Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

AYAW BUMALIK NI CONG. TEVES

Ayaw nang bumalik ng Pinas ni Cong. Arnie Teves dahil sa pangamba sa buhay niya na baka sumunod siya kay Gov. Degamo. Pero kung matapang siya, kahit sinong demonyo haharapin niya anuman siya, halimaw man o demonyo, dahil nakataya ang mga buhay ng pamilya niya. Sa ibang salita, sarili lang ang iniisip niya.  Ang taong matapang lahat hinaharap ki halimaw o demonyo. Sinupaman haharapin ko maski sampu ang sungay niya.

*****

Ang pinupuntirya ni Sen. Tulfo ay mga pulis na pasaway sa kabila nang tinaasan na ang suweldo nila. Mabuti na lang may isang Tulfo sa Senado na kinakampihan ay mga mahihirap at hindi mga pasaway na pulis o mga empleyado ng gobyerno na tanging alam ay manglamang ng mga mahihina ang kapit sa goyerno. Ngayon lang tayo nagkaroon ng senador na lumalaban para sa mahihirap lamang.

*****

Saan ka naman nakakita ng pulis na ang kaso pumatay ng mamamayan, mang-kidnap, mang-rape, manghulidap, nagbebenta ng shabu, pumapatay para lang kumita at iba pang bawal sa batas? Sila ay itinalaga upang magsilbi at protektahan ang mamamayan at hindi para pagsamantalahan at dugasan nila. Ang pulis at mga sundalo ay itinalaga para alagaan at protektahan tayo at hindi para patayin ng walang kalaban laban tulad ng ginawa sa kay Gov. Degamo at mga kasama niya.

*****

Wala na tayong mapuntahan para tayo ay matulungan man lang. Kung lalapit ka sa pulis, baka mamamatay ka o baka mabiktima ka pa ng hulidap o baka taniman ka ng shabu o bala. Kung sumapi ka sa NPA, patay ka at bawal. Saan tayo lalapit at kanino, sa mga senador natin na mga kayabangan lang ang alam? Mag-isa lang si Raffy Tufo at hindi naman siya pulis na itinalaga ng gobyerno.

*****

Natatakot ang mga kongresista sa ginawang pagpatay kay Gov. Degamo. Kasi nga natatakot sila na baka sila ang isunod na patayin. Kaya ang pagkondena nila ay ganoon na lamang. Imagine, mga tagapagtanggol ng batas siya na ang nagpapatupad at sa maling paraan pa. Kaya kung hindi nila mahuhuli ang iba pang mga salarin. Malaking kaguluhan ito sa bansa natin. Kaya sa ngayon pumapalakpak ang mga rebelde dahil iniisip nila na ang mga kalaban ay nagpapatayan nang sila-sila. Kaya sana dapat malutas kaagad ang kaso. Dahil kung hindi, malaking blackeye ito sa pamunuan ng gobyerno.

*****

Kamakailan ay masaya kong nakausap ang dati kong mga kasama sa opisina. Ang sasaya nila bagamat sabihin na nating isa-isang silang nawawala dala ng pagtatanda ng mga tao o dala ng pagkakasakit at iba pang mga bagay na siyang nagiging dahilan ng pagkawala nila. Sila ay tao lamang na nawawala sa mundong kanilang ginagalawan. Bukas o makalawa ay mawawala tayo at iyon ay hindi maiiwasan tulad nga ng sabi ko sapagkat tayo ay tao lamang at role natin sa mundo ay tapos na at nagampanan na. Enot inotan sana ang laban. Dae nin maorag diyan, puro matigbak.

*****

Ang mundo natin ay masyado nang magulo. Ang bawat isa ay hindi na sigurado ang buhay na baka bukas makalawa ay tayo naman ang matulad kay Gob. Degamo na yayariin basta na lang ng kung sino nang walang ano-anu. Imagine, bukod kay Degamo, may walong iba ang nadamay na mga walang malay at 17 pang sugatan at nagpapagaling ngayon sa mga hospital sa Negros Oriental. Kung pulitika ang dahilan sana, iyon lang mga pulitko ang ubusin nila huwag namang idadamay iyong hindi pulitiko. At saka kaya nga pulitika dahil pulitiko lang ang usapan tapos magpapatayan? Pulitika pa ba ang tawag diyan?

*****

May magandang awitin ngayon si Lady Gaga na naaantig ang puso ko at ng lahat ng nakikinig dito. Ang kanta ay napakaganda at nakakikilig ika nga. Ngayon masasabi nating it’s the singer and the song combined, not just the singer. Kasi it’s the singer not the song pero ngayon iba na it’s the singer and the song na pinagsama. Sobrang ganda talaga at malulula ka sa ganda. Ang pamagat ay “Always remember us this way.”

*****

Isa sa pinag-uusapan sa Senado ay ang sobrang taas ng singil sa kuryente. Lalo na siguro ngayong magsa-summer na. At siguradong ang taas ng mga bayarin sa kuryente dahil sa taas ng singil. Ang masaklap pa rito pag pumalya ang lahat dahil sa sobrang pangangailangan natin sa kuryente. Ang masaklap dito ay baka magkadiperensiya ang makina ng mga kooperatiba na madalas nasisira noon. Sana gumanda na ang takbo ngayon para ang pag-usapan na ang magandang takbo ng kuryente. Palagi na lang wala.

*****

Mga usapan sa Senado ang tungkol sa mga gawain sa immigration. Binanatan ni Bato dela Rosa ang in-charge ng immigration. Uso kasi doon ang mga kalokohan na hanggang ngayon ay gawain pa rin. Sana matigil na ang lahat ng kalokohang dito. Kung Ang diperensiya ay mga opisyal, di mawala na sila para matigil na ang lahat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: