TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BILYONG PROJECT SA FLOOD CONTROL NAWAWALA/ AYUDA CAPITAL OF THE WORLD- PILIPINAS

Grabe ang ginawa ni Kristine lalo na sa bandang Bicol region. Sabi kang mga Bicolano, garo ngaya lawod ang ibang lugar sa Bicol na masakit nang matungkad ang rarom, hamak pa man na anom na kotse nagkasuon-suon. Anong nangyari? Istorya ng isang taga-Naga at taga-Legazpi, nangyari daw iyon dahil sa halip para sa FLOOD CONTROL PROJECT, ninakaw ng mga buwayang politico iyong para sa flood control kaya ngayon gumanti sa kanila ang kalikasan. Sabi sato, ang balos daing sokul. Kung hindi talaga magnanakaw ang mga lider natin, hindi ganoon kalala ang pangyayari. Sobra na kasi ang nakawan sa gobyerno natin. Of course naman, hindi lahat pero ang nakararami lalo sa Kongreso (upper and lower house.) Ang maririnig mo ang mga sangkot pag hindi mga taga-gobyerno, may kinalaman sa takbo ng gobyerno – meaning, nakakabit sa gobyero. At ang yayabang, puro nagpapasiklab, mga magnanakaw naman. May bagyo noon sa Luzon, si VP Sara namimigay ng ayuda sa binagyong lugar. Si Tamba naman namimigay ng ayuda sa Davao, hindi naman dinaanan ng bagyo ang Davao nandoon kasi ang mabigat na kalaban kaya ngayon na kailangan talaga ang ayuda, ubos na. Pati iyong reserved para sa Philhealth, kinuha na at may paggagamitan daw ng ibang projects kaya si Vilma Santos, yong anak niya at iba pang kamag-anak tatakbo rin pati iyong alaga nilang aso, baboy at mga katulong, tatakbo rin. Sana matisod sila.

*****

Malaking kabawasan si TS Kristine sa mga buwaya kasi obligado silang magbigay ng ayuda. Iyong buwaya diyan sa Bato river na lumilitaw at nagpapakita sa mga tao, magpapakita naman iyon, mamimigay ng ayuda kung may natira pa sa gahaman sa kuwartang buwaya. Bakit kaya nauso ang mga buwaya ngayon? Pag lumitaw daw uli ang mag-asawang buwaya sa Bato river, kakarnihin daw nila at itatapon daw nila sa WP Sea kasama ang mga nahuling pusher sa Malakanyang. Marunong kumilala ng kabaro ang pinutukan ng lintik na ito. Magsamasama kayo sa West Philippine Sea, doon na rin kayo malibing, mga buwaya kayo.

*****

Iimbestigahan daw si AKO BICOL partylist representative Zaldy Co ng Senado ayon kay Sen. Villanueva dahil sa P91-B na pondo sa FLOOD CONTROL project na ngayon ay 9 bilyon na lang.

Saan kaya napunta, ano? Hindi kaya pinaghahatian ng mga buwayang gahaman sa kuwarta, kasi sa pagkakaalam ko dati nang mayaman si Zaldy Co at kilala at kaibigan ko ang tatay niyan, si Mr. Delfin Co. Duda ako, nasa Appopriation Committee siya at maraming nakapalibot sa kanyang mga tentasyon na mga demonyo sa impyerno, at alam ko kung saan ito. Kung ako si Zaldy Co, ituturo ko kung sino ang mga buwayang nakapalibot sa kanya pati na iyong mastermind. Ang lagay, ikaw lang solo ang malilintikan. Ano siniswerte sila? Puwera lang kung kasabwat ka rin?

*****

Sen.Tito Sotto, tumanda na sa kongreso, walang nagawa para sa kabutihan ng bayan. Nasa TV ka lang kaya natatandaan ka ng tao. Pero kung sasabihin mong may kabutihan kang nagawa sa mga tao, makabubuting magtanim ka na lang ng kamote, baka sakaling iboto pa kita. Wala kang kuwenta talaga, sa totoo lang. Remember Pepsi Paloma? Sa kawalanghiyaan ninyong mga bida-bida at sikat-sikat na mga tao, tandaan ninyo balang araw mawawala din kayo at tatatak sa tuktok ng mga tao ang naging kawalanghiyaan ninyo. Ngayong eleksyon lang mararanasan ninyo ang inyong kasawian. Kaya habang maaga pa, magdasal na kayo at magsisi sa ma kawalanghiyaang ginawa ninyo sa taong nagsusumikap mabuhay nang marangal pero ginawa ninyong katatawanan.

*****

Mga kandidatong artista, kahit isa wala akong iboboto. Yong isang senador daw na iyon, ang tanging alam lang Batang Quiapo, Isa naman, Alyas Pogi, iyong isa naman Masahol Pa sa Hayop, iyong isa namang tumatakbong gobernador ng Laguna saksakan ng yabang sa kongreso, ang ipinagmamalaki lang ang kasikatan niya bilang artista noon, at isa pa si Manny Pacquiao na wala naman alam sa Senado kundi magkalat at magsalita ng carabao English at ngayon ang English niya ay barok English na. Huwag mo na kasing ipilit, napaghahata ka tuloy o di kaya magboksing ka na lang.

***

Ito ang mga senador na iboboto ko. Wala silang kaso ni katiting na katiwalian. Una, DANTE MARCOLETA, abogado yan; VIC RODRIGUEZ abogado rin yan; HARRY ROQUE international lawyer; TRIXIE CRUZ ANGELES, abogado rin; SAL PANELO, abogado rin; LORRAINE BADOY, doctor yan; at WILLIE ONG, ang pinagkukunan ko ng mga payo kung ano ang gawin bilang isang pasyente. Personal choice ko ang mga sumusunod: CONGRESSMAN SAMMY LAYNES, GOVERNOR PETER “BOS TE” CUA, VG OBET FERNANDEZ, SP FRED BENEDICT GIANAN, VICE MAYOR ROSIE PANTI OLARTE-VIRAC, FRED GIANAN SB-VIRAC at JOSEPH “BOBOY” CUA for Mayor VIRAC.

*****

Nasaan na nga kaya ang bilyon-bilyong halaga ng flood control projects na napunta sa mga buwaya? Walang masabi sila tungkol sa ipinagyayabang ni Marcos na flood control projects. Bilyon-bilyon ang halaga niyon pati Philhealth niyari pa sa halip na sa mga kababayan natin na mga maysakit pati mga OFW na tinaasan pa ang singil. Grabe talaga ang administrasyong ito. Ito ang pinaka-worst sa lahat ng administrasyon. Nakawan dito, nakawan kahit anong mananakaw at walang pinipiling oras basta pwedeng nakawin, magnakaw ka na maski anong oras, parang survival of the fittest.

*****

Sana sa bagong mga senador na ito na pinagungunahan ni Marcoleta, mawawala na iyong mga walang kuwentang senador at mga congressman na puro mga buwaya, puro mayayabang, puro mga grandstander na ayaw nang pagsalitain ang mga resource persons. Gusto sila na lang ang magsasalita, mga wala namang natapos na degree paris ng pangulo natin na undergrad, dinadala lang sa pagka-arogante ang lahat.Tama si VP Sara. Bakit ka ng naman pasasakop sa isang undergrad? Isang malaking insulto na tapos ka magpapagamit ka sa isang undergrad. Sa ngayon lang insulto sa mga Pinoy na tapos ng apat na taong kurso, tapos ang senador mo ang natapos Batang Quiapo, Alyas Pogi, Leon Guerrero at mga plunder cases.

*****

Lalong nakakahiya yong congressman ka, wala ka namang nagagawa sa Kongreso kundi magsuot na salamin na may kulay. Pagkatapos matutulog ka dahil hindi mo naman alam ang pinag-uusapan ng mga kasama mo. Naghihintay ka lang na abutan ka ng allotment sa project mong ang pagkakagawa ampaw at substandard. Pwe, nabubuhay ka pang buwaya ka!! Dapat sa iyo nasama ka na sa baha noong bagyong si Kristine!! Pero hindi bale dahil lahat ng ilog na may buwaya lalasunin ko at tiyak makakinom sila ng lason, makakaganti ako sa pambubuwaya ng mga buwaya Ninyo, mga buwaya kayo!!!

*****

Ang totoo, wala namang young guns dahil ang totoo mayroong mga young crocs. Tingnan nga naman Ninyo, may young crocs pala, hindi ninyo sinasabi ang dami na palang young crocodiles sana naisama natin sa baha ang mga young crocodiles na ito, at sana hindi na ito dumami pa. Tingnan mo ang mga young crocs, ang lalakas pa ng loob magsabing magresign si VP Sara porke’t naambunan ng konti ng budget ng bansa. Baka nga budget pa ng flood control yan. Bakit, kayo ba ang naglagay kay Sara as VP? Kapal ng mga mukha ninyo?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading