TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MAGKAKAALAMAN NA

Ngayon ay malalaman natin kung sino ang sino? Kung sino ang mananalo at sino ang matatalo, si BBM ba o si Leni? Malalaman na at magkakatalo sila. Nasabi ko na kung sino ang mananalo at kung sino ang matatalo kaya bahala na kayo!

*****

Kung si BBM, ipagdasal natin na sana maging Mabuti ang pamamalakad niya at sana ay patnubayan ang bayan natin. Kung si Leni ay ganoon din! Sa mga matatalo, sport lang tayo, talagang ganyan ang laban, may natatalo at may nananalo, may tabla pa nga!

*****

Sa mga matatalo, isang leksyon na ito na sa labanan. Kailangan ay bala na kung may bala ka at kapos, kapos din hininga mo kaya tumigil ka tumuloy ka kung sapat na ang bala mo! Isa pa, ang labanan ay papanahon lang yan! Panahon ni Aquino noon, ngayon hindi natin alam kung kaninong panahon o kung sino naman ang bida!

*****

Sa nangyaring holdup, medyo nangyari na yan. Kumita na yan, bida pa nga si FPJ! Huwag nyo nang panoorin uli dahil magsasawa kayo. Baka mabuwisit lang kayo at mainis! Matagal na kasi nakakabuwisit at boring nang masyado. Iyong ibang style naman, yong paniniwalaan ng marami! Pangkaraniwan na ang ganito at bihira ang maniniwala!

*****

Ang labanan sa mga local candidates nakakatawa. Kung marami kang sabon kahit hindi bumubula, panalo ka!  Meron kang hindi na ginamit na shampoo na matagal nang nakatago, ipamigay mo at mananalo ka! Iyong mga gamit na matagal at expired na ok pa yan sa mga botante! Kaya ang eleksyon ay lokohan lamang! Mga botante ang naloloko kadalasan at siyempre mga kandidato rin!

*****

Masakit matalo lalo na kung pati asawa mo at mga anak mo ay nakasanla rin ang bahay at lupa! Grabe yan puwede magpakamatay at pumatay ng tao! Pero hindi mo puwedeng gawin dahil lalong dadami kaso  mo! Pinakamabuti mong gawin maglublob ka ng sarili mo sa tubig na para kang kalabaw at sabihin mong “pahingi pera,” baliw ka rin niyan!

*****

Isa pang mabuting gawin kung talo ka magtanim ka ng tanglad o di kaya itago mo mukha mo sa unan at huwag ka nang hihinga! Tiyak yan matutuluyan ka! O di kaya tumalon ka sa mataas na bangin! Tiyak yan, sa huling pagkakataon magkakagulo sa iyo ang mga tao at sasabihin nilang maiksi lang pala lubid mo!

*****

Kung sa pagkandidato mo ay kumita ka, mamalato ka, hindi yung sosolohin mo lang! Ang tawag sa katulad mo ay suwapang kaya mamamatay kang dilat ang mata! Masama sa tao ang suwapang kaya karamihan sa kanila pag namatay dilat ang mata! Ipanalngin ninyong hindi nakadilat kung mamatay kayo! Sa ayaw ninyo at sa gusto, mamamatay tayong lahat, puwera lang kung lahi ka ni Dracula!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: