TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MGA NPA SA KONGRESO HUWAG IBOBOTO

Kaso ng human rights at iba pa laban kay FPRRD, ibinasura ng Supreme Court. Nagmukhang tanga sina de Lima, Trillanes, mga NPA, CCP at si Babalu mangiyak-iyak sa resulta ng SC. Pinagtatawanan ni Topacio sina de Lima, Colmenares, at mga abogado sa impeachment kay VP Sara dahil mali-mali daw at nakakatawa. Akalain mo nga naman kinakasuhan siya noong mayor pa siya tapos nga naman ang kinakasuhan VP. At kung anu-ano pa na talaga namang mali-mali samantalang nag-DOJ siya at sa human rights pa tapos pagtatawan lang ng kapuwa mo abogado. Nakakahiya!!

*****

France Castro malamang makulong na. Convicted na sa 2nd Division ng SC ang ACT Teachers Partylist Representative. Pero in fairness to her, puwede pa siyang umapela sa decision ng court en banc. Pero huwag naman na convicted na siya nang ko-contempt pa. Ngayon iyak siya ngayon ng iyak at siya naman ang ikukulong. Masaklap ang ganoon. Congresswoman ka at saksakan ng yabang kung magtatanong kahit mali-mali tapos makukulong ka. Saklap buhay!!!

*****

Tambak sa survey si Trillanes. Lahat na tao halos na tinatanong mo ang sagot puro Along Malapitan. Ang masakit dito may nagsasabi pang hindi nila kilalala si Trillanes at kung sino raw ito at kung taga saan daw. Kasi nga kung kakandidato ang isang tao, dapat magtagal ka muna sa isang lugar. Sabi ngani sato magpahinog ka muna sa isang lugar para makilala ka. Hindi iyong basta ka lang susulpot na parang kabute at magsisigaw ka na kandidato ka. Ayan, hindi ka kilala sa Caloocan!!!

*****

Pinapaliwanag ni Jinky Luistro si FPPRD sa halip na magpaliwanag si Congresswoman Luistro ng Quadcom ang pinapaliwanag kung nasaan ang kanyang asawa na nawawala dahil itinago niya ito. Ano bang klaseng mga abogado ito? Iyong iba namang mga senador at mga kongressman mga convicted. Kung hindi man convicted, mga babaeng senador may mga kabit pati lalaking senador may mga kabit din pero kung malinis ang mga lintik tunay na mapagkunwari at akala mo ang lilinis parang mga birhen kung magsalita ang gaganda. Pwe, masahol pa kayo sa buwayang mga lintik kayo, pati PhilHealth hindi niyo pinatatawad samantalang contributions ng mamamayan iyan. Kakapal ng mukha ng mga punyetang ito.

*****

Impeachment nakakahiya, kongreso kanya-kanya nang palusot, ayaw nang umamin na kanila iyon. Kaya ang sabi ng bawat isa hindi namin gawa yan. Siguro pagkatapos pagtawanan ng kapuwa nila abogado ang gawa nilang impeachment kaya kanya-kanya na sila. Iyong mga NPA, CPP, mga grupong progresibo, hindi raw sila may gawa kaya ang sandalan nila si de Lima at mga abogado nilang nagtatago ng asawa, mga abogado nilang hindi nakatuntong ng korte. Pag abogado kang hanggang ka lang sa entablado at wala kang alam sa pakikipaglaban sa korte, tiyak wala kang alam sa impeachment. Mabuti pa, magtanim ka na lang ng balinghoy.

*****

Ang daming nangyayari sa adming ito, bagyo sunod-sunod pati bulkan ayaw na ring paawat. Ang dahilan nito ang naglalabasan ang mga buwaya. Pag naglalabasan ang mga buwaya lalo na ang amo ng magnanakaw at lalo lumalabas ang pinakaamo, malas daw yon. Iyon ay nagbabadya ng paghihirap ng mamamayan at pagyaman ng mga buwaya. Mga buwaya sa laot at sa lupang tigang. Bakit kaya ang daming buwaya sa atin? Akalain mo ubos ang pera ng para sa mamamayan, pati PHILHEALTH, GINTO SA CENTRAL BANK, FLOOD CONTROL, MAHARLIKA FUNDS, TUPAD NA WALA naman sa GAB, at pero grabbing NEP, bagyo sa ILOCOS ibinibigay sa Davao. Daming kalokohan trabaho ng DSWD, congressman ang namimigay.

*****

Youth ng Cavite lumuha nang sumuko. Hindi niya raw sukat akalaing grabeng paghihirap ang daranasin niya sa buhay rebeldeng ginawa niya. Gabriela Youth siya nang marecruit ng mga NPA pero grabeng pagsisi niya sa bandang huli bago niya nalirip ang lahat. Sa bandang huli naisip niyang hindi kaya ang gobyerno anumang gawin dito o anumang gawin ang pakikipaglaban dito. Ang ipinaglalaban niya ang tungkol sa mga babaeng naaapi sa ating lipunan. Hustisya ang hanap niya sa kaapihang dinaranas ng kababaehan sa ating lipunan. Siya ay napunta sa probinsiya ng Mindoro pero malaking pagsisi niya sa huli lalo pag naiisip niya ang kanyang magulang na siyang pinakamahalaga sa buhay bilang isang anak.

*****

202,000 sako ng bigas nakatago lang pala sa bodega sa Bulakan. Kaya pala ang mahal ng bigas. Ilalabas siguro ng mga buwaya sa oras ng eleksyon. Ang galing talaga ng adming ito, puro pandurugas sa mga tao. Walang tatalo pa sa admin na ito sobrang galing lalong pinaghihirap ang mga tao bigas tinatambak sa bodega ilalabas lang pag lalong matindi na pangangailangan ng mga tao. Pamatay talaga! Kanino kaya ang bigas na iyon???  Siguro ang hula ninyo at ang at ang hula ko parepareho lang. Pustahan tayo ang may ari mga 202,000 sako ng bigas mga buwaya?

*****

Sa admin ni Marcos, bagong rice importer bilyonaryo agad. Kung malakas ka sa adming ito, yayaman ka kaagad. Kung mahirap ka, lalo kang maghihirap, mangungod ka pa sa lupa. Ang pinapayaman dito iyong dati nang mayaman at ang mahirap lalong maghihirap. Imagine baguhang rice importer biglang naging milyonaryo. Malakas sa kanyang diyos-diyosan, siguro isa ring bangag ang ulol na ito. Kailan kaya tayo magkakaroon ng matinong gobyerno, gobyernong para sa tao at hindi bangag? Sana ang susunod nating gobyerno iyong sumusunod sa tamang batas at hindi sa batas ng ayuda para masunod ang gusto nila at hindi ang tamang batas.

*****

Mga kandidatong iboboto ko sa darating na halalan: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad ng virac FRED GIANAN, mayor ng virac JOSEPH “BOBOY”CUA, vice mayor ng virac ROSIE PANTI OLARTE, Ito naman mga senador ko: Atty JIMMY BONDOC, ATTY RODANTE MARCOLETA, ATTY HARRY ROQUE, ATTY SAL PANELO, ATTY GLEN CHONG, BONG GO, BATO DL ROSA, DOC WILLIE ONG, DOC LORRAINE BADOY, ATTY VIC RODRIGUEZ.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading