Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

PAG SUMIKLAB ANG DIGMAAN

Ang nangunguna ngayon bilang senatorial candidate ay walang iba kundi si FPPRD at former vice presidential candidate Doc Willie Ong. Nabanggit din ang mga pangalan ni presidential sister Sen. Imee Marcos at dating presidential candidate Isko Moreno. Sa pangulo naman, nangunguna si Sen. Raffy Tulfo at si Inday Sara bagamat aminado ang survey analyst na marami pang puwedeng mangyari sa mga darating na panahon. Totoo na marami pang puwedeng mangyari sa darating na panahon at maaaring kumandidato si Lito Lapid na barangay captain na lang. Sana mawala na ang mga artistang senador na wala namang nagagawa sa Senado. Mga tagabutas lang ng silya. Pwe!

*****

Didiinan nang husto si Arnie Teves sa hindi niya pagpapakita sa Kongreso. Mahirap lumaban sa gobyerno na hindi nagpapakita. Maganda iyong kaharap mo ang kalaban at nakikita mo. Tiyak na fair ang laban. Puwera lang kung ninja ka. Tulad ng mga ninja cops na, sa tingin ng maraming tao, nuuso na naman ngayon. Nagsimula na naman ang paglabas ng mga ninja Cops nang mawala si Pang. Duterte. Labasan silang lahat na parang mga kabute. Manghuhuli kunwari ng mga durugista tapos pagnakahuli, paghahati-hatian at ibebenta ng mga lespu gamit ang mga assets na tulad ng mga Ninja Cops na mga kawatan din. Sa pagdinig sa Senado, nabuko ang mga taga-PDEA agent na siyang mga miyembro ng Ninja Cops at maraming taga-PDEA ang nabuko.

*****

Medyo mahaba ang bakasyon kaya ang mga estudyante at mga empleyado ng pribado at gobyerno parang mga nakawala sa hawla. Sino nga naman ang ayaw ng bakasyon? Ang sarap yata ng walang pasok sa opisina man o sa eskuwela. Ang masama nito, pasukan na ayaw pa ring pumasok ng mga empleyado maging ng mga estudyante. Malakas kasi ang hangover ng bakasyon. Ang iba sasabihing kulang ang bakasyon at sa mga estudyante sasabihin nakakatamad pang pumasok. At tandaan ninyo sa unang pasukan ng eskuwela, kakaunti lang ang papasok. Maging sa mga empleyado, konti rin ang papasok

*****

Ang kinatatakot ngayon ng mga bansang nagki-claim sa parte ng China Sea ay ang katotohanang baka madamay sila sa Amerika pag ito ay makipagdigma sa China. Maging ang Pilipinas, maiipit din dahil sa EDCA. Sabi sa mga eksperto sa digmaan, pag nagkagamitan ng nuclear weapon ang malalakas na bansa, aabot lang ng 60 seconds tunaw na ang bansa natin. Iyong mga taong hindi pa nakakita kung saan ang langit, may pagkakataon na kayong makita ito. Maging impiyerno at purgaturyo malalaman nyo kung saan ang daan. Maaring pa norte o maaring pa sur. Ako sa parteng este. Hindi sigurado

*****

Nakakatakot pag sumiklab ang digmaan sa Asya. Masyadong hot ang China at pag sumiklab ito sa Asya, siguradong banatan ito ng husto. Gaya sa Pilipinas ay napipikon na rin ang Indonesia; kamakailan ilang barko ng pangingisda ang pinasabog na nila dahil sa ipinagtatanggol nila ang kanilang soberanya. Lahat ng bansa sa Asya soberanya ang ipinagtatanggol kaya nalalagay ang China sa malaking alanganin. Kaya ang dapat magkaisa ang bansa sa Asya. Kung hindi, malalagay tayo sa alanganin at maaaring matotodas tayo ng wala sa oras. Pero kung sila-silang mga malalakas ang maglalaban-laban at mag-uubusan, ayos lang.

*****

Pag sumobra ang pagka-agresibo ng China at na-bullshit ang mga bansa sa Southeast Asia at nagkapikonan, todas tayong lahat nang wala sa oras. Ang mangyayari China ang matitira dahil sila ang may pinakamalaking army sa buong mundo at katulong pa ang Russia at India. May paglalagyan tayong lahat pag nagkataon. Ubos ang lahat ng pinaghirapan natin.  Ang masama, ang makakaligtas na naman ay ang Amerika. Malakas makapusoy at magulang sa lahat ng laban. Ang pinaka-clever sa mundo at sa lahat ng bagay ay walang iba kundi ang Amerika. Kaya tama, sa Amerika tayo sasama, sa gulang na lang panalo na tayo. Pero ang gulang nila masyadong halata dahil nauubos tayo. sila natitira pa rin.

*****

Sa tingin kaya ninyo umaasenso ang probinsiya natin? Kasi parang ang nakikita ko, paatras tayo sa halip na paabante? Sana totoo ang sinasabi ng ibang tao na umaabante tayo sa halip na paatras. Delikado kasi kung paatras ang takbo. Sabi sato pa-ulol. Isa pa, masama pag paatras ang takbo, iyon ay nangangahulugan na ang buhay mo ay negatibo ang lahat ng nangyayari sa iyo. Sa halip na asenso, ikaw ay paurong. Sana nga ang probinsiys natin umaasenso na. Ang talagang pinag-uusapan sa Senado ay ang mga kalokohan ng mga power provider. Grabe sila, talagang nagsisigawan dahil nagkakalokohan. Dito sa atin, maski nagkakalokohan na, tameme lang ang mga tao. Kasi nga mga Kristiyanong tulog?

*****

Ang ex-wife ni Raffy Tulfo ay si Julieta Licup Pearson na sa pagkakaalam ko ay hiwalay na at wala nang pakialaman. Pero kamakailan humihingi ito kay Raffy Tulfo ng 25 millon pesos at suweldo niya bawat kalahating buwan ibibigay din sa kanya. Ang sumunod na pangyayari ay di ko na alam. Wala nang pakialaman tapos humihingi ng 25 millon at kalahating suweldo ng senator buwan-buwan ibibigay sa estranged wife niya na mayroon ng ibang kinakasama. Akala ko wala nang pakialamanan?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: