Sabi ko nga ang dahilan ng paghihirap ng mga Filipino ay sobrang pulitika at pagkaloko natin dito. Almusal, pananghalian, meryenda at samahan pa ng hapunan, hindi pa rin kumpleto ang pulitika sa atin. Kahit na dagdagan pa ng dalawang snack, kulang pa rin. Dagdagan pa natin ng dalawang almusal, isang hapunan, dalawa pang hapunan, kulang pa iyan. Ganyan ang pulitika sa atin. Kung tutoo ang mga bintang kay Kong. Arnie Teves, kulang pa ang mga inilahad ko sa klase ng pulitika sa atin. Walang sinabi ang klase ng pulitika sa atin. Walang sinabi. Iba ang Negros Oriental at iba ang ugali ng mga Teves sa Negros.
*****
Kung pagbabasehan natin ang Senate investigation tungkol sa Degamo case, pinakamasama nang tao sa buong mundo ang pamilya Teves, lalo na si Kong. Teves. Magmula sa barangay captain, mga kagawad, mga pulis, abogado, mga piskal at mga judge ay hawak nilang lahat. Pag hindi sumunod sa mga Teves, patay silang lahat. Ito naman ay mga alegasyon lang ng kalaban ng mga Teves pero ang katotohanan ay wala pa. Pero kung matatapang talaga ang mga pulis at hindi nagpapasuhol, hindi mangyayari ito. Kailangan talaga natin si FPJ o si Leon Guerrero para masugpo na ang lahat na pang-aabuso sa ating lipunan o kaya maski si Darna na lang, huwag mawawala ang bato. Kung sabagay, marami namang graba.
*****
Kulang sa interpreter ang Senado. Hirap sila sa Tagalog na nga ang ginagamit nila, mali pa. Bisaya na nga, minsan mali-mali pa rin. Baka puwede aaplay ako kasi nakakaawa pakinggan ang mga testigo lalo na ang mga resource persons nila. Parang nauuso iyong sarsuela noon at moro-moro. Ang layo ng Senate investigaton sa talagang korte. Parang mga bata na hindi pa natatapos ang tanong ng isa, may magtatanong na naman. Kaya ang ginagawa nila, hindi kapanipaniwla. Parang kangaroo court dahil ang mga nagtatanong parang mga kangaroo. Ang tinatanong mga mataas ang natapos tapos ang nagtatanong ni hindi nakatapos ng high school sikat nga lang kasi artista pero senador. Pagkatapos iaakyat ang kaso sa korte. At korte ang magdedesisyon sa kaso. Laking gastos, wala namang katuturan.
*****
Ang kasong isinasampa kay Kong Arnie Teves lumalabas na hearsay lahat kasi mga Marites ang lahat na sinasabi ng mga testigos nila. Malabo pa sa malabong tubig ang mga sinasabi ng mga testigos, panay according to. Kaya tunay na Marites ang lahat. Lumalabas lang ang gawain nilang masama at pagmamalabis pero walang nagsasabi na nakita nilang si Teves ang namaril sa grupo ni Degamo at iba pang tao. Sa totoo nangangapa sa sa dilim ang mga prosecutor dito at pawang cirumstantial ang sinasabi ng kalaban. Nakakalungkot dahil ang habang panahon na ang nakalilipas, wala pa ring linaw ang lahat. Mga dati-dati at dating suspect pa rin pero wala pa rin silang makuha kung sino ang mastermind. Maski nga sa dayaan sa lotto, hindi nila alam kung sino ang mastermind, sa Degamo case pa kaya?
*****
Sinagot na ni Persida Acosta ng PAO si Raffy Tulfo pero hindi pinatulan masyado si Tulfo dahil napagtanto siguro ni ACosta na hindi nya ka-level ang kaharap niya at ni hindi niya dapat patulan ang isang hIndi nakatapos ng college na katulad niya na isang hepe ng PAO. Sa totoo lang, insulto sa isang tao na aasta kang marunong ka pa sa isang abogado na hindi ka pa tapos ng kurso sa kolehiyo. May punto rin si Tulfo pero ano bang mga alam niya tungkol sa mga batas natin? May mga technical na bagay sa batas natin at iyon ang hindi niya alam. Sabi nga, a little learning is a dangerous thing. Na totoo naman dahil akala mo alam mo na ang lahat, iyon pala ni wala ka pa sa pinag-aaralan mo. Nakakahiya, di ba?
*****
Ngayon ang bansang Sudan ay nagkakagulo na. Ang Sudan ay isang mayamang bansa sa langis at gas. Ito ay isang bansa sa Africa at maraming mga OFW doon dahil sa kakulangan nila sa technical knowhow ika nga. Ang problema kung ano ang gagawin natin sa mga Filipino na halos doon na nanininirahan. Pero magulo ang Sudan at gustong mahati sa dalawa, ang isa gusto ring maging independent state pero ayaw namang pahiwalayin ng mother country or state. Katulad din natin na gustong humiwalay ng Mindanao at gustong bumuo ng independent state of Mindanao na hindi naman pupuwede dahil ang liit na nga ng Pinas, mahahati pa. Ang problema nga kung papaanong mare-repatriate yung mga Pinoy na sa kabila ng kaguluhan, ayaw namang magsiuwi sa kadahalinang wala naman silang trabaho pagdating sa Pilipinas.
*****
Sa lugar ng mga Teves, lumalabas na sila ang diyos-diyosan doon at ang pinaiiral nila ay tapang at kuwarta, impluwensiya at maruming diskarte para makuha ang lahat. Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Sen. Bato dela Rosa. Pero ang masakit sa lahat ay ang katotohanang ang mga pulis na dapat silbihan at protektahan ang mga tao, sila ay hawak din ng mga Teves gamit ang kapangyarihan at salapi. Masaklap dahil dapat poprotektahan ang mga tao pero kabaligtaran ang nangyari dahil nasisilaw sa pera ng mga Teves ayon pa rin sa imbestigasyon ng Senado. Sana hindi totoo ang imbestigasyon ng Senado?
*****
Malapit na naman ang Barangay at Sk Elections. Ang schedule nito ay sa Oktubre 30, 2023. Ang qualification nito ay halos pareho ng dati. Walang masyadong malaking pagbabago basta natural-born Filipino Citizen ka, fight na at baka mahuli ka sa laban. Ang first qualification ng gustong maging kapitan, mayroon kang kuwarta. Dahil kung wala kang pera, tumigil ka na dahil mahal na ngayon ang lemon grass sa palengke. Bukod sa mahal na ngayon ang lemon grass, mahirap nang hanapin. Ang magandang balita, kung pagtutuunan ng pansin ang Barangay Charter ng kongreso na tataasan ang suweldo ng mga kapitan at mga barangay kagawad. Ang hirap, malaking budget ito at hindi papayag ang mga kongressman na may malaking kahati sila sa budget. Remember, ang isang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.