TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NAMUMUONG LABAN NG CHINA AT USA

Ngayon ay nasa bingit na tayo ng malaking digmaan sa pamamagitan ng naglalakihang puwersa ng China at USA. Away ng superpowers at nasusuong tayo na sa totoo lang hindi natin ito away. Nasasabit lang tayo sapagkat sumasabit tayo o suimisipsip tayo sa bansang hindi naman natin kaanu-ano, na tanging hangad lang ay magamit tayo sa sarili nilang interes lang. Masakit ito, akalain mong masusubo tayo sa giyera dahil sa kapakanan ng iba. Makikipagpatayan tayo sa interes ng ibang lahi dahil iniisip nating matutulungan tayo. Iniisip nating matutulungan tayo, iyon pala sariling kabutihan nila ang talagang sadya. Nakikikabit tayo sa isang superpower kaya akala natin super na rin tayo, iyon pala super-sipsip. Kung hindi nga kay Duterte, hindi mababawasan ang insurhensiya sa atin tapos sinasabing superpower tayo. Ang totoo, isang bagsakan lang tayo sa China, hindi na babalikan, todas na tayo. Pruweba, ilang taon na ang CPP-NDF na hindi Makaya-kaya ng gobyerno natin, tapos ipagmamayabang natin na Pilipinas soon to become a superpower in Asia kuno? Nakakahiya! Insurgency nga hindi matapostapos sa atin, papangarapin pang maging superpower. Hindi nga mapababa ang presyo ng mga bilihin sa atin, mag-aambisyon pa ng mas mataas. Sa kayabangan at kahambugan magaling tayo, iyan ang totoo.

*****

Akalain niyo, 110 milyong Pinoy isusubo sa digmaan at gusto tayong igaya sa Ukraine na milyon tao ang namamatay dahil sa walang katuturang digmaan? Tayo naman ngayon ang ipapahamak dahil sa walang kuwentang pamamalakad ng ating mga lider. Sa totoo lang, pasubo ang mga lider natin. Walang alam sa ngalang diplomasiya. Ang alam lang magyabang, grandstanding para sabihing magaling siya at puwede ng mag pangulo. Diyan magagaling ang mga lider natin at ipagyabang na ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa ibang bansa at ipagmayabang na sila ay maraming proyektong naipagawa pero panay mga ampaw naman at hindi matapos-tapos gayong meron namang pondo at patapos na ang termino nila. At sa totoo dahil sa kaguluhang ito sa mundo, marami ng pamilya ng mga lider kuno natin ang nagtakbuhan na sa ibang bansa para takasan ang maaring mangyaring malaking gulo. Sabi ko na, ipapahamak lang tayo sa gulo ng mga lokong ito. Tayo ang maiiwan dito at tayo na naman ang kawawa at ginawa lang tayong pain ng mga hudas sa lahat ng kahudas-hudasan. Maganda sanang sila mga lider natin ang gawing pambala sa kanyon. Of course, hindi ko nilalahat dahil may mangilan-ngilan namang nagtatrabaho nang matino na hindi nagmamayabang na ang kanilang mga anak nag-aaral sa ibang bansa.

*****

Sabi ko nga may dahilan si VP Sara sa pag-resign niya bilang DepEd Sec. Ano pa nga naman ang saysay ng pananatili niya sa partido n Marcos gayong ang barkong sinasakyan nila ay palubog na? Palubog na at bankarote pa, anong mapapala mo diyan? Ang kalalabasan niyan madadamay ka pa sa isa sa mga malulunod. Kaya habang maaga pa, sumibat kana at paghandaan na ang mga susunod mo pang mga laban, dahil sa totoo lang ang dami mong kalaban na mga epal. May nagbebenta ng bigas na bulok, hahaluan lang ng bagong Molino, ayos na. Parehas din yang ginagawa ng mga pamilya ng mga senador, mga congressmen na safety bna sa ibang bansa tumakbo na dahil malamang magkagulo na sa atin. Ang totoo kung hindi mga kupal ang mga lider natin, hindi tayo masasama sa kaguluhang ito. Hindi kaya sumubra ang pagiging sipsip natin?

*****

Naghahanda na ang China laban sa USA at inihahanda na ang armada ng magkabilang bansa. Ang number 1 target ng China ay ang Taiwan at sabit tayo sa ayaw natin sa gusto dahil nakakabit tayo sa USA. Ang USA ay nag-blockade na sa buong bansa ng Taiwan. Kaya sa totoo lang ang buong paghahanda ay gawin na natin tutal magagaling tayo, di ba? Ang totoo talagang sabit na tayo at ihanda natin na kunin ang mga mayayabang nating lider at gawing pambala sa mga kanyon para mawala ang kayabangan nila.

*****

Ibang klase ang style ng mga pulis kung ma-checkpoint sila gamit ang mobile ng pulis, nakabalagbag ang mobile at puwedeng makaaksidente ng sasakyan. Mali daw ang style na ito, sabi ni Cong. Bosita. Minsan may isang pulis ang nanghuli ng rider pero walang paniket kaya ang ginawa kinuha ang lisensiya kaya hindi makabiyahe ang driver. Ang sabi ni Cong. Bosita, mali ang ginawa ng pulis.

*****

May isang magaling sa bilyar na isang babae at tinagurian siya ngayon ng magagaling sa bilyar bilang tirador ng Davao. Hindi ko lang malaman kung ito ay 15 years old na o 18 years old kasi ang bata pang tingnan pero ang isa, si Jaybee Sucal, ay 13 years old at ang gagaling nila. Pero hanga talaga ako kay Rica Rendal accurate ang mga tira sabi nga hindi pa tumitira pasok na ang bola ng bilyar. Magaling talaga at sa napakababatang gulang mga mahusay na sila sa nasabing laro. Ang magaling pa rito hindi natatakot si Rica Rendal na kalaban niya ay isang lalaki.

*****

Tatlong Duterte ng kakandidatong senador, paris din ng Marcos na halos buong pamilya nila nasa pulitika. Una si Ferdinand Marcos, Jr., pangalawa si Sen. Imee Marcos, pangatlo si Sandro Marcos, mga kamaganak pa at anak ni Imee, Martin Romualdez, asawa ni Romualdez, Alfredo Romualdez, asawa nito na si Gonzalez. In other words, halos buong angkan ng Marcos at Romualdez nasa gobyerno. Duterte, tatlo lang at iyong dalawa nagbabalak lang. Talo ang mga Duterte dahil hindi nila hawak ang pera ng bayan.

*****

Matatapos na ang term ng mga congressman pero mga project nila nakatengga pa rin. kailan kaya mayayari ang mga proyekto nila? Dadalawa lang ang proyektong nakikita ng publiko, nakatengga pa. Kailan kaya ito mayayari kung sabagay noted naman ang DPWH-congressman sa mga hindi nayayaring proyekto. Sana naman mayari na ang mga proyektong ng DPWH-congressman, kasi matatapos na ang term ng congressmen hindi pa tapos ang mga proyekto.

*****

Sammy Laynes, handang lumaban kahit na sinong lumaban sa kanya. Handa raw siya anuman ang gagawin ng makakalaban niya. Huwag lang daw dadaanin sa maruming paraan dahil lahat daw ng naging laban niya ay dinaan niya sa matuwid na laban. Ganoon din sa laban ni Boss Te, basta ang laban ay malinis, laban siya at kung nagbabalak man ang kalaban ng hindi Maganda, ang nasa itaas na raw ang bahala sa kanila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading