MAYOR PETER “BOS TE” CUA PARA BISE GOBERNDOR?

PARAMI NG PARAMI – Dumadami sila at tila walang pag-asa na mawawala sila sa eksena ika nga! Sa halip kasing mabawasan ay lalong dumadami ang mga nabibiktima ng sakit na ito. Dati mangilan-ilang lang ang tinatamaan ng Delta variant pero ngayon ang bilang kung hindi ako nagkakamali sa buong bansa ay libo na rin. Pero mas matindi pa rin iyong dati (covid-19) lalo dito sa ating probinsiya na tila gustong makipag-kompetensiya sa ibang mga probinsiya. Lumalabas na wala namang tinatamaan sa mga bakunado kundi Iyon lamang mga wala pang bakuna. Isang katibayan na kailangang-kailangan talaga ang mabakunahan ang bawat Filipino.


PASTOR VS PASTOR – Quiboloy vs Pacquiao! Are you ready to rumble? Iyan ang matunog na labanan ngayon. Sabi ni Pacquiao, kakasuhan daw nito si Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ dahil daw sa mga sinasabi nito tungkol sa proyekto ni Pacquiao sa Saranggani na Sports Complex na nagkakahalga ng tatlong bilyong piso mahigit at hanggang ngayon ay nakatiwangwang at hindi pa nayayari at tila yata iniwanan na ng kontratista nito? Kakasuhan daw ni Pacquiao ang pastor at tanong naman ni Quiboloy kung ano raw ang ikakaso sa kanya. Sagot pa ni Quiboloy, handa raw siyang harapin si Pacquiao, anytime, anyplace at anywhere? At naghamon pa ang Pastor Quiboloy ng debate at kahit saang lugar, at kahit anong oras? Hindi pa nakuntento ang Pacquiao, sinabihan pa si Quiboloy na psychologically imbalanced! Sabi ni Quiboloy kung libel daw ikakaso sa kanya, bago ito sumagot ay nangingiti ito ng parang ngiting aso na parang natatawa dahil parang alam niyang wala naman siyang sinasabing libelous dahil siya naman daw ay nagtatanong lang considering na ang senador ay isang elected official at karapatan ng isang mamamayan kung ano na nangyayari sa napakalaking halaga ng proyekto na ngayon ay nakatiwangwang lamang? Kung meron daw libelous ay ang sinabi ni Pacquiao na psychologically imbalanced ito. Dahil hindi raw mapapatunayan nito ang sinabi niyang tungkol sa utak niya. Tunay na libelous nga maliban kung may makukuha siyang medical record at magpapatunay na psychologically imbalanced nga. Kaso vs kaso. Ang panalo iyong mga abogado! Sa akin lang, ayoko maging judgmental. Pero sa totoo lang ni hindi alam ni Pacquiao kung anong ikakaso niya kay Quiboloy? Pero iyong ikakaso niya kay Pacquiao alam niya! Dapat alam ni Pacquiao bilang graduate ng AB-Political Science na kinuha niya sa loob ng 3 months sa UMAK.


PRRD VS GORDON – Talpakan na! Duterte vs Gordon, native kontra mestizo! Si Duterte native na native, ang Tagalog niya native talaga. Samantalang si Gordon kahit saang anggulo Texas, malaki nga lang ang tiyan at pasang krus kasi nga parang siya may-ari ng Red Cross. Galit na galit ang Duterte dahil nga naman kung mag-imbestiga ang mga senador sobrang yayabang na kung gumawa ng mga pagtatanong sa mga resource person, ayaw nilang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Gusto sila lang ang magsasalita at agad-agad hinuhusgahan na nila. Sobrang yayabang at pabida!
Kaya tanong ni Duterte kung sila ba ay nag-iimbistiga in-aid of legislation or for their personal or political interest or for media mileage? Sana all nga? Ngayon gustong mangyari ni Duterte imbestigahan ang Red Cross ng COA. Naungkat pa ni Duterte na gusto ni Gordon na ipatigil ang swab test noon dahil sa hindi raw nababayaran ng gobyerno ang Red Cross samantalang ang totoo ay babayaran naman kundi nga lang maaatraso dahil marami pang dadaanan at nasa pandemya nga. Ngayon pinaiimbistigahan ang Red Cross sa dahilang maraming naitutulong ang gobyerno rito pero walang nakakaalam kung saan napupunta ang mga tulong na naibinibigay dito. Tiyak liliit at papayat itong si Gordon. Mukhang tagilid ang Texas? Malamang tatamaan ng tatamaan ito lalo at istribo ang laro ng native. Abangan kung sino mananalo sa eleksyon sa 2022 dahil ang Gordon pala may ambisyon ring magbise-presidente?


Totoo ba ang balita na si Mayor Bos Te Cua ng San Andres ay open sa posisyong bise gobernador ng probinsiya ng Catanduanes? Ilang oras pa lang nakarating sa akin ang balitang ito pero hindi kumpirmado dahil hindi ko naman makontak si Mayor Bos Te ng San Andres. Pero iyong source ko maraming naikuwento sa akin tungkol sa mga nangyari nang suspendido daw si Gov.Boboy Cua? He did not elaborate, basta makinig lang ako sa kuwento at tapos iyong kuwentuhan at ang naging ending ay baka tumakbo raw bise gobernador si Mayor Bos Te Cua? Papaano kaya ito ako, si attorney, si Marlon, iyong dalawa pang taga-Bato, marami kaming gusto magbise-gobernador? Ang alam ko dalawa lang sa gobernador ang magbabanggaan? Sa kongresman dalawa rin pero balita ko may susuipot na may dala ring bilyones? Maganda yan the more the merrier!


Isang abogado ang lumapit sa akin noon at tinanong ako kung taga-saan daw iyong judge. Oo ang sagot ko at sinabi ko sa kanya kung taga-saan at kung ilang taon ng judge dito sa Catanduanes? Tapos sabi sa akin may pagka-bias ang judge na iyan? Ako naman, nangiti lang ako sa sinabi ng abogado kasi naisip ko na normal lang mga ganyan sa tagal ko ba naman sa husgado. Pero medyo hindi maganda ang mga sinasabi ng abogadong ito? Kasi nagyabang pa at sabi sa akin baka hindi ako nakikilala ng judge na iyan? Lalong lumala iyong pagmamayabang at sabi pa baka gusto niyang matulad siya doon sa judge na kinasuhan ko sa Supreme Court? Ganun lang pero hindi naman sinabi sa akin kung anong nangyari sa kasong isinampa niya sa Supreme Court laban sa judge na sinasabi niyang kinasuhan niya. Dapat bang ganoon sila pag medyo nadedehado sa kaso dahil talagang tagilid naman, ang bibirahin ay ang judge? Ito marahil iyong klase ng mga abogado na sinasabi ni Atty. Larry Gadon na mga bobo? Sa halip na ayusin iyong takbo ng kaso niya, ang kakasuhan iyong judge! Malas mo attorney, nakita ko kung ano ka sa open Court sa totoo lang hindi ako bilib sa iyo! Kahit ilang judge ang sampahan mo ng administrative case sa Supreme Court baka sa iyo pa magboboomerang iyan?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: