Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

MGA BAGONG KASAPI NG GABINETE NI MARCOS

May bagong kasapi ng gabinete ang PBBM. Sila ay sina Gibo Teodoro ng DND at Ted Herbosa ng DOH. Si Gibo ay dalawang beses nang kumandidato at dalawang beses nang natalo sa halalan. Siya ang bet noon ni GMA at ngayong nakaraang eleksyon naging pambato siya ni FPRRD pero hindi sinuwerte at si Ted Herbosa naman hindi masyadong kilala at tanging si PBBM lamang ang nakakakilala sa kanya. Nanunungkulan na sila ngayon at katunayan nagbe-briefingna sila sa mga tao nila.

*****

Ang presidente ng NUJP Baguio ay ginawaran ng husgado ng guilty sa kasong cyberlibel. Ang masama pa, pinaghihinalaan na kasapi ng CPP. Siya si Keith Cimatu. Hindi sinabi kung ano ang mga parusa sa kanya o kung magkano aabutin ang halaga ng babayaran niya sa nasabing kaso. Ang mabigat ay ang pararatangan ka pa ng kung ano pa dahil daw sa hindi pagkondena sa mga ilegal na grupo daw. Hindi natin alam ang totoo kaya bahala ang autoridad sa kanila.

*****

Tututukan daw ng DOH iyong mga infested area ng CPP-NPA-NDF. Pasiklab ito ng bagong appointed ni PBBM. Totoo naman kaya ito samantang takot ang mga health workers ma-assign sa mga nasabing lugar? Pero magandang panukala ito? Dahil ang totoo ang mga mahihirap diyan naglulungga sa mga lugar ng mahihirap. Panahon na para mapuntahan ang mahihirap na lugar na pinamumugaran ng mga mahihirap at mga kapuspalad. Sana ang panukala ng bagong appointed na Secretary na DOH ay totoo at hindi gawang biro lamang.

*****

Pitong miyembro ng pulisya at kasama ang mga pulis na alalay, arestado ng kapuwa pulis nila dahil sa iba-ibang kaso na isinampa sa kanila. Nakakahiya, mga pulis pa mandin na naturingan, hinuli ng mga kapwa pulis nila sa mga ilegal na gawa. Iba na pala ang ibig sabihin ng “to serve and protect the people of the Republic.” Ang ibig sabihin pala ay “to fool the people and to steal from the people of the Republic.” Hindi kasali iyong mababait at matitinong pulis. Ang kaso ay nangyari sa Pampanga. Isang amo ng pulis hinuli pati ang pitong kasama niya. Buti nga, himas rehas silang lahat.

*****

Umaalburoto na naman ang bulkang Mayon na kung anong ganda, siya namang pangit ang ipinapakita nito sa mga taong nakatira sa kanyang paligid, mayaman man o mahirap. Maganda sana dahil nakikita mong pantay pantay ang mayaman at mahirap. Kung mayaman ka, tatakbo ka. Kung mahirap ka, tatakbo ka rin. Sa ibang salita, tatakbo lahat mayaman man o mahirap. Ang pagkakaiba lang, ang mayayaman may pribadong sasakyan; ang mahirap wala. Mayroon man mahabang lalakarin. Isa pang pagkakaiba lahat lumayas sa lugar sa takot baka lahat malibing sa lahar.

*****

Ang payo ni Atty. Roque kay Martin Romuldez sa pag-resign ni VP Sara ay maghinay-hinay daw muna dahil hindi pa nga naman napapanahon. Maraming masasagasaan at marami ang masasaktan lalo na si PBBM bagamat hindi kaalyado pero pinsan niya si PBBM. Kaya tama ang payo, tumahimik muna dahil bata pa ang panahon at hindi oras para mag-ingay nang wala pa sa oras. Tama lang na manahimik ka muna ang speaker. Patayin mo muna ang speaker dahil masyadong maingay.

*****

P50 million halaga ng shabu nahuli sa NAIA sa isang Siberian national. Ano kaya at hindi nawala? Nasaan kaya yong mga Ninja Cops at hindi naglitawan at paghatihatian na naman ang shabu para ikalat sa buong Pinas. Hanggang ngayon hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa kunwari nanghuli ng shabu ang mga pulis pero biglang nagkawalaan at iyong mga heneral at mga patrolman puro salita ng “I have the right to remain silent.” Puro “I invoke the right to remain silent.”

*****

Tutol sa peace talks ang kaa-appoint na DND Secretary Gibo Teodoro. Umii-style lang daw ang mga rebelde para makapaghanda sila. Kaya iyong hangad ng CPP-NPA-NDF na peace talkS, bakbakan na ngayon. Wala nang peace talks. Kabubuwaan ang peace talks na iyan. Dae man ning nangyayari. Lokohan igua. Peace talks wala. Lokohan dumarami. Bakit ka pa makikipaglokohan, puwede naman pala ang gaguhan. Di mag-gaguhan na lang. Kaya sabi ng DND secretary, walang peace talks. Kaya wala ring gago talk. Lalong walang siraulo talk.

*****

Mahusay din palang umarte si Cong. Teves. Akalain mo umiyak. Parang si Sharon Cuneta. Pag pulitiko ka talaga, lahat magagawa mo. Naalaala nyo ba si Sen. Pangilinan? Umiyak din siya noon pero talo rin sa awa ng Diyos. Kasi iyong iyak niya, hindi totoo at ang luha niya, halatang nasa puwit ang luha niya. May kasabay pang medyo malapot kaya walang naniwala sa kanya. At saka lalaki ka, iiyak ka, ano ka, bakla? Ang lalaking umiiyak, babae yan. Pag lalaki ka tapos babae ka, ikaw ay isang dakila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: