DUTERTE PINAKAPOPULAR NA LIDER SA BUONG MUNDO

๐˜ฏ๐˜ช: ๐˜‘๐˜ฆ๐˜น ๐˜.๐˜“๐˜ถ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ

 

PRRD tinanghal na pinapopular na lider sa buong mundo ayon sa UAE-based paper. Ito ay matapos makakuha ng napakataas na trust rating sa Publicus Asia, Pulse Asia survey, SWS survey, YouGov ng UK. Ito ay sa kabila rin ng may pandemic at walang patumanggang pagbabatikos sa kanya ng mga kritiko ng kanyang administrasyon.

Alalahanin natin na ang nagsabi o gumawa sa kanya bilang pinakapopular na lider sa buong mundo ay taga-ibang bansa. Tiyak na tulo laway na naman mga kritiko ni Duterte.
*****

Na naman. Iimbestigahan na naman daw iyong mga korap na mga nasa gobyerno. Noon pa ito pero talagang mahirap hulihin ang mga magnanakaw sa gobyerno. Ang totoo, araw-araw kasalamuha mo ang mga klase ng mga taong iyan. Araw-araw nakikipag-ugnayan ang mga taong iyan sa mga kapuwa nila magnanakaw pero hindi mo halata na magnanakaw pero kawatan talaga ang mga iyan.

Hindi mo mahahalata kasi ang mga mukha nila sabi natin makakapal mga mukha pero hindi halata at kung makitungo sa mga tao ang ganda pakikitungo nila. Pero kung marunong, kayo pag mapisil ninyo ang mga taong ito parang hard plastik mga mukha nila.
*****

Ayon sa order ni Duterte, lahat ng ahensiya ng gobyerno iimbestigahan. Lahat as in lahat. Pero ang pinaka-target niya ay ang DPWH dahil nandiyan daw ang grabeng korapsyon. Ayon sa sabi ni Belgica ng PACC, ibibigay daw ang listahan ng mga kongresista at mga taga-DPWH na sangkot sa korapsyon. Ang mga ahensiya pa ng gobyerno na nababanggit ay ang Bureau of Customs, BIR, LTO, at lalo na ang PhilHealth kung saan ang ilan dito ay nasampahan na ng kaso sa Ombudsman.

Pero duda akong magiging matagumpay ang order na ito ng pangulo. Una. kokonti na lang ang pananatili niya sa gobyerno at pangalawa, pag nabago ang administrasyon malamang sa malamang matutunaw na parang yelo ang mga kasong isasampa ng DOJ o ng Ombudsman.
*****

Mahigit isang taon na lang ay eleksyon na naman. Masakit ito sa mga magkakandidato dahil sa hindi pa nila na babawi iyong nagastos nila noong nakaraang eleksyon.Tapos dumating pa si Covid. Patay ang delihensiya! Pero may isang taon pa at puwede pang makabawi. Kailangan lang ay maging garapal at balasubas kayo.

Kalimutan na muna ninyo si maginoo at si mabait. Tutal naman ang labanan ay pakapalan ng mukha at garapalan at pambabalasubas. Sige lang, bistado na naman kung ano kayo at kung bakit hanggang ngayon ay nandiyan kayo?
*****

Ang oposisyon ay tila hirap sila kung sino ang itatapat nila sa magiging pipiliin ng nasa administrasyon.

Mabigat kasi mga makakalaban nila. May Marcos, may Duterte, may papansin na lsko Moreno na bawat magsalita may kamera at may aksyon, may Pacquiao. Sabagay meron din silang VP Leni, may Grace Poe, may Kiko, may Drilon, at may Sharon Cuneta at Kardo Dalisay. Ang dami pala, ano? Pili na kayo?
*****

Ito iyong sabi nila na when it rain it pours. Pag bumagyo, hindi lang isa o dalawang sunod kundi marami sila at baka maraming marami pa. Huwag naman, tama na muna po. Sa ibang araw o pagkakataon naman. Patapusin muna natin si Covid para makahinga naman mga tao. Pero malakas pa rin ang kutob ko na sabi nga pagkatapos ng gabi ang susunod ay umaga.

Hindi nga naman mangyayari na hindi sisikat ang araw pagkatapos ng gabi.Tulad din iyan sa kasabihang hindi sa lahat ng oras ay puro kamalasan ang dadanasin ng isang tao maliban lang marahil kung ikaw ay ipinaglihi sa kamalasan o di kaya ikaw ay hari ng sablay sabi nga sa isang pelikula.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: