Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

DELIKADO SA BANSANG SUDAN

Patuloy ang bakbakan sa bansang Sudan kung saan maraming Pinoy ang nananahanan doon dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa. Abot sa 700 plus mga Pinoy ang nananahanan doon at napakadelikado ng kanilang kondisyon doon. Mabuti at kumikilos na ang ating bansa para matugunan ang problema. Ayon sa balita, ang iba nating kababayan nagsisipuntahan na sa bansang ligtas sila tulad ng Egypt pero pansamantala lamang na silungan ng ating mga kababayan at kailangan talaga ang tulong ng ating gobyerno.  Ito ay emergency at kailangang kumilos tayo kaagad. Nauuso kasi ang kudeta sa kanila. Mahirap ito dahil ayon sa balita magkakaibigan dati ang naglalaban at nag-aagawan sa power ang dalawang panig. Mahirap talagang magtitiwala. Ngayon kaibigan mo, bukas kalaban mo. Parang sa atin, ngayon kaibigan mo, bukas kalaban mo. No permanent friend talaga, only permanent interests. No more, no less. Iyon ay sa mga taong traydor.

*****

Nakaroon ng lindol sa iba-ibang parte ng ating bansa. Dati bandang Agusan, ngayon naman sa bandang Mindoro at iba-ibang panig ng bansa. Tila nauuso ito ngayon at ang masama ay kung ang parte ng Maynila ay sumabit pa rin ng bigla. Sana naman sa awa ng Diyos ay huwag tayong masama dahil malaking problema pag ang Maynila ay nasama sa gulo. Sana ipanalangin ng bawat isa sa atin na lumampas tayo sa problemang ito.  Ito ang kinatatakutan ng bawat isa sa ating mga Pinoy at sana naman ay malusutan natin ito habang buhay.

*****

Malamang daw na ibalik sa dating nakagawian na nating buwan ang araw ng mga mag-aaral. Kung hindi ako nagkakamali ay buwan ng Marso at Abril at buwan ng Hunyo ang balik eskuwela. MAganda iyong dati dahil doon tayo nasanay at pati paghahanda sa lahat ng bagay ay nakagawian na natin. Aalisin na rin daw ang k-12 at balik na daw sa dati ang pag-aaral ng mga bata. Para tayong ginagago ng mga mambabatas natin. Nagkakalokoloko tuloy ang pag-aaral ng mga bata. Pabagobago ang lahat, hindi naman tayo umaasenso. Para tayong mga siraulo na kung ano ang gusto ng gobyerno, sunod tayo ng sunod lang dahil iyon ang batas na dapat sundin. Ang daming batas natin na puro kagaguhan lang pero hindi naman nasusunod dahil katararantaduhan lang. Minsan pa nagkakadoble dahil mayroong nasyonal at may lokal pa. Kaya hindi na alam ng mga tao kung alin ang susundin. Iyong batas ng mga gago o iyong batas ng mga sira ulo?

*****

Malamang mawala raw ang Tito, Vic & Joey o ang Eat Bulaga dahil sa problema nito sa loob. Sabi ang Eat Bulaga ay pag-aari ng mga Jalosjos at sabi nalulugi raw ito ng halagang 400 million pesos dahil daw sa dami ng advertisement pero nawawala daw ito. Hindi kaya dahil sa mga advertisement ng pamilya Sotto? Dapat nating malaman na ang pamilya Sotto, puro kandidato mula sa mga ama at mga anak. Tito Sotto at anak, si Vico Sotto anak, alangan namang libre iyon. Pagdating sa Negosyo, walang libre diyan. Pinakamalaki siyempre si Tito dahil mataas ang tinatakbuhan niya ganun din kay ang sa anak ni Vic Sotto. May punto ang manehamiento pero hindi natin alam ang lahat at isa pa problema nila iyon. Kung magsasara sila, wala tayong pakialam dahil sila ang may problema at hindi tayo. Good luck na lang sa kanila.

*****

Ang dami nang nasasangkot sa Degamo case pero ang nalulublob ng husto sa kaso ang nawawala na si Cong. Arnulfo Teves. Mahirap talaga ang lumalaban ka pero nagtatago. Pero kung buhay mo naman ang nakataya, tama ang ideya na forever magtago ka na kaysa naman patay ka na, pinag-uusapan ka pa. Mas mainam na pinag-uusapan ka pero buhay ka pa. Kaysa naman pinag-uusapan ka pero patay ka na. Di ba mas ayos iyong pinag uusapan na buhay kaysa pinag uusapan na patay na. Pag patay ka na walang silbi ang usapan diyan. Sana buhay pa si Juan, sana buhay pa si Pedro, sana buhay pa si Manoy, ngayon may silbi pa ba?

*****

Pagkatapos ng SK at Barangay Elections, susundan ito ng midterm elections. Mauuso na naman ang dayaan at tiyak ang kaguluhan, lalo’t sangkot ang mga lokal na opisyal at mga kongresman na magpapagulo sa lahat ng magulo sa mga eleksyon. Diyan ka makakakita ng dayaan sa pamamagitan ng kuwarta at ibang klase ng pandaraya. Ang uso diyan ay ang sabon, shampoo, mga papel, payong at iba pa pero habang bumubula pa ang sabon, iyan ang pinakauso sa lahat. Ang totoo, ang nagpapagulo sa ating gobyerno ay ang ating kongreso, Upper and Lower House. Malaking pera ang nakukuha nila at nahuhuthot sa mga tao na nauuwi lang sa mga substandard na mga project.

*****

Ang nagkampeon sa labanang Petrogas Angels at CCC, ang huli ang nananalo at hindi pa rin napapalitan. Hindi gaanong kagalingan ang team CCC pero magaling ito sa diskarte at talagang maaasahan. Ang totoo magaling ang ibang team pero natatalo lang talaga sila sa husay ng diskarte ng kalaban. In other words, kaunting pagbabago lamang sa style ng laro nila malalaman nila ang kanilang pagkakamali sa laro nila. Konting hilot lang malalaman na nila kung ano ang mali nila at iiwan nila sa kanilang bahay ang katangahan.Iyon ang sekreto diyan ang iwanan sa kanilang bahay ang katangahan. Ito ang muling magpapatalong muli sa kanila kung dala pa nilang muli ito.

*****

Dalawa nang malaking tao ang nawawala sa atin. Isa heneral at isa ay kongresman. Kaya ang mangyayari sa gobyerno natin, dadami ang pugante kasi mahihirap lamang sila at walang kakayahang magtago sa mayayamang bansa dahil walang pambayad sa bansang kukupkop sa kanila. Pero kung mayaman ka, walang imposible gamit ang kuwarta mo. Pero kung pordoy ka, manatili ka na lang sa preso at magtiis ka hangga’t sa ikaw ay mabulok at pagpistahan ng mga uod, ibon o iba-ibang klase ng mga hayop. Sa palagay niyo ba, pahuhuli pa sina Teves at Bantag? Si Lacson nga, lumitaw nang malapit na ang elekyon noon? Gagawin din nila yon.

*****

Lalaban daw muli si Pacquiao. Magugulat daw ang lahat sa laban ni Pacquiao dahil ang balita malaki raw ito at saksakan pa ng taas. Balita pa nga ay 7 footer daw ito at sobrang taas daw talaga nito. Magugulat daw ang lahat sa labang ito dahil mataas nga kalaban niya pero ito raw ay babae at ito raw ay babae at ang laro nila ay sungka. Biro ko lang naman ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: