Masyadong binabaha ang Visayas ngayong mga araw na ito. TIla hindi nakukuha ang patigilan. Sabi nga, hindi makuha ang ‘’patunongan,’ tila grabe ang galit ni San Pedro ta sobra ang kawat niya ning bowling boda billiards. Medyo ganado siya kaya kawat sanang kawat. Biro lang. Pero grabe talaga ang buhos. Maaaring kung hindi pa titigil, maaaring maglikha na malakihang pagbaha ito sa buong bansa lalo na sa Luzon na tinitira na naman tayo ng amihan. Sana tumigil na ito dahil tila sobra na.
*****
Baitang-balita na tila may coup d’etat raw dahil sa balitang pinasusumiti ng lahat ng full colonel at mga general ng courtesy resignation ni DILG Secretary Abalos. Tila mali kasi. Sana lahat ang nag-resign. Tutal ang mga sangkot sa illegal drugs mga opisyal at mga mababa ang ranggo. Lahat na para patas. Sabi tuloy ng isang congressman, pine-personal daw siya. Namemersonal daw si Abalos gayong ang daming pinagre-resign. Ano kaya kung pati mga congressman magsipagresign na rin?
*****
Napakasaya ng Ati-Atihan festival na ginanap sa Aklan. Masaya sila kahit madalas ang ulan sa lugar nila. Anyway, Western Visayas naman ang nagrabe pati na ang Zamboanga. Masaya rin ang Dinagat Festival na ginanap sa Iloilo na dinaluhan ng maraming artista. Sa bandang Luzon naman, dinaluhan ng maraming mahal na sibuyas. Bakit kaya ang mahal ng sibuyas? Dolyar ang presyuhan at halos wala nang gumagamit nito. Baka sibulyas na lang, imbis na sibuyas?
*****
Maraming maninikwat, basta gusto nilang manikwat. Ang anak kong si Bingky ay parating nabibiktima ng mga hayop na iyan. May araw din ang mga hudas na iyan. At pag dumating ang araw na iyon, pasensiyahan lang. Ang hirap sa atin, ang dali nating magpatawad. Ang isa pa, magastos ang hustisya sa atin. Kung anong suwerte, talo pa tayo dahil makuwarta ang kalaban. Hayop talaga ang uri ng hustisya sa atin. Mabuti na lang may matitino tayong mga Judge. Ang mga fiscal natin ibang klase, kahit hindi dapat pinangyayari, ang rason bahala na ang Judge diyan. Kahit hindi kilala ang tao kahit may kasalanan. sasabihin wala base sa imbestigasyon at hindi sa totoong nangyari. Tulad sa isang taong hindi nila kilala ang ugali dahil sa ipinagtanggol ang kanyang sarili at pamilya, ang may kasalanan ay yong nagtanggol ang sarili at ang kanyang pamilya. At isa pa kilala ba nila ang taong iyon na pag nalalasing, lahat ng tao sa barangay nila kalaban? Pero hindi bale si Judge na ang bahala. Hoy, mga fiscal, gawin ninyo mga trabaho Ninyo!
*****
Isang taon na palang pumanaw ang singer na si Victor Wood, ang isa sa pinakamagaling na Bikolanong singer. Nauubos na ang mga Bikolanong artista natin katulad ng mga nabanggit ko na. Susunod na marahil ang ilan sa kanila dahil parte van ng buhay natin ang mabuhay pagkatapos ay mamatay. Parang inuuto lang tayo ng may lalang sa atin, bubuhayin at pag oras na natin papatayin. Masaklap at masakit pero ganyan ang buhay ng tao kaya dapat lagi tayong handa anumang oras ng panahon.
*****
How can government improve PH jobs? Madali lang ito kay Pacquiao, isang job lang tapos na lalo tamaan sa panga ng uppercut. Hindi, ang pinag-uusapan dito trabaho ng mga Filipino. Maganda ba o palpak ang pasok ng taon? Sa pagbebenta ng Pilipinas ni Marcos, palagay ko isang magandang palatandaan ang mga ginawa niya. Konting follow-up lang bibigay ang ibang bansa sa mga pinangako nila. Ang mahirap lang ang ugali natin na mismong opisyal ng gobyerno mga kawatan. Sana kung matitino tayo, aasenso at aasenso tayo. Subukan ninyong huwag tayong magnanakaw at maramdaman na lang natin na mayaman na ang ating bansa.
*****
Ang politika raw sa atin ay dati at walang pagbabago. Ano nga naman ang nabago sa atin kundi pagpapasikat ng mga politico? Pagkatapos na nandiyan na sila, dati at dati rin ang gagawin nila. Kumbaga magbabago lang ng kuwelyo ng damit pero dating gawi, nakaw dito, nakaw doon ang gagawin ng mga politiko. So ano ang mababago kung merong kudeta? Kung aalisin siguro ang Kongreso, baka malaki ang pagbabago. Dapat ang kudeta sa Kongreso at hindi lang sa mga sundalo.
*****
Ang tsismis na kudeta sa mga magnanakaw lang iyan. Maniniwala ba kayo sa tsismis lang at pagkatapos senador at bayani ang mga mangunguna? Kalokohan! Niloloko lang tayo at ginagawa tayong katawa-tawa ng mga sira-ulong ito. Tingnan ninyo at mayroon na namang lalabas na sikat at hindi magtatagal senador na naman. Lolokohin na naman tayo at sasabihing ipinaglalaban lang nila ang kanilang karapatan. Peste at simpleng raket.
*****
May bagong programa sa TV si dating Pangulong Duterte at gagawin daw ito bilang tulong sa pamahalaan natin na tila nahihirarapan magpatakbo ng gobyerno natin. Sa tingin ko nga hirap ang pangulo at nangangailangan siya isang taong may alam sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Taong magpapayo sa pangulo na hindi puro malambot ang approach kundi kailangan din ang matigas at matatag na pagbabago sa isang malambot na pamahalaan.