TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

GYERA SA UKRAINE

Giyera sa Ukraine? Bakit sila ang magkalaban? Russia at Amerika. Ang gusto ni Putin sakupin ang Ukraine. Ayaw naman ng Amerika. May satanas sa pag-uugali?

*****

Ang Amerika nakatali sa kasunduan sa Ukraine.kaya aabot sa  malaking digmaan ito. Pati tayo damay sa away dahil meron din tayong kasunduan sa Amerika. Dang kasi lahat pinakikialaman ng Amerika, kung sana wala tayong kasunduan sa Amerika mas mabuti ang kalagayan natin dahil neutral tayo.

*****

Ang masama ang Russia na sakop dati ang Ukraine, gusto nila itong angkinin. Namumuhay na ng tahimik ang mga Ukrainians, pinakikialaman pa ng Russia. Abot isang libo na ang patay, karamihan civilian, biktima ng isang ala-Hitler ang pag-uugali. Tahimik sana ang Ukraine kung hindi lang pinakikialaman ng Russia. Dito nagmumula ang gulo, parehong may interes ang Russia at Amerika sa Ukraine. Russia dati sakop ang Ukraine. Ang Amerika ay may napagkasunduan sila. Ano ang kahihinatnan nito?

*****

Ang UN ay gusto katahimikan, na ang Russia umalis sa Ukraine. Parehong nagmamatigas ang mga superpower, Amerika at Russia. Sibilyan ang talo, apektado sila sa bawat laban. Talo sila sa anumang anggulo ng laban kaya pag nagka-World War III, ang kawawa sibilyan.

*****

Sino ang may pakana ng kasamaan? Si Putin, dahil siya ang unang umatake. Ang mga kalapit-bansa sumasaklolo lamang dahil sa isang kasunduan, sila ay nasa defensive side at hindi sila umaatake. Ang Russia ginagawa ang lahat para lumayas ang kalaban nila, Amerika. Sa pagkakataong ito apektado ang buong mundo. Sanctions against sanctions. Ekonomiya ang tunay na apektado ng buong mundo.

*****

Tuloy ang politika sa atin, wala tayong pakialam. Malayo ang Ukraine kaya sige lang tayo. Sa survey nangunguna ang BBM at Sara. Isang buwan na lang at eleksyon na. Umaasa ang lahat na mananalo si BMM at Sara. Unprecedented ang panalo nila, bakit? Sapagkat tulad ng inaasahan, mananalo ang BBM at Sara. Ang katalunan nila ay kamatayan. Hindi sila matatalo, obserbasyon ng marami. Sa mga probinsiya inaasam na mananalo ang BBM at Sara. Yan ay kung hindi magkakagyera.

*****

Sa atin namang probinsya, ang mga mananalo: Boboy Cua sa pagka-gobernador. Bise-Gobernador Peter “Boss Te” Cua. PBM WEST DISTRICT Fred Gianan Jr., Sonny Fransico, Jan Alberto, Doc Zafe . EAST DISTRICT Obet Fernandez, Gil Templonuevo Jr…. Kagawad ng Virac, Rosie Panti Olarte, Arman Zafe, Hernandez “Idol” Sarmiento, Joseph Mendoza, Ariel Molina, Cesar Angeles, Joseph Arcilla,… Salvador Isorena kagawad ng Pandan, Rolando Torrocha kagawad ng Viga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: