Linggo ngayon kaya linggo ng mga mabubuting tao at masasamang tao, kumbaga halo! Kasi kung puro mabuti at walang masama, lalabas akong sinungaling! Ang totoo kasi, ang mundong ginagalawan natin, lalo katatapos pa lang ng eleksyon, halos lahat masama! Iyan ang katotohanang hindi mawawala sa atin kailanman!
*****
Araw daw ng kalayaan ngayon! Parang totoo! Pero sa mga ordinaryong tao, bale wala lang ito. Que araw ng kalayaan o hindi, parehas lang, araw pa rin ng paghihirap! Naghihirap pa rin ang mga Filipino! Kaya araw ngayon ng Paghihirap! Paghihirap na walang katapusan dapat!
******
18 araw na lang tapos na ang gobyerno ni Duterte. At si BBM na ang uupong pangulo ng bansa! Sa ayaw at sa gusto niya, si Duterte lalayas siya dahil iyan ang nasa batas na ipinatutupad! At nasa batas din na papalit sa kanya si BBM!
*****
Buo na ang gabinete ni BBM! Karamihan ay mga bagong mukha pero may mga bagong paligo lang at mga bagong bihis! Alam ninyo ibig kung sabihin sa bagong ligo at bagong bihis! Sa umpisa mabango pero babaho din sa bandang huli ng panunungkulan sa gobyerno!
*****
Marami pa rin ang hindi matanggap ang pagkatalo nila na para bang buhay na nila ang pulitika! Ang hirap sa mga taong ito na bago ka pumasok sa ganyang problema, kailangan alam mo kung ano ang paglusot sa problemang pinasok mo! Ang dapat itanong mo sa sarili mo kung matalo ako, kaya bang tanggapin ang matalo ako? Ngayon kung hindi mo kaya, umuwi ka sa inyo, kuha ka ng itak at magtanim ka ng tanglad, kikita ka pa!
*****
Sana iyong mga bagong bihis na appointed ni BBM, maligo na muli, ang sabon nila Tide. Bagay sa kanila iyon para Mister Clean na sila kasi babaho rin sila sa bandang huli! Mabahong mabaho talaga at nakasusulukasok! Kasumpa-sumpa at mabaho talaga ang amoy!
*****
Sana si BBM araw-araw ding maliligo para malinis ang datings kasi ang amoy ng tao nakakahawa din. Remember mas grabe ang hawa? Malinis ka nga pero ang nakapalibot sa iyo panay marumi, dudumi ka rin! At pag marumi ka na, babagsak ang inaasahan nating goyernong malinis!
*****
Nakakakilabot iyong guwardiya na nasagasaan? Parang sa pelikula? Ang masama, ayaw sumuko ng driver. Patigasan sila ng mga taga-LTO! Sa ganyang mga kaso, dapat malambot ang puso mo! Ikaw na ang mali, matigas ka pa? Sa bandang huli, lalambot ka rin!
*****
Ang pampalambot sa matigas na bagay minsan matigas na bagay din pero hindi nagaganap sa lahat ng oras. May panahon na ang katigasan nauuwi sa karahasan at kung minsan sa kapahamakan at kadalasan kabiguan!
*****
Alam ni Marcos Jr. na mali ang pamilya niya pero mas nagkamali ang pamilya Aquino dahil hindi napabuti ang Pinas sa loob ng 35 taon!
Kung naayos ng Aquino ang takbo ng bansa natin, maligaya sana tayo! Ang masama, baka mauwi tayo sa puro pagkakamali? Tapos tayong lahat!