TINGNAN NATIN:

AYAW NI DIGONG NA KUMANDIDATONG PRESIDENTE ANG ANAK NIYANG SI SARAH

Ayon kay PRRD, hindi raw bagay o nararapat sa isang babae ang puwesto ng isang pangulo. Nasabi niya ito matapos na manguna ang kanyang anak na si Mayor Sarah Duterte sa ginawang survey ng Pulse Asia sa kung sino ang mga nararapat na maging pangulo ng bansang Pinas. Sinabi ng pangulo na ayaw niya raw maging pangulo ang kanyang anak dahil sa napakahirap daw na trabaho ang maging isang pangulo. Ang trabaho daw ng isang pangulo ay nababagay lamang sa isang lalaki na kayang humarap sa mga tungkuling nakaatang sa kanya. Na siya namang totoo. Buong bansa nga naman ang hahawakan mo na ang nananahanan ay abot isangdaan at sampung milyong tao na hindi mo alam kung ilang milyon diyan ang mga pasaway at mga tigas at mga sira ulo!

Nagkaroon na tayo ng dalawang babaeng naging pangulo at ano ang napala ng bansa natin?

*****

Marahil kaya nasabi lang ang ganoon ng pangulo dahil sa naranasan niya kung gaano kahirap ang maging pangulo at maaari ding sa dalawang babaeng naging pangulo ng ating bansa ay kinawawa lang ang mga ito ng mga kalaban nila sa pulitika na siyang isa sa mga dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang naging pamamahala nila? At isa pa sa sarili niyang karanasan na lahat ginagawa niya para mapaayos tayong mga Filipino pero puro pambabatikos kaliwa’t kanan ang napapala niya. Mahirap nga naman ang ganitong mga bagay sa isang babae lalo kung ang mga kasama mo pa ay may mga ugaling sa ahas na akala mo kasama mo, iyon pala tumitiyempo lang at nalingat ka lang nang konti natuklaw ka na. Kung lalaki nga naman marunong ng tinatawag na laro, larong panglalaki na hindi kailanman kakayanin ng isang babae. Maliban lang kung ang nasabing babae ay may alam din siya sa larong panlalaki. Tulad halimbawa ng larong ahas-ahasan, larong traydor-trayduran. Sa ganyang klase ng mga laro, hindi yan kakayanin ng mga babae lalo kung ang alam lang ay mag mahjongg, magpa-cute at mag-iinarte. Bagama’t sa nakikita ko kay Sarah Duterte ay naiiba siya. Palaban, nananapak nga ng isang sheriff at sa ayos niya at mga kilos ay para siyang isang lalaki at ang husay magpatakbo ng kanyang sariling gobyerno sa Davao bilang isang mayor.

*****

Kawawa daw ang Pilipinas ngayong ang presidente ng Amerika ay hindi na si Trump? Bakit kaya ano? Ang ikinabubuhay ba ng mga Filipino ay galing Amerika? Mga Amerikano ba ang bumubuhay sa atin? Sila bang mga Amerikano ang nagpapakain sa atin? Oo, kaibigan natin sila pero hindi nangangahulugang puwede na tayong alilain, tapak-tapakan, kutya-kutyain at gawing sunud-sunuran sa bawat naisin at gustuhin nila. At bakit magiging kawawa tayo? Dahil ba si Biden na ang pangulo ng Amerika at marami siyang mga kaibigan na mga kalaban si Duterte? Ayan, diyan tayo magaling ang magpatuta maging sunod-sunuran. Mahabang panahon na tayong ang tingin natin sa mga kano diyos. Hanggang ngayon ba naman diyos pa natin sila! Kahit juice ayoko na. Sabi nga ni PRRD kay Obama, you go to hell! Ganun, dapat “the Philippines is a sovereign state” at tayo ang hari sa sarili nating bayan at hindi tayo dapat dinidiktahan. Kaya nating tumayo sa sarili nating paa at makipag-kaibigan ng matino, huwag lang ginagago tayo at gagawing parang tao-tauhan, uutos-utusan at tatawaging unggoy na walang buntot tulad ng ginagawa sa mga ibang lahi na nasa Amerika. Intsik, Filipino, Negro. Basta hindi Kano, second class citizen ka lang. Ano ngayon kung si Biden at hindi si Trump ang pangulo ng Amerika? Bakit igagalang ba sila ni Covid-19? Takot din iyan si Biden sa virus!

******

Viral ngayon ang tungkol sa 23 na mga senior citizen na namatay sa bansang Norway. Ang bakuna na gamit nila ay ang ipinagmamalaki ni Lacson na Pfizer. Sumablay ang bakuna, 23 na mga senior citizen tigok bukod sa isa ito sa pinakamahal ang presyo ng bakuna at 95% ang efficacy nito ayon sa balita. Ayon kay Duterte, pahirapan daw ang pagbili ng bakuna ngayon dahil ang mga nabigyan ng prayoridad ay ang malalaking at mayayamang bansa na agad-agad ay nakababayad. Para sigurong hot cake ang bakuna sa bilis ng bentahan lalo kung ang cash ay nakatutok na.

*****

Ang bakuna ay wala pa sa atin. Pinaplano pa lang kung ilan ang mabibili ng gobyerno natin kung kanino tayo bibili. At ang totoo pinapayagan na nga ng gobyerno natin kung gustong bumili ng  mga LGU ng sarili nila, basta susunod lang sila sa mga itinakdang alitunutnin. Hintay lang tayo dadating at dadating din ang mga bakunang iyan. Tamang-tama pag dating ng bakuna “burarat na mga malsok ta”.

-30-

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: