Tingnan Natin:

BAGONG TATAG NA OPOSISYON NAG-AAYAWAN NA AGAD

Nagtatag ang mga kalaban ng administrasyong Duterte o ang oposisyon ng kung tawagin nila 1Sambayan kung saan ang mga convenor nito ay ang mga kamag-anak ng asawa ni Mayor Sara Duterte ng Davao City: sina retired Justice Antonio Carpio at retired Ombudsman Conchita Carpio Morales na tiyahin ng asawa ni Sara Duterte. May mga umatend din sa nasabing pagtatag ng 1Sambayan. Ang pangit ng dating sa atin, ano? Sabi sato sarong sarambayan! Kalainon na dangogon. Tapos ang kulay daw ng grupo nila ay puti. Komento dito ang pangit din ng dating. Sila ay sasabak sa laban at kapag ang grupo ay makikipaglaban at itinaas mo ang bandilang puti iyon ay pagpapakita na sumusuko na sa laban. Hindi pa nga nagsisimula ang bakbakan taas na kaagad ang puting bandila! Masamang pangitain, ayon sa mga nagmamasid! Malamang sa malamang na shoot na naman sa inidoro ang bagong grupong ito?

******

United Opposition daw sila! Pero ayaw sa grupo nila si Sen. Zubiri, Sen. Villanueva, Sen. Sotto, Sen. Drilon, Sen. Recto, Sen. Angara at iba pang malalaking mga pulitiko? Iyon ba ang united na nagsisimula pa lang nagaayawan na? Napakasamang pangitain! Kasi nga iyong mga nagtatatag ng nasabing sarambayan ay mga wala namang hatak sa mga tao. Antonio Carpio, Conchita Carpio Morales, del Rosario, Luistro at iba pa na mga hindi naman kilala sa larangan ng pulitika. Kung kinuha pa nila si Bernardo Carpio, baka maniniwala pa ako? At saka sa pulitika sabi nga ang dapat diyan ay makarami ng kakampi at hindi ang sila-sila lang? Problema, walang bago sa kanila walang na hatak na magbibigay buhay sa grupo nila? Kaya tama ang obserbasyon na lalong humina ang bagong tatag na grupo ng oposisyon! Alam na kumbaga ang kahihinatnan ng darating na 2022 eleksyon.

******

Bakit hindi sumama sila Grace Poe at iba pa sa bagong tatag na oposisyon? Marahil may sarili ring agenda sina Grace Poe, Zubiri, Villanueva at iba pang malalaking pangalan ng mga pulitiko. Sumama tapos ng mahalatang sila-sila pa rin lang nagsiayawan! Tama din. Bakit ka nga naman sasabay sa nakikita mong mangungulelat? Para sa akin, tamang desisyon. Pero saan sila pupunta? Puno na rin ang grupo ni Duterte? Siguro tama din ang obserbasyon ng ibang political analyst na malamang may isa pang grupo ang susulpot? Baka ito na ang grupo ng isa pang Carpio at ito nga ay si Bernardo Carpio! Malakas ito!

*****

Ang hindi ko gusto ang ikinakalat na Duterte-Duterte sa 2022 eleksyon. Para sa akin kasi kung sila-sila na rin, nakakasawa na! Kung si Sara lang maganda at talagang tila gusto siya ng mga tao? Pero kung pati si Tatay at si Inday, di isama rin si Nanay, si bunso, si Lolo pati si Lola iyong alaga nilang aso, pusa,  pati mga alaga nilang baboy, isama na lahat. Tama si pabidang Lacson, hindi Davao ang buong Pinas! Pahinga na muna si Digong, nandiyan naman si Pacquiao, si Sotto, si pabidang Lacson para tumigil na kangangawa niya, si Gordon at Red Cross niya at si BBM pero huwag na si Bong Go, masyado nang gasgas ang pangalan niya at baka mabunggo na siya?

******

At saka kung pauusuhin ang pamilya pamilya, di dapat sumabak na rin si Mayor Bos Te ng San Andres. Kumandidato na rin siyang bise gobernador ni Gob. Boboy Cua. Tutal pasimuno ang presidente, di sumunod tayo sa nagpapasimuno. Samantala sa parteng Norte ng ating probinsiya, feel na feel na ang pulitika. Bidang bida si mayor Olog. Back to back ang ginagawang pagtusta sa kanya. Tuhog sa kaliwa, tuhog sa kanan, pati sa gitna tinutusok pa. Anyare? Bakit galit na galit kay mayor? Olog-ulugon mo pang mga banat iyon sa FB? Sobrang galit? Sobrang init! Wala bang ice plant sa Pandan?

*****

Parami nang parami ang natatamaan ng Covid-19 sa buong bansa! Grabe na ito! Ang bawat isa sa atin ay hinding-hindi na talaga nakasisiguro ng ating buhay. Huwag tayong magpakakampante. Maliwanag na ang totoong dahilan kaya dumadami ang natatamaan dahil na din sa sarili nating kagagawan. Tayo rin ang dahilan kung bakit tayo nahahagip ng sakit na ito. Sinabi nang mag-ingat, ayaw makinig. Feeling magaling, feeling hindi tinatablan ng sakit. Pero pag tinamaan, lahat ng santo tinatawag pati si San Rodrigo kasama na sa panalangin. Pati San Jex, muntik maisama. Kung nagkataon, laking pagkakamali!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: