin nyong hindi kaya para matapos na ang kuwento ni Marites para malinaw na ang lahat. Magkakalat pa ng kayabangan wala namang naniniwala.
*****
Sinalubong ng galit na galit na mga OFW sa Australia si Pangulong Marcos. Maraming mga mabibigat na paratang sa kanya tulad ng pagsabi sa kanyang “you are not welcome here,” “plunderer,” “corrupt,” “war criminal” at kung ano pang masasakit na salita ang ibinabato sa kanya kasama pa ang isang congresista ng Australia sa pagbatikos sa kanya. Kung ikaw kaya ang ganyanin na bumibisita lang babastusin ka ng mg kababayan mo? Di na bali yong taga ibang lugar pero kababayan mo pa gagawin kang isang gago at tanga, grabe na iyan? Pararatangan ka pang plunderer, corrupt at sasabihing you are not welcome here. Grabe!!
*****
Kumpirmado lahat ng witness ni Sen. Hontiveros na bumaliktad pabor na sa kalaban na si PACQ. Saan ka nga naman nakakita ng mga testigos na panay nakamaskara, tapos na ang Halloween, Disyembre pa. Tuloy si Hontiveros ang naidiin ngayon at may malaking problema sa halip na si PACQ, ang pastor ng Kingdom of Jesus Christ. Uso ang kangaroo court sa kongreso, sila ang resource persons, sila pa ng audience, sila pa ang JUDGE. Walanghiyang gobyerno ito natin. Akala ko ang kangaroo court para sa mga taong labas lang, pati pala sa mga grandstander at mayayabang na senador, umaariba rin. Saan ka nakakita ng senador na ang mga testigo nakamaskara at hindi mo makikilala ang mukha? Tunay na pinaglalaruan at ginagago ang mga tao.
*****
Lumabas na kung sino ang magagaling at mahuhusay na volleyball player at nagpakita ng husay. Puwede mo sabihing sila pa rin ang magkakampeon. Grupo ni Alyssa Valdez ang tinutukoy ko at nagpakita ng kakaibang husay, galing at maging sa katalinuhan talagang ipinapakita nila ang kanilang husay. Sasabihin mo talaga sa sarili mong magaganda na sila, mahuhusay pa sa larong volleyball. Kanino kayang team ang puwedeng tumapat at least sa CCS sa ngayon? Mayroon man lang at least tumabla sa nasabing grupo para hindi masyadong boring.
*****
Sa PBA ang nauuso doon ang tinatawag nilang trade. Si Calvin Abueva wala na raw at iti-trade na kay Arvin Tolentino ng Batang Pier at iba pang mga player na naghahangad ng umento sa suweldo at magandang status as a player. Si Newsome na dati sa Meralco ngayon ay nasa BGSM at sabihin na nating gusto pang umasenso siya dahil doon siya maraming natutuhan nang nasa Gilas Pilipinas siya.
*****
Sa lahat ng kalye survey, panalo ang nakaraang administrsyon ni FPRRD sa kung sino ang magaling na admin: ang nakaraan o ang kasalukuyan ni PBBM. Ang lahat na sagot puro kay PFRRD, lahat sinasabing nabudol daw sila ni PBBM. Kaya ngayong local elections, ipapakita nila kung ano daw ang ganti sa pambubudol na ginawa sa kanila. Ang karma nga nasa tabi-tabi lang yan nakabantay palagi. Ang totoo karamihan sa karma, puro bad karma kaya beware mga kaibigan.
