TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

KAILAN IBABALIK NG GOBYERNO ANG PERA NG PHILHEALTH?

Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang oral arguments tungkol sa anomaliya sa PhilhHealth na masyadong mainit ngayon tulad sa heat index na ikinahihilo ng Filipino sa ayaw man natin o gusto. Sangkot dito ang ating gobyerno lalo na ating speaker at ang ating pangulo kalaban ang Supreme Court. Sa oral arguments, pangungunahan ito ng ating Solgen at mga kasama ang executive secretary at lalo na ang Solgen sa pagdepensa sa gawa ng gobyerno. Lumalabas sa mga banat ni Associate Justice Amy Lazaro Javier na gumagastos ang gobyerno natin ng pondo ng Philheath na hindi dapat at iyon ay sa PhilHealth lamang at hindi dapat pakialaman liban sa Philhealth at wala nang iba. Kung sobra ang pera ng PhilHealth, gamitin ito para sa kanila lamang mag-invest ang PhilHealth at kung sobra pa ang pera, babaan ang singil pero huwag gagamitin sa pondo sa mga tulay at iba pang bagay. Tulad na lang ng ginawa ng goyernong ito na mayroon nang nakalaang pera, kinuha pa ang pera ng PhilHealth. Umutang ng P174.9 billion sa import-export bank ng Korea tapos kinuha pa ang pera ng PhilHealth kaya double-whammy, may pera na sa bangko ng Korea, may kinuha pa sa Philhealth? Iyan ay hindi pinapayagan ng batas. Mayroon ka nang inutang para sa Guimaras-Negros-Panay na tulay, dinale mo pa ang PhilHealth. Suwapang mo naman. Ang masama wala pa maski isang bakal para sa tulay, drawing siguro mayroon na.

*****

Kaya mga buwaya, huwag nyong pakikialaman ang PhilHealth dahil iyan ay pera ng taong bayan. May inutang na kayong P174.9 billion sa Korea para sa proyekto na hanggang ngayon skeleton pa rin, pati pera ng PhilHealth tinitira nyo pa. Ang tanong: saan napunta ang pera? Ang sabi ng korte, isauli niyo raw ang pera sa taong bayan. Malaking halaga iyan pag nagkataon. Pero saan ninyo yan kukunin? Ang yayabang noon ni Sen. Grace Poe at Finance Secretary Ralph Recto, pero ngayon nawala iyong angas nila. Pinagkandidato pati asawa niya, ganoon din ang anak. Puwedeng maubos ang pera sa tulay, huwag nyo lang pakikialaman ang pera ng PhilHealth kung ayaw ninyong mapunta tayo ulit sa Korte Suprema. Ang hirap sa inyo pati pera ng DOH tinitira yata ng gobyerno para sa mga pagkukulang na bayarin nila? Ang DOH ay may sariling pondo. Anuman ang pagkukulang ng DOH, hindi problema ng PhilHealth kaya di dapat pinakikialaman ito.

*****

Isang nakalungkot na balita ito. Akalain ba ninyo P6 billion pesos na pondo sa Basilan province, wala daw itong liquidation sabi ng isang empleado ng COA sa kanilang probinsiya? Paano kaya ito nangyari? Si VP Sara halagang 125 million lang, impeach kaagad, confidential fund pa? Tinatarget lang talaga ang ating VP. Kung tutuusin, billion ang confidential fund ng pangulo pero walang impeachment kasi hawak nila ang gobyerno. Ang karma, mahirap na kalaban yan. Tingnan nyo convicted si Imelda sa kasong graft and corruption. Sabi sa inyo, mahirap kalaban yan, kusang dumadating yan sa tao lalo na kung pangit ang ugali mo!!! Karma pa more kaya sige magnakaw lang kayo sa gobyerno, mga buwaya kayo!!

*****

Ipinahahanap ang bagong appropriations committee chairman ng Kongreso para sagutin ang oral arguments sa kasong isinampa sa kanila ng grupo ni senatorial candidate Vic Rodriguez kaugnay sa 2025 National Budget na ayon sa mga may sampa nito ay masyadong maanomalya ang pagkakagawa dahil marami daw blangko at insertions sa nasabing budget. Bukod kay Quimbo at Speaker Romualdez,  marami pang iba na nasasangkot sa tila masalimuot na kaso. Ang session ay gaganapin sa Baguio City. Ang depensa ay pangungunahan ni Atty Menardo Guevarra at mga kasama niya at ang grupo naman ni Atty. Vic Rodriguez.

*****

Pinababalik sa Pangulong Marcos ang halagang kinuha nila sa PhilHealth na may kabuuang 60 bilyong piso. Ang tanong kailan pa kaya maibabalik ito at sino ang magbabalik nito gayong ang sabi nasa national treasury ito? Ang tanong uli, kailan at saan ibabalik at sino nga ang magbabalik nito? Iyan ang mga katanungan: kailan, sino ang magbabalik, bakit napunta ito sa mga taong ito ang pera ng taong bayan. Dapat ibalik ito sa tao. Ang hirap, hulog tayo ng hulog, ang nakikinabang ang mga buwayang laot. Baka mga Recto lang sa Batangas ang makikinabang. Kandidatong Governor ang nanay, vice governor ang anak, congressman ang pamangkin pati mga katulong kandidato rin sana, pero huwag naman.

*****

Panalo si Roach laban kay Tank Davis dahil sa protesta ng mga manonood at ibang opisyal nito. Bakit daw tabla samantalang bumagsak talaga si Tank Davis. Dahil sa mga kaganapang ito binago ang desisyon ng hurado at ang nanalo sa protesta si Roach na siya namang panalo sa tingin ng mga nakapanood ng laban. Kaya sa ayaw natin sa gusto may bagong kampeon ngayon sa WBO at iyon ay walang iba kundi si Roach.

*****

Bakit nga ba na-delay ang trial? Actually, kasalanan naman ito ng mga kongresman. Apat na impeachment cases isinumite nila, isa lang ang natanggap ng Senado at ang ibang impeachment cases inupuan nila ng mahigit dalawang buwan tapos ngayon nagmamadali sila samantalang kung tutuusin ang Senado recess ngayon. Ang ibig sabihin daw ng “forthwith” ay agad-agad magconvene ang Senado pero ito ay on vacation or recess kaya walang pasok sa  Senado. Dalawang buwan inupuan ang impeachment, isinubmit sa Senado last hour, wala nang tao tapos mamadaliin ang Senado. Recess, eh di, walang pasok. Manigas kayo, maghintay kayo total nasa batas ang lahat at kung atat na atat kayo, wala kayong magagawa nasa batas ang lahat. Kung nanIniwala kayo sa forthwith, mas naniniwala ako sa recess at mas pinaniniwalaan ko ang recess na ang ibig sabihin walang opisina.

*****

Mga kandidato: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE.

SENATORS: ATTY R. MARCOLETA, ATTY. JIMMY BONDOC, ATTY VIC RODRIGUEZ,ATTY JAYBEE HINLO, ATTY RAUL LAMBINO, Dr. MATA, Dr. WILLIE ONG, GO, BATO dela ROSA, PHILIP SALVADOR, APOLLO C. QUIBOLOY.

*****

400 na mga empleado ng DOTr, nagsipag-resign sa dahilang lahat sila karamihan dalawang buwan nang walang suweldo. Grabe, isang araw lang na walang suweldo ang isang empleyado, patay na ang pamilya ng tao dalawang buwan pa kaya? Tama ang ginawa ng mga empleyado, magresign na lang kay sa magtatrabaho ka nang magtratrabaho, wala namang suweldo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading