TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BUONG MUNDO DAPAT MAG-lNGAT

Buong mundo na naman ang sinasagasaan ngayon ng Omicron variant! Nagsimula ito sa South Africa at ngayon ito ay nasa USA, UK, Spain, ltaly at marami pang bansa sa Europa. Ang sabi sa South Africa kung saan ito nagmula ay tila nawawala na raw ito. Na sana nga mawala na ang hinayupak na ito! Buong mundo dapat mag-ingat!

*****

Ngayon ang Omicron variant ay nakapasok na sa ating bansa at ang masama pang balita ay dalawang taga-Bicol pa ang may dala nito. Ang isa ay taga-ibang lugar at ang isa pang babae ay tumakas sa kuwarantina at ngayon ay isa itong wanted, pinaghahanap ng otoridad at kakasuhan sa ginawa nitong paglabag sa health protocol. Puganteng babae!

******

Aktor na si Enchong Dee indicted sa kasong cyber libel na nagkakahalagang isang bilyong piso dahil sa ginawang panglalait sa isang partylist congresswoman habang ito ay ikinakasal. Isang bilyong cyber libel suit? Malaki-laki at malaking sakit ng ulo pag nagkakataon! Sa FB, meron ding mayayabang na gumagawa ng ganyan. Sige lang kayo! Pag nakunan kayo ng screen shot, tiyak may paglalagyan din kayo!

******

Maraming cancelled flights ng dahil sa omicron variants. Marami sanang pamilya ang magiging masaya pero naunsiyami dahil sa kawalang-walang hiyang sakit na ito. Ayon sa mga otoridad ng DOH, iyon daw bilang na ipinapahayag ng DOH ay baka malampasan pa raw ito sa dami ng mga tatamaan o tinamaan ng Covid-19. Ang masama pa raw ay hindi nakakatiyak ang mga nasa Kagawaran ng Kalusugan kung ito ay Covid o Omicron variant. Napakadelikado ng mga susunod na araw!

******

Resulta ng Octa Research Survey ng UP. Sa tanong na kung ngayon gagawin ang election sino ang pipiliin ninyong presidente at bise presidente? Ginanap ito Dec. 8-11. President BBM 54%, ****Leni 14%, isko 10% the rest never mind. VP SARA 50%, Sotto 30%, the rest never mind. Kung hindi na magbabago ang trend ang sabi ng mga political analysts, malulubog sa kumunoy mga kalaban ni BBM at SARA!

*******

December 15-20, tinamaan ako ng sakit. Pero hindi Covid o variant kundi sakit na masahol pa sa mga nakahahawang sakit. Ito kung tawagin ay stroke; third time ko na ito. Sabi ko nga dapat Covid na lang para isahan na lang. Pero wala pa raw sa listahan ni SP pangalan ko kaya lusot na naman ako at ngayon nagpapagaling! Mabait ba ang Diyos sa akin o masuwerte lang ako? Siguro mabait lang talaga ang Diyos sa akin kasi hindi naman daw ako magnanakaw sa gobyerno!

******

Ito ang mga kandidatong mga gusto ko. Governor Joseph Cua, Vice Gov. Peter “Bos Te” Cua, Sangguniang Panlalawigan West District, Atty. Fred Gianan Jr., Doc Zafe, Sonny Francisco, Jan Alberto…..East District Obet Fernandez,  Gil Vargas Templouevo, Jr….kagawad Virac, Arman Zafe, Rosie Panti Olarte, Hernandez IDOL Sarmiento, Ariel Molina, Anthony Arcilla, Cesar Angeles at Joseph Mendoza… kagawad Viga, Rolando Torrocha….kagawad Pandan, Salvador lsorena.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: