TINGNAN NATIN ni Jex F. Lucero:

OMICRON NASA PILIPINAS NA

Sakit na nagmula sa South Africa nananalasa na sa ilang states sa Amerika at ilan pang mga bansa. Sa Pilipinas wala pang nababalita na tinatamaan ng Omicron pero maraming mga OFW na galing Africa na nandirito na sa Pilipinas. Pero sabi ng mga health authorities, nasa pangangalaga na sila ng mga kinuukulan. Sa madali’t sabi wala pa tayong kinakaharap na problema as of now. Maaari bukas, makalawa sa susunod na mga araw, lockdown na naman tayo kaliwa at kanan! Sabi sato, so dati sana!

****

Dinaanan na natin ang nasabing labanan sa kabila ng napakahirap kausap ng ibang mga kababayan natin na mga tigasin. Ito na naman tayo sa kabila nang hindi pa natatapos ang laban kontra sa dating kalaban na Covid-19. Bago iba ang pangalan pero Covid pa rin at ngayon Omicron. Mas matindi, mas mabilis makahawa at mas deadly, ayon sa mga health authorities. Paano natin lalabanan ang mas delikadong kalabang ito? Sa katulad nating mga survivors, wala tayong babaguhin sa mga gagawin natin. Sa muling pakikipagsagupa natin, susundin lang natin ang ipinagagawa sa atin ng gobyerno, ang health protocols sunding mabuti at huwag na huwag tayong pasaway. Tatalunin natin ang kalaban, gaano man katindi ng Omicron na iyan, uurong din ang pinutukan ng lintik na iyan! Sundin natin ang motto ng panahon ni Marcos: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!” Ganun lang gagawin natin para sa panibagong pakikipaglaban kay Omicron!

****

Sorry namali po ako dahil ayon po pala sa pinaka-latest na balita na isa daw po sa OFW na galing Africa ay nagpositibo daw po sa Omicron pero ito naman daw ay nasa pangangalaga ng mga health authorities at ang ibig sabihin ay pinangangalagaan ito ng mga otoridad para hindi ito makahawa lalo sinasabi sa report ng mga taga-DOH na ito ay mabilis makahawa. Sa mga kababayan nating mababait mas maging mabait pa po tayo at tripleng ingat po tayo!

****

Sa totoo lang dahil sa pagbaba ng alert level sa buong bansa ay matutuwa talaga tayo lalo nakikita natin na pati mga bata ay pinapayagan nang pumunta sa mga lugar na dati bawal na pinupuntahan. Sa Cavite nitong mga nakaraang araw, ang lahat ay nagagawa nang makapunta kahit saang lugar lalo sa mga fastfoods, mga plaza at mga malls. Hindi ko lang alam ngayon na medyo delikado na naman ang sitwasyon natin. Kasi dito sa Naga City ang mga bata ay hindi na pinapayagang pumasok ng malls. Nakakalungkot dahil parang nakikita ko namang maraming ipagbabawal sa darating na Pasko at maging sa Bagong Taon. Katunayan sa ibang bansa sa Europa at maging sa Amerika, marami na namang gagawing mga pagbabawal at tiyak iyan na dito sa ating bansa tiyak na matinding mga pagbabawal ang ipatutupad ng gabyerno. Na siya namang dapat dahil ginagawa ito para sa kaligtasan nating lahat.

****

Sa mga naglunsad ng kanilang kandidatura, sige pa rin ba kayo? Bahala kayo pero sasabihin ko uli na kung wala rin lang kayong pera tumigl na kayo dahil sa labanan dito sa atin, kung kandidato ka na wala kang pera, kahit gaano ka kasikat ang kasikatan mo hanggang diyan lang. Ang kasikatan mo ay hindi maiko-convert iyan bilang boto maliban kung sikat ka na may 50 o 100 pesos ka pa, tiyak kagawad ka o PBM kaya. Kung wala kang pera, tumigil ka at kung meron matataniman ng kamote sa lugar ninyo, go ahead at tiyak may pandugtong ka sa pamahaw, pangudto asin pamanggi! Kasi kung kandidato kang kagawad, halimbawa dito sa Virac, kailangan mo ng kung ilang milyong piso bago mo makuha ang trese mil (13,000) na botante bilang pangwalo. Sige nga, 50 pesos bawat botante ilang milyong peso gagastusin mo na ang habol mo lang pangwalo? Kulog sa payo! Ang masaklap pa diyan, namili ka na nga ng boto 50 pesos bawat botante pero talo ka pa rin? Tiyak iyan, lahat ng demonyo sa impiyeno isusumpa mo! Ang masaklap pa diyan nasanla mo iyong limang ektaryang lupa na pinagkukunan mo ng ikinabubuhay ng pamilya! Tapos sangkaterba utang mo at masama pa loob mo dahil iyong mga taong inaasahan mong boboto sa iyo dahil kamag-anak mo, kababaryo mo, lider mo pa tapos nalaman mong sinuba ka, inahas ka? Napakasakit, Kuya Eddie! Kaya payo ko sa mga kandidatong umaasa sa mga kaibigan, sa akala niya sikat siya dahil kilala, sa mga kamag-anak pero walang pera,. better stop ng inyong kahibangan! Baad kalinturado sana kamo kadakul Biogesic sa botika!

****

Isang dating kagawad ang nangumpisal sa akin na ayon sa kanya hindi niya raw makakalimutan ang nangyari sa buhay niya noong panahong siya ay isa pang kagawad?. Grabe daw ang mga laro na dinaanan niya. Ang laro ng mayor, vice mayor at mga kasama niya sa konseho. Kung bago ka pa lang daw sa mga laro ng mga pulitiko, tiyak na masusuka ka lalo may pagka-straight ka at talagang hindi mo alam ang mga maruruming laro ng mga kasama mo. Sabi niya, laking pagsisisi raw sa buhay niya at naging isang kagawad siya. Kasi ang totoo raw ay nilamon siya ng sistema ng kalakaran ng mga kasama niya sa konseho. Sabi niya, isang kasama niya ang nagturo sa kanya para tumagal siya sa pulitika. Na kung ano ginagawa niya at mga kasama niya, makisayaw na lang daw siya. Kaya umabot daw siya ng siyam na taon sa paloko-lokong sistema! Pero sabi niya humihingi daw siya ng kapatawaran sa Diyos sa mga nagawa niyang mga pagkakamali sa buhay at hindi na raw mauulit. Ayos din ang pangumngumpisal ni kagawad! Hindi na mauulit kasi isinumpa na niya ang pulitika. Pero may pahabol siya na hindi niya raw makukuha ang siyam na taon sa puwestong kagawad kung hindi niya sinunod iyong payo sa kanya ng isang kasama niyang kagawad! Na ang ibig sabihin ay naging isang kampon din siya ng kasamaan, isang mandurugas, magnanakaw ng kuwarta ng bayan para kumita para sa mga susunod na eleksyon! Ganyan ang buhay pulitika hindi lang sa atin kundi maging sa buong mundo! Pero mas malala dito sa atin na kahit pinaglalaruan tayo ng mga pulitiko, basta may kuwarta kahit sino at ano pa siya, panalo yan! Wow, galing ng pulitika sa atin!

*****

Pumanaw ang isang mabait at mabuting kaibigan. Ang minsan ay napagkakamalang artista dahil nakakamukha siya ng isang dating sikat na artista na si Vivian Velez. Siya po si Amy Panti, isang kaibigan, mabait na kaibigan at tapat na kaibigan. Sa mga naulila ni Amy, ang taos sa pusong pakikidalamhati at pakikiramay sampu ng aming pamilya ay pinaaabot namin sa inyo. Rest in Peace, friend Amy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: