TINGNAN NATIN ni Jex F. Lucero:

B.1.1.529 (OMICRON), BAGONG COVID VARIANT

Hindi pa nga nababakunahan ang ilan sa mga ka-probinsiya natin meron na namang bagong Covid-19 variant na unang binigyan ng code lamang o pangalan ng mga taga-WHO na B.1.1.529 at ngayon ay bininyagan na talaga at ang pangalan ay OMICRON at ito ay nadiskubre sa South Africa. Sinasabi na grabe raw ito at talagang matindi, mabilis at malakas makahawa. At isa pa kaya daw nitong lusutan ang mga bakuna. Na ang ibig sabihin, kahit na bakunado na ang isang tao kayang tumalab ng bagong sakit na ito na kung tawagin nga ay Omicron. Matindi at grabeng nakakatakot!

******

Kaya ang bansang UK ay masyadong nag-alala kaya todo higpit sila at iba pang bansa sa Europa na sa unang mga balita nagkakagulo dahil sa mga ginagawang lockdown sa kanila. Maging ang bansang Israel ay todo higpit na rin at nagbigay ng mahigpit na babala sa bagong Covid variant na ito. Dahil sa balitang ito nagpaalala ang mga eksperto na dapat daw ay tularan ang ibang bansa na todo higpit sa kanilang mga borders kasi nga sa kasalukuyan ay niluluwagan na natin ang ating mga kababayan. Delikado at napaka-delikado ang mga pagluluwag na ito ng ating gobyerno. Sana pag-aralang mabuti ang sitwasyon.

******

Tutok pa rin ang mga tao sa takbo ng pulitika sa atin lalo sa nalalapit na eleksyon kung saan ay lalong lumalakas ang pangalan ni Bongbong Marcos na kandidato sa pagka-presidente. At lalong lumakas ito ng makipag-tandem na kandidato sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte-Carpio. At lalo pang lumalakas ito pag nilalait, pinagbibintangang magnanakaw, na ito ay gumagamit ng cocaine, na ito ay mahinang lider, na ito ay wanted sa Amerika, na ito ay peke ang diploma sa Oxford, na ito ay nagsinungaling sa kanyang CoC, na ito ay hindi totoong si BBM dahil matagal na raw na patay ito at clone na lang, at lahat na yata ng paninira ay ibinato na sa kanya pero tanggap lang ng tanggap at sabi pabayaan lang dahil alam naman niyang lahat  na ito ay mga walang katotohanan.

******

Pero sa kabila ng lahat ng mga ginagawa ng kanyang mga katunggali sa pulitika, BBMARCOS ay siya pa ring nangunguna sa lahat ng mga survey. Sa Social Weather Station (SWS), mga Kalye survey, Manila Times, at sa Publicus Asia. Ang pika-latest ng Publicus Asia mas nakakagulat. Binanatan ni Duterte, isinampa iyong disqualification sa Comelec at marami pang mga paninira pero sa halip na bumaba ang rating sa mga survey ay lalong tumaas! Dati 47% sa survey ng SWS, wala iyong mga pang patay na mga banat ni Duterte. Pagkatapos ng mga banat ni Duterte na parang tinutulungan na rin mga oposisyon at si Bong Go ang lumabas sa survey ng Publicus Asia ay mas tumaas pa ito ng 9% at ang 47% na isinagawa ng SWS ay naging 56% ng mag survey ang Publicus Asia! Nakakagulat talaga!

*******

Sa resulta ng mga nasabing survey ang pumapangalawa sa kanya ay si Leni Robredo sa milya-milyang lamang na nakakuha lamang ito ng 18%, pangatlo si Isko na may 10% lamang . Ni hindi makuhang mangalahati ni Leni Robredo. Kung sa sabungan ang ganoong labanan ay doblado kung pupusta ka kay Leni, ang 50 pesos mo mananalo ng 100 pesos. Kung pupusta ka kay BBM, ang 100 pesos mo mananalo lang ng 50 pesos. Ganun ka dehado ang labanang BBM vs. Leni. Kumbaga llamadong-llamado si BBM at ayon sa mga political analysts kung ngayon gagawin ang eleksyon, puwedeng lamangan ang mga kalaban ni BBM ng mga isang milyong milya ang layo! Kahit pa siguro ipunin ang lahat ng mga paninira, mga masamang paratang sa kanya sabi ng mga maka Marcos madadagdagan pa ng isang milyong milya ang layo kaya suma tutal magiging dalawang milyong milya ang magiging layo nito sa kalaban! Ang lupit! Sige siraan nyo pa para dagdag pa kay BBM!

*******

Samantala sa bise presidente naman kahit katatapos pa lang ni Sara Duterte sa pagpahayag na ka tandem siya ni BBM ang naging resulta sa survey ng Publicus Asia ay halos magka-dikit sila, 56% kay BBM at 54% kay Sara. Pumangalawa si Sotto sa napakalayo ding distansiya. Kaya kung titingnan mo sobrang lalayo ng ginawa nilang social distancing. Hindi man lang dumikit ng konti. Sa ngayon nababalitang dumidikit daw si Isko Moreno ayon sa sarili nilang survey? Kung kanino hindi binanggit. Kaya sabi si Isko dumudikit, si Leni nakadikit, si BBM hindi madikitan kasi malayo ang social distancing at ito ay pataas ng pataas dahil sa mga ginagawang paninira sa kanya!

*******

Kamakailan ay lalong pinalakas ang partido na nag-adopt kay Sara Duterte na Lakas-CMD ng sumama pa rito ang Partido ng Masang Pilipino ni Erap Estrada, Partido Federal ng Pilipinas at ng Hugpong ng Pagbabago. Sa kabuuan may apat na malaking partido ang dala-dala ng BBM-Sara Duterte tandem, Lakas-CMD, PMP, Hugpong, at Partido Federal ng Pilipinas.

*******

Alam nyo bang doon po sa amin sa islang Catanduanes ay lagi-lagi walang kuryente, at sa capital town ng Virac ay laging walang tubig? At alam din ba ninyong hanggang ngayon ay marami pa ring mga kababayan ko ang hindi pa nababakunahan? At alam din ba ninyong sa aming isla ay diyan matatagpuan ang klase ng mga taong sobrang titigas ng ulo na mga hindi sumusunod sa health protocols, mga ayaw magpabakuna, at kanilang sinasabing “ mga bakuna kabuahan an” pero ng marami ang tinamaan ng covid “naghiripid man baga”? Sige tigas ulo pa more kayo at si Omicron na imported pang galing South Africa ay coming soon na! Mas delikado, kayang lagpasan mga bakuna at kayang ubusin ang mga matitigas ang ulo! Good luck mga kababayan! Nakalimutan ko nga pala diyan din natin malalaman  kung bakit mabagal ang pagbabakuna sa mga taga isla? Pero sa kabila ng lahat alam din ba ninyong ang tawag sa aming isla ay Happy Island?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: