Ang madalas tinatalakay ngayon sa Senado ay tungkol sa mga tiwaling pulis. Mga taga-PDEA pa at hindi lang basta-basta dahil matataas ang ranggo, mga heneral pa, at ang sangkot na halaga malulula ka dahil bilyones ang halaga. Siguro iniisip ng heneral, sana kung magnanakaw din lang, yong panghabambuhay na para ‘biyo biyo na.’ Tutal, mayayari din lang. Tutal, paldo ka naman, di ba? Maraming siraulo sa mga pulis. Dumadaan naman lahat sa Neuro pero mga siraulo pa rin. Pagdating kasi sa kuarta, nasisira ang ulo ang tao. Lahat ng tao, pag kuwarta na ang pag-uusapan, lahat ng kamada nasisira na. Kahit na kapatid, kamaganak o ano man, basta kuwarta na ang pag-uusapan, tiyak sira na ang kamada.
*****
Ngayon ay tiyak na masaya ang mga public school teachers dahil lahat ng bagay sa kanila na hinihingi ay ibinigay na ng gobyerno. Kung noon, mga pulis lang ang focus ng gobyerno, ngayon ay mga teacher naman. Binabalanse talaga ng gobyerno ang lahat. Kung ganyan ang takbo ng gobyerno natin, balang araw magiging maganda ang bansa natin. Ang problema na lang ang Kongreso na punong-puno ng mga mandurugas. Sana mawala na ito. Ginawa na ito ni Marcos noon pero hindi tinanggap natin at in-embrace natin ang bumalik sa pekeng demokrasya. Tuloy nagkaloko-loko at lumabas ang totoo. Tama ang sabi nila, tayong mga tao ang mali, tayo ang dapat sisihin dahil sa pagiging uto-uto natin.
*****
Sa Oktubre ay elekson na naman at panibagong lokohan na naman ang magaganap. As usual, iyong maraming bibigyan ng pera ng kongresista at gobernador at iba pang pulitiko ang siyang mananalo,. Ang walang pera, magtanim na lang ng tanglad. Alam natin ang talagang kalakaran kaya masanay na tayo. Kung wala kang pera, manahimik ka na lang. kung may kuwarta ka, ipagyabang mo pero kumapit kay kongresman o kay gobernadora kasi kung hindi, kulelat ang aabutin mo. Kaya kailangan pa rin ang diskarte para ka manalo. Pero ang higit sa lahat, ga-suropay ang perac mo. Pero kung katorse pesos sana ang perac mo, better go home and plant tanglad at kikita ka pa.
*****
Ang pinagsusumikapan ni Sen. Robin Padilla ay tungkol sa ChaCha. Akala siguro niya madali lang makakaray niya ang ma kongresman at mga senador. Kung inaakala niyang kaya niyang lahat sa kabila nang bago lang siya at sikat siyang artista, iyan ang malaking pagkakamali niya. Dahil ang sinusunod diyan ang gusto ng nakararami. Hindi diyan sinusunod kung ano ang gusto mo dahil sikat ka at magaling ka bilang sikat na artista. Ang sinusunod diyan ang gusto ng nakararami na mga mandurugas at ayaw maalis sa puwesto. Gets mo Robin? Marami pang bigas ang uubusin mo bago matutunan ang kalakaran diyan na punong-puno ng katarantaduhan.
*****
Ayon kay PBBM, sapat ang supply ng bigas sa taong ito. Hindi tayo kukulangin ng supply ng bigas kaya wala raw tayong ikabahala. Kung sakali mang kulangin tayo, naririyan ang buhangin at hindi tayo kukulangin at matagal pa ang gutom nito. Biro lang ito pero ang problema ang presyo ang talagang problema kaya pagsikapan nating mapababa ang presyo nito. Huwag ang presyo lang, ang importante ang presyo masyadong mataas at kailangan nito ay bumaba para abot kaya lalo ng lahat.
*****
Sangkot ang malalaking isda na mga pulis sa huli nila ng isang taon. Kanya-kanyang turuan ang mga Ninja Cops. Sa madaling sabi, walang gustong umamin kahit ang totoo buking na sila. Ang Maganda, binibigyan pa sila ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili. Ang nakakahiya ang tungkulin nila ang protektahan tayo pero iba ang ginagawa. Ang sarili nila ang pinoprotektahan sa pamamagitan ng pagbebenta ng huli nilang mga shabu.
*****
Inihahanda ng gobyerno na kung sakali magkaroon ng emergency dahil sa pagigirian ng China at Amerika na ang sangkot ang Taiwan. Tila mainit ang China at pag nagkataon sabit na naman tayo dahil sa EDCA na kung saan agreement ito ng Amerika at Pilipinas. Just in case na hindi mapigil ang China, wala tayong magagawa kundi ipagtanggol ang sariling atin. Damay tayo dahil ang Amerika ay kakabit natin.
*****
Ang China at Davao ay nagkaroon ng kasunduan na bibili ng durian sa mga taga-Davao. Ang kasunduan na pirmahan ay ginawa ng ambassador ng China at pamahalaan ng Davao. Tuwang-tuwa ang mga taga-Davao dahil puwede na silang magkaroon ng sariling market. Ganoon din ang China dahil masarap daw talaga ang uri na durian. At ang sigaw pa nila, isunod pa ang guyabano, mangosteen, at iba pang prutas na sagana tayo.
*****
Tapos na ang mahal na araw kaya ang susunod ay murang araw. Mura dahil ang lahat ng mga paghihirap ay natapos na rin kahit maiksi lamang. Kaya ang lakwatsa ay tuloy pero huwag pababayaan ang pag-aaral at lalo ang pagtatrabaho. Biro ko lamang ang mga iyon tungkol sa mahal at murang araw. Walang murang araw. Mahal meron. Mahal natin ang Diyos kaya merong Mahal na araw.
–