TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BAGONG PARTIDO

Marami na namang kaso si Vhong Navarro, pagkatapos ng isa, susulpot ang dalawa. Wala nang katapusan? Basta marahil may pera tuloy ang laban kahit lihis sa katotohanan! Iba talaga pag maraming pera, kahit ang araw puwedeng bilhin! Ano kaya kung yumaman din ako? Pero ayoko ng pulitiko kasi buwaya ang tawag diyan!

*****

Partido ni. Duterte nabuo puera mga uto at mga nag papauto!

Tanging sila lamang sabay sabing hindi nila kalaban si Pangulong Marcos lalo ang partido nitong PFP. Pero wala ang partido ni Sara. Paano na lang si Paquiao at si Pimentel? Mapapel noon. papel de hapon na lang ngayon!

*****

Wala raw arti-artista pag dating sa drugs, ayon kay Sara Duterte. Meaning artista o hindi, pare-pareho ang trato niya. Mag-ama nga ang pamilyang ito! Paano kung bumili ako ng gamot sa drug store? Puwede! Paracetamol lang naman?

*****

Ang conjugal property ay pagaari ng mag-asawa, pwera kung meron kayong pre-nuptial agreement na wala kayong pakialaman sa inyong ari-arian! Iba naman kung nagloko si babae o si lalaki, iba naman yon! Ang kaso noon ay mabjgat at medyo nakapandidiri sa parte ng babae at isusumpa mo talaga!

*****

Madami pa raw bagyo ang dadaan sa atin at ang sabi ng mga scientist ang bagyong mga dadaan sa atin ay palakas nang palakas ang tendency nito sa halip na pahina nang pahina! Ang lahat ng ito ay dulot ng climate change! Kaya manalangin tayo na pag may dumaang mahinang bagyo, sana hindi na magbago! Para wala nang climate change!

*****

Ayoko nang maging isang pulitiko at kailanman ayoko na! Kanit malinis ka, dudumi at dudumi ka rin, lalo kung ang mga kasama mo ay mga magnanakaw. Tiyak iyan magiging mag-anak kayo pagdating ng araw! Kaya huwag mo nang hintayin na dumating ang araw na iyon at tiyak ko ikamamatay mo kung totoong may  konsensiya ka!

*****

Sabi ni Tim Cone ng GSM, malaki ang kanyang problema lalo at bago mga player mo! Parang hindi coach, mas malaking problema iyong bawat season nagpapalit ka  ng player! Samanfalang siya ang mga kapalit puro de kalidad? Patunay lamang na kaya magaling siya dahil magagaling ang mga player na napilï niya!

*****

Nag-undergo daw ng heart procedure si Robin Padilla. Baka hindi makaya ni Robin, nandito lang ako para kay Mariel! Kung medyo delikado, maraming puso ng saging diyan sa palengke o di kaya ay puso ng baka dahil bawal sa kanya ang puso ng baboy. Muslim kasi!

*****

Cash grant ibibigay sa senior sabi daw ni PBBM sa diyaryo pero sa gawa wala, hanggang salita lang, di ginagawa! Kung puro ngawngaw ang mangyayari ay puro cashta! Kaya pagdating ng panahon carastahan ang luwas caan!

*****

Panoorin ninyo ang laban ni Enrile at BBM at ginawang miyembro ng gabinete si Enrile na wala namang ginawa kundi magkalat! Ang susunod na sasabihin niyan guapo pa siya! Baka noon na makuwarta pa siya! Hindi na ngayon, matanda na siya! At uliyanin na!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: