Tila marami ang minalas sa bansang Turkey dahil sa malakas na lindol na dumaan sa kanila. Ang masaklap ay may mga kababayan pa tayong nadamay sa kamalasan ng mga taga-Turkey. Wala tayong magagawa kundi ang taos sa pusong pakikiramay sa mga nauila at sa mga namayapa dahil hanggang doon lang ang kaya natin. Ang masakit pa doon ay naghahanapbuhay ang ilang mga kababayan natin. Pero ano nga bang magagawa natin? Umasa na lang tayo sa gobyerno dahil sila ang may kakayahan ng lahat..
*****
Dalawang Hapones ang ide-deport dahil sa katarantaduhan nila. Buti pa sila ipade-deport lang pero kung Pinoy yon, lalo sa Saudi, pugot ang ulo noon. Iba-iba ang batas na pinaiiral kaya nakakasira ng ulo. Siguro dahil wala tayong kasunduan sa kanila o maaaring iba ang batas nila. Ano kaya, gayahin din natin ang batas nila? Siguro madugo, ano? Pero marami ang matitino. Paris ngayon, marami ang magnanakaw, mga kongresman pa, halos lahat ng nasa gobyerno magnanakaw. Siguro marami ang matino? Kasi nga wala silang ulo o maaaring walang mga daliri?
*****
Maraming mga aksidenete ang nangyayari ngayon. Ito ba’y kapabayaan ng goyerno o kasalanan ng mga tao? Parehas siguro? Maraming mga siraulo sa gobyerno, lalong marami dahil may mga pinag-aralan pero gumagawa pa rin sila ng kawalanghiyaan. Kaya mas siraulo sila. Maiiwasan kung ang lahat ay matitino at ang lahat ay susunod sa tamang patakaran at ang lahat ay susunod sa tamang batas. Ang problema, iyong mga batas. sobrang dami pero hindi naman nasusunod at ang nagpapasunod mga siraulo pa. Mahirap sumunod sa mga siraulo. Kung susunod ka kasi sa mga sira, sira ka na rin. Pero sabi nga ang batas ay batas at dapat sundin. kahit ito ay sira pero nababago thru amendments. Palitan iyong sirang batas ng mas sira pa. Sirang batas, magpapatupad sira din kaya sirang lahat. Well, ganyan talaga ang buhay?
*****
Maraming mga pulis ang nasasangkot sa iba-ibang uri ng krimen. Ang nakapagtataka, marami pa rin ang gusto maging pulis? Sabi ng ilan, hilig talaga nilang magpulis. Ang sabi naman ng iba, malaki ika ang dilehensiya ng pulis at ang sabi naman ng iba, maganda raw at laging nakauniporme ka kaya lagi kang sikat at ang iba naman katatakutan ka ng tao at kung ano pang ibang dahilan. May katuwiran silang lahat lalo na serve and protect. Ang ganda pakinggan at nakakataba ng puso kung totoo. Sarap sa tenga at sarap pakinggan lalo kung totoo. Ang diperensiya hanggang salita lang.
*****
Parating nababalita ang probinsiya natin pero sa pagiging sosyal ng ilan sa ating kababayan. Hindi sa pagiging masipag o pagiging mahusay natin sa kung anong bagay. Magaling lang tayo sa kalokohan. Halimbawa sa pagiging Happy natin, ito ay isang kalokohan. Happy ba tayo sa kahirapan natin? Happy ba tayo sa pagkakaroon ng tubig na marumi umulan lang ng konti marumi na ang iinumin mong tubig? Happy ba tayo na madalas binabagyo? Happy ba tayo na naghihirap tayo o mga mapagkunwari o mapagbalatkayo lamang. Happy island kuno….
******
Ang tunay na palpak ay ang mga kasaysayan ng ating mga bayani natin.. Umpisahan natin kay Rizal. Ang alam natin ang pumatay sa kanya mga Kastila. Ang totoong pumatay sa kanya mga Filipino na inutusan lang ng mga Kastila. Sino ang pumatay kay Bonifacio at kapatid na Procopio, wala pero marami ng film pic na si Emilio Aguinlnaldo ang killer pero ang sa kasaysayan walang sinasabi. Sa Magellan case, si Lapu Lapu, iyan ang sabi ng mga historian pero ang sabi ng iba, isa sa mga tauhan ni Lapu Lapu pala ang nakapatay kay Magellan at hindi si Lapu Lapu. Sabi ang killer ni Ninoy Aquino si Galman pero dalawang pangulo na malapit kay Ninoy ang itinuturo ay ibang tao na malapit sa pamilya ng mga Cojuangco. Panay palpak ang mga kasaysayan natin. Kaya nagkakalokoloko tayo. Pati kasaysayan ko nasisira din. Akalain ba namang kasintahan ko raw si Ivana Alawi, mabuti na lang at sa panaginip lang pala. Sayang.
*****
Naoperahan ang kaliwang mata ko mga dalawang buwan na ang nakararaan at okay naman ang resulta. Malinaw na ang paningin ko lalo siguro kung dalawa. Sana sa susunod, maoperahan pa ako pero magre-request ako kay Doc Urgel na mata ng sicop ang ipalit sa akin kasi magaling daw ang mata ng sicop, pati burubaybay naheheling daa. Biro ko lang ito pero ang totoo: isa si Doc Urgel sa magaling na doctor sa mata sa buong mundo. Magaling at nandito siya, tayong nandirito sa probinsiya hindi na dumadayo sa ibang lugar. Congrats Doc and staff, ang babait nila at mga accommodating pa. Magkikita tayong muli at ng magaganda at very accommodating mong staff.
******
Maganda ang takbo ng kuryente ngayon. Kanino ba ako magpapapasalamat sa Ficelco ba o sa Napocor o maging sa Suweco? Ang problema lang ay tila tumaas ang bayarin. Ang dami na hindi muna malaman kung saan pinagkukuha at saan nangagaling. Tila sinasamantala ang pang-aabuso nila, Tila lumalabas na dumadami ang binabayaran ng mga consumers. Pero may panahong bababa ang presyo ng kuryente. May panahon din kayo at pag dumating ang panahong iyon, iyon na ang sa amin. Magbabayad din kayo. Sabi nga pana-panahon lang iyan.
*****
Nang mawala si Duterte, bumalik ang mga kriminal at sangkot pati mga pulis at mga heneral pa. Ang mga kaso droga, carnapping, kidnapping at marami pang iba. Sabit palagi ang mga pulis at mismong taga-PDEA pa. Iyan ang kahinaan ng pamunuan ni PBBM, mahina sa diskarte, puro ngawa at panay ang biyahe. Hindi na lang siya bumili ng chopper at libutin ang buong mundo.