Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

NAG-AALBUROTO ANG BULKANG MAYON

Ang Daragang Magayon (Bulkang Mayon) ay nagagalit na naman daw nang hindi mo maintindihan kung ano ang ikinagagalit. Pag nagagalit ang isang tao, tiyak na may dahilan iyan. Ang problema, si Magayon ay hindi isang tao at sabi nga wala naman daw buhay ito pero sabi ng mga tao nagagalit daw ito at nag-aalburoto na para ding tao at higit pa sa tao kung magwala at magalit. Kung sa tao, pasensiyahan. Kasi pag nagalit, nagwawala talaga at walang habas. Kaya tayong mga tao, nagpapasensiya na lang. Pasensiya na po tayo, mahirap kalaban ang kalikasan.

*****

Hanggang ngayon, hindi pa rin malaman kung nasaan napunta iyong halos isang tonelada na nakumpiska ng mga pulis sa isang malaking sindikato. Ang maririnig mo lang sa mga pulis na nanghuli ng shabu sa imbestigasyong ginawa ng Senado, I invoke my right to remain silent. Karapatan ng isang nasasakdal lalo kung malakihang kaso. Ano nga naman ang magagawa ng isang imbestigador sa isang tao na ayaw magsalita? Karapatan ng isang tao ang manahimik at iyon ay nasa batas pero iyong sabi ng dating Pang. Duterte na isakay sa helicopter at doon pagsalitain ang tao at pag ayaw magsalita ihuhulog siya, ibang style naman iyon. Bawal iyon dahil ang tawag doon ay pulis brutality. Ginagawa iyon ng mga pulis!

*****

Delikado ang lagay ng panahon ngayon, puro mga siraulo bawat lider ng bansa. Puro pansariling kapakanan ang iniisip nila. Tingnan ninyo ang nangyayari sa Ukraine at Russia, panay pansariling kapakanan, hindi nila iniisip ang kapakanan ng kanilang sariling mamamayan. Ang susunod diyan ang Amerika at ang China. Tayo ang nakakatakot dahil nakakabit tayo sa Amerika, hindi natin magawa ang maging neutral. Tayo ang ginagawa natin, ang una pang dadalawing bansa ay Amerika, ang bansa na special sa Pilipinas. May kaugnayan tayo sa Amerika at pag giniyera tayo ng China, ang unang target nila tayong mga Pilipino dahil may kasunduan tayo sa Amerika pero kung wala, malamang hindi tayo pakikialaman ng China. Mahilig magtapsok ang Pilipinas kaya napapahamak tayo.

*****

Dalawang CPP-NPA-NDF ang sumuko sa mga militar pagkatapos na makaranas ng grabeng paghihirap sa grupong nasapian nila. Mahirap talaga kalaban ang gobyerno sa lahat ng bagay puwera lang kung gusto mong magpakabayaning patay. Kasi magpapaka-Superman ka diyan talaga dahil kung hindi magiging maaga ang buhay mo. Hindi magtatagal ang buhay ng mga bayani. Lalo sa ngayon kung gusto mong humaba ang buhay mo, kailangan magulang ka pero sa mabuting paraan. Mahirap gawin pero magagawa mo tulad na lang ng dalawang CPP-NPA-NDF na ito nang maramdaman nilang niloloko lang sila ng mga kasama nila, tumiwalag sila for good at inatupag ang tama sa kanila.  Ngayon buhay sila at niyakap ang makabubuti sa kanila.

*****

Champion ang Denver Nuggets sa NBA, tinalo ang Number 8 na Miami Heat. Ang bida si Nikolai Jokic at maganda ang laban. Sayang nga lang at maikli lang ang naging laban nila. Medyo hindi ginanahan ang mga mahilig sa larong basketball. Ang masama lang kapag na sanay ka sa panonood ng NBA, parang ayaw mo nang manood ng mga lokal na laro tulad ng PBA at iba pang lokal na mga laro.  Mga kababayan tangkilikin naman natin ang sariling atin dahil paborito nating laro ito kaya mahalin natin. Atin ito!

*****

Naghihintay na lang ng oras at pipirmahan na ni PBBM ang batas magbabalik sa dating apat na taon lang ang high school at hindi na 6 na taon iyong tinatawag na K-12. Kaya mga nasa high school, magsaya na kayo dahil balik na sa dati ang pag-aaral ninyo ngayong taon. Pasensiya na tayo dahil ang mga lider ng bansa natin mga pasensiyahan, hindi makapag-isip ng tama. Tanging alam nila pansariling kapakanan, hindi iniisip kung sa darating na panahon makabubuti pa ba ito sa mamamayan o hindi. Iyong mga mambabatas natin noon tira lang ng tira, basta sabihin ng pangulo na urgent ang nasabing batas tira lang sila. Kahit nahihirapan na ang mamamayan, basta ginusto ng pangulo, tira. Kasi gusto nga ng amo. Approved without thinking, ika nga!

*****

Ang isa pang siraulo ng mundo natin ay ang lider ng North korea na si Kim Jong Un na hindi mo maintindihan ang laman ng utak. Mayamaya lang nagpapasabog ng rocket na pangtunaw ng mundo. Malaki-laki na rin ang sira ng ulo ng taong ito at napakahirap ispelingin. Ang sira ng ulo nito medyo malala na at dapat nito ay nasa mental hospital na dinadala. Bakit kaya tayo ay mayroong lider na ganito? Sa halip na ang iisipin kabutihan ng mga tao nila, ang nasa utak nila iyong makasira ng ibang mamamayan. Pag ganito ang uri ng lider ng mundo natin hindi magtatagal magkakagulo ang mundo natin. Tulad ni Adolf Hitler pinairal ang kasiraan ng ulo niya buong mundo nagkagulo at maraming inosenteng tao ang nadamay.

*****

Nagwakas din ang EAT BULAGA sa GMA 7. Pero hindi ang Tito, Vic and Joey. Para sa akin, tama lang iyon dahil nakakaumay na. Sa kabila naman iyong puro bakla, mabuti siguro magsilayas na kayong lahat nakakasira lang kayo ng modo ng tao. Iyong bago naman para maiba naman, hindi katulad ng dati at dati pa rin, suya. Baguhin naman iyong dating mukha, babaguhin lang ng buhok pero iyon pa rin. Niloloko niyo lang ang mga tao, mga tarantado kayo. Umisip kayo ng mga bagay na may mabuting matutunan ang mga tao. Ang mundo natin mundo na ng mga bakla kaya tuloy pati decision ng korte natin, nagiging decision ng mga bakla na rin. Hawa-hawa na siguro. Wala nang matino. Puro na gawang sira ulo!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: