ni: Jex F. Lucero
Sabi ni Spox Harry Roque, sina Angel Locsin, Anne Curtis, Pokwang, Vice Ganda, Angelika Panganiban, Coco Martin at iba pang mga artista ng ABS-CBN ay putak daw ng putak! Kung putak ng putak, ibig sabihin ay mga inaheng manok. Pero sa pagkakaalam ko, ang talagang inaheng tunay sa mga ngalang nabanggit ay si Pokwang, Anne Curtis, at iyong iba tulad ni Angelika Pangilinan ay mga dinaanan na ng malalakas na lindol. Si Vice Ganda, kaya maputak ito dahil madalas dinadaanan ng buldozer. Si Coco Martin naman, kaya maputak ito dahil madalat tiya ay natatabak ta laban bilang itang pulit ( translation) (madalas siya ay na sasabak sa laban bilang isang pulis.) Ang masama ayon sa Bisayan Block na sina Angel Locsin at mga kasama sa ABS ay mga komunista raw kaya kontra sila sa Anti-Terrorism Bill.
******
Sa hearing sa Kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS, parang mga sisiw ang mga abogado ng ABS. Sa isyu ng citizenship, halos madurog ang kampo ng mga Lopez. Ang isyu kasi dapat purong Filipino ang nagmamayari-ari ng isang mass media company. Dito lumalabas na si Eugenio Lopez ay dalawa ang citizenship, Amerikano at Filipino. Hindi ko sinasabing tama ako pero pag sinabing purong Pinoy dapat Pinoy ka lang at wala kang ibang citizenship. Kung Pinoy ka at Kano hindi ka puro. Although allowed sa atin ang dual citizenship.
******
Ang sumunod ay ang tungkol naman sa mga kaso ng ABS ay ang tungkol sa mga anomalya sa Tax Evasion kung saan sinasabi ng mga abogado ng kontra ABS na grabe raw mga ginawang hindi pagbabayad ng nasabing TV network. Kung saan ng pagkumparahin ang binabayaran ng ABS-CBN at GMA, lumalabas na kung ilang bilyong piso ang binayaran ng GMA pero ang binayaran ng ABS ay kung ilang milyong piso lamang. Samantalang ang ABS ay napakarami ng dinadala nito, may Channel 2, may ANC, may S and A, may Liga, may Myx, may Cinemo, may Cinema l, may jeepney TV, tapos ang binabayaran sa buwis kung ilang milyong piso lang at ang GMA ay kung ilang bilyong piso? Haaaaaa?
******
Dito na muna tayo sa tatlong OFW na tagarito sa atin kung saan ayon sa mga sinasabi, nagpositibo daw sa Covid iyong taga-San Miguel. Kung nagpositibo, ang dapat na gagawin ng mga kinauukulan ay malapatan ng lunas at hindi iyong ayon sa mga sinasabi wala raw hospital ang may gustong tumanggap. Kung ang dahilan kaya hindi matanggap dahil walang kakayahang gamutin ang may sakit, ayos lang. Pero kung ang dahilan ay dahil Covid ang sakit ay magsipag-resign na lahat sa hospital. Pinili ninyo ang nasabing profession kaya kung ano mang sakit ang makasagupa ninyo taos sa pusong harapin ninyo. Iyan ang trabaho ninyo. Kung mamatay kayo sa trabaho ninyong iyan, so be it. Iyan ang ginusto ninyo hindi ba?
******
Tulad din sa mga sundalo, mga pulis, at iba pang profession, iyon ang pinili nilang trabaho kaya gawin nila ang nararapat sa trabaho nila. Kung delikado ang ganoong mga trabaho, wala silang magagawa dahil iyon ang ginusto nila at iyon ang sinumpaan nilang tungkulin. At huwag sanang totoo iyong mga sinasabing kaya walang gustong tumanggap sa nasabing pasyente dahil sa ang sakit ay Covid. Sabi ko nga, magsipa- resign na ang mga nasa hospital at irerekomenda ko ring magsara na ang nasabing hospital. Maliwanag na diskriminasyon ang ganoon dahil sa ang sakit ay Covid nga. Pero kung sabi ko nga kaya hindi tinanggap ng hospital ang pasyente dahil walang mga pasilidad para sa nasabing sakit, puwede pa. Pero kung dahil sa Covid ang sakit at puwedeng gawan ng paraan at dahil Covid kaya ni-reject ng hospital, iyon ay hindi tama. At isa pa, ilang buwan nang namamayagpag ang sakit na ito, bakit hanggang ngayon ay hindi pa makumpleto ang mga facilities ng hospital natin diyan? Sa lagay pala pag may tinamaan diyan ng Covid, dapat dalhin natin agad-agad ang pasyente sa horno para masunog agad? Mauubos tayo pag nagkataon. Mahirap maiwasan dahil kailangang maghahanap-buhay ang mga tao at sa paghahanap buhay ay diyan tayo mauubos. Sa mga frontliners natin, mahalin ninyo ang inyong trabaho dahil iyan ang ginusto ninyo. Kasama ang paalaala sa inyo ang mahigpit na pag-iingat.