TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

ILABAN KUNG BIHASA NA

Ang sabi sa kasaysayan ng mundo, ang mundo ay bilog pero sabi ni Jaworski at coach Tim Cone ang bilog ay gin! Pinatunayan nila ito ng maraming beses.kaya daw mali si Columbus sa pagsabing ang mundo ay bilog.

*****

Kahit ikaw ang pinasikat sa buong mundo, darating din ang araw ng paglubog at kasikatan mo! At sasabihin mong walang kuwenta ang naging tao ka kung mamamatay din lang, kaya habang buhay ka pa, tira ng tira ang kaligayahan ng tao nakakamit kung ikaw ay buhay pa!

*****

Ang Timplados ang malammang manalo ngayong season sa PBA kung lulusot sila sa laban sa semi-final. Pero kung tulad pa rin ang laban nila sa nakaraan, pupulutin silang muli sa kangkungan! Hula ko lang naman… Tulad ng hula ko kay Pacquiao na patutulugin si Hatton sa second round! At ito ay nangyari! Hinulaan ko rin na matatalo siya kay Marcos Jr. at nangyari din!

*****

Wala pa ngang SONA nagpoprotesta na ang  mga sira ulo! Wala pang sinasabi si FM Jr., magpoprotesta na. Diyan mo mahahalata na may mga diperensiya sa ulo! Wala pang sinasabi ang tao, alam na? Punta na lang kayo sa mga espiritista! Mga sira nang utak ninyo!

*****

Ilalabas daw ni Marcos ang mga ginto ngayong nanalo na siya! Kalokohan! Ang importante, mapatakbo niya ang Pilipinas at mapaasenso ang mga Pilipino! Ginto? Kalokohan iyon!  Maraming ginto sa minahan kung ginto ang hanap ninyo.

*****

Pinaisa lang ang grupo ni Alyssa Valdes sa nakaraang laban nila kontra Cignal! Sa tingin ko ang may diperensiya ay ang coach nila! Kanya-kanya tayong paniniwala pero sa totoo lang, nasa kanila ang lahat na magagaling pero natatalo pa rin? Coach ba ang may problema o ang mga player?

*****

Sa Asia, kahit tanso wala pa tayo! Bakal puwede pa tayo! Kahit tanso, hindi natin makuha? Baka sa susunod makuha na natin ay lata, hindi na bakal! Tanging volleyball girls na lang ang wala tayo! Aminin kasi natin na nagising tayo nang magising din si alyssa Valdes! Iyen ang katotohanam kung walang Allyssa Valdes, walang volleyball girls for women!

*****

Ang rason ni Chot Reyes ay tama lang: mga bata pa mga player natin kaya natalo tayo sa halos lahat na laban ng Pinas sa Fiba Asia Cup! Sa akala kaya ninyo kung nandyan sina Fajardo et al? Sigurado tambak pa rin tayo. Kaya maganda maghasa na!

*****

Ang dapat priority ni FM Jr. sa SONA niya at ang kalusugan ng mamamayan, pangalawa na ang tungkol sa pagkain! Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo! Kalusugan muna bago ang pagkain! Marami ang nalagas na Pinoy dahil sa pandemya! Marami ang pagkain at aanhin ang pagkain kung iyong kakain ay may sakit! Kaya sa akin prayoridad ang kalusugan! Huwag sabay-sabay, kadalasan ay nabubuliyaso! Pero kung kaya sige ako!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: