Grabe ang galit ng mga kongresista nang sabihin ni dating Pang. Duterte na ang pinakabulok na institusyon sa bansa ay ang kongreso. Ilang beses akong nag-isip kung totoo ang bagay na ito at napagtanto ko sa bandang huli na totoo nga. Kasi makailang beses mo mang isipin, lumalabas na totoo ang mga bintang nila. Pero hindi lahat, meron namang kung tumira iyong nag-iisip ng konsensiya pero ang ilan sa kanila talagang walang konsensiya lalo iyong mga baguhan at nagpupumilit makabawi sa mga nagastos nila sa nakaraang eleksyon. Anong konsensiya? Ang importante kumita para may panggastos sa susunod na eleksyon. Ganyan ang mindset ng mga tunay na kawatan sa pulitika. wala nang konse-konsensiya. Ugaling sa magnanakaw ang nasa isipan at may sa demonyong kaisipan. Ganyan din ang kaisipan ng mga botanteng walang konsensiya, may ugaling magnanakaw at demonyong kaisipan. Tabla ang ibinoto at binotohan.
*****
Gusto ng Kongreso na i-impeach si VP Sara sa anong dahilan pero ang sabi ni VP Sara baka sila ang ma-impeach kasi nga naman karamihan sa nai-impeach dapat may maliwanag na kadahilanan, ika nga mayroong probable cause. Pero dahil mainit ang Kongreso kay VP Sara kaya maaaring ituloy ang binabalak nila at diyan magkakaalaman kong sino ang sino at kung sino talaga si Tambaloslos sa buhay ng mga kongresista. Tutal naman, nagkagastos na 40 milyon bawat kongresista raw para sa demolition job kay VP Sara. Ituloy niyo na tutal nasimulan nyo na at para makita kung sino ang sino, puro baga kamo maorag. Sige nga, mga oragon!!
*****
Ang pinag-iinitan nila ngayon nang husto si Duterte tungkol sa ginawa nito laban sa drug war noong si Duterte pa ang nanunungkulan bilang pangulo ng bansa. Ang sabi ng personal na abogado ni Duterte na si Panelo, wala raw karapatang maglitis ang ICC dahil matagal na tayong hindi member ng ICC kaya hindi sila pwedeng manghimasok sa ating soberanyang bansa. Ang masigasig lang naman ay si sundalong kanin at si dating senador de Lima at ang kamatayan bloc at ang human rights advocates at mga biktima ng karahasan kuno pero ang nakapagtataka, hindi nirereklamo iyong mga pulis na nangamatay sa karahasan ng mga kaliwang grupo.Libo-libo ang nangamatay dahil sa insurhensiya, bakit hindi nila pinakikialaman?
*****
Kung may kaso kayo at gustong imbestigahan ng Senado, huwag na kayong haharap lalo iyong mga bastos na senador ang makakaharap ninyo. Kasi ang nangyayari diyan, grabeng bastusan, Nandiyan ang tatawaging tanga ang abogado ninyo, tatawagin ang mga resource persons na gago, ulol, ugok, at kung ano pa na hindi dapat itawag sa isang tao kumbaga pang hayop lang pero ang ipinatawag mga tao at hindi nararapat tawaging ulol, tanga, gago, sira-ulo. Ang mga nagtatanong mga kagalang galang at honorableng senador at honorableng kongresman. Ang galing na mga kongresman at mga senador pero saan ka, ang nakakatawa diyan ni hindi nga tapos ng college ang ilan dyan. Dinadaan lang sa kasikatan ang laban at pabida at pa-radyo-radyo lang.
*****
Sa laro muna tayo. Naisahan ang coach na si Tim Cone nang talunin ang Ginebra sa score na 93-91 ng Magnolia. Ang sabi nadaya daw sila pero ang sabi ng referee panalo ang Hotshots kaya wala silang magawa. Sa laban, referee’s decision is final. Hindi dapat baliktarin ni Marcial dahil hindi siya referee. Tanging referee lamang ang puwedeng makapagbago ng decision at hindi ang kung sino.
*****
Binato ng ball pen ang isang resource person ni Sen. Raffy Tulfo nang wala sa lugar. Iyan ang sinasabi ko kaya hindi maganda ang pupunta ka riyan na walang handa ang sarli mo. Pano na lang kung tinamaan sa mata iyong tao? Di nabulag. Tama ba iyon sa isang iginagalang at pinagpipitagang senador ng bansa? Bastusan na diyan kaya kailangan handa ka kung sapilitan kang papupuntahin nila. Ang malungkot diyan pag nagkamali ka ng sagot, ipapakulong ka nila hanggat sa gusto nila kasi nga mga senador at kongresman. Magtiis kayo, ibinoto nyo sila.
*****
Sabi ni VP Sara, irespeto raw ang sinabi ni PBBM tungkol sa sinabi nito tungkol sa ICC. Tungkol sa nilulutong resolusyon ng kongreso na pinangungunahan ni Speaker Romualdez, ayon sa balita medyo nilangaw daw ito. In other words, walang nangyari sa resolution ng kongreso. Mahirap nga naman na kakalabanin mo ang dating amo mo lalo na may balak din si Duterte bilang Vice President kaya o senador.
*****
Nag-travel na naman ang PBBM at mahigit bilyong piso na naman ang nawala sa ating kaban ng bayan. Marami pa marahil darating na pagta-travel ang ating pangulo at ang kanyang grupo at kung ilang bilyong piso pa ang magagastos sa mga lakad niya at kasama ang tropa. Tutal, marami pa namang bigas, nasa beinte pesos na hanggang pangako lang. Ibibigay lang pag patay na ang kabayo.
*****
Maganda ang nag-aaway tungkol sa pulitika, nakakalimutan ang mataas na presyo ng mga bilihin. Lalo na ang basic na pangangailangan ng mga tao at pati pagta-travel ng ating mga government officials. Hindi nila alam nauubos na ang bilyon-bilyong pera ng bayan. Kaya sige, mag-away lang kayo at maya-maya magta-travel na naman. Ang sarap kaya mag-travel kasama ang grupo mo, gamit ang kuwarta ng bayan.
