Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

PUMANAW NA SI JOMA SISON

Pumanaw na si Joma Sison noong Decembeir 16, 2022 sa hindi malamang sakit. Marahil ay dapa ng katandaan sa dahilang ito ay 83 anyos na. Marami ang.natuwa at marami ang nalungkot sa kanyang pagkawala. Pero mas marami ang natuwa marahil dahil ayaw nila ng gobyernong magulo.

*****

58 years niyang nilabanan ang gobyerno ng republika at maraming tao ang napaniwala niya at maraming tao ang nasakripisyo ang buhay dahil sa ideolohiyang ipinaglaban niya at ng kanyang mga kasama. Paniniwala nila iyon at ipinaglaban nila! Mali man o tama, paniniwala nila iyon.

*****

Sino kaya ang papalit sa kanya na kasing-galing niyang mang-uto? Magaling umisip ng ideya kung papaanong umisip ng paraan para tumuloy-tuloy ang laban nila at papaanong mabuhay sila na nagtatago sa batas ng republika! Sa kasaysaysayan ng kahit anong bansa, hindi magkakaroon ng isa pang Mao Ze Dong at naubos silang lahat at nabago ang kanilang paniniwala!

*****

Marami ang puwedeng pumalit kay Joma pero isa lang ang puwedeng Joma  at iyon ay si Joma Sison at wala nang iba pa. Ngayong wala na siya, umasa tayong maraming Joma Sison ang susulpot pero hindi na paniniwalaan dahil ang original na Joma pumanaw na. Magkakanya-kanya na yan ng papel at asahan natin na dadami ang alyas Joma.

*****

Lumabas ang lahat kung sino ang naghagis ng bomba sa Plaza Miranda at lumalabas na kagagawan ni Joma Sison at nila Aquino pero ito ay pulitika at hindi natin alam ang totoong totoo! Kayat hanggang doon lang ang alam natin, puro hao-shao, hindi natin alam ang tunay na nangyari kung totoo ba o hindi, Hanggang sa sinasabi nila lang pero kung totoo o hindi wala, tayong alam dahil sila lamang nakakaalam ng katotohanan!

*****

Ngayon sinasabi na kaya ibinaba ni Marcos ang Martial Law dahil para masawata ang rebelyon pero totoo ba ito o gawa ng politika na siyang buhay ng mga Pilipino noon at hanggang ngayon? Mamamatay siguro tayo kung walang pulitika! Ano pa’t ang lahat sa atin ay pulitika sa umaga, tanghali maging sa hapon at gabi! Wala pa diyan yong snack!

*****

Hindi pa natin alam kung ano ang magiging buhay natin kay Marcos. Mabuti ba o masama? Kasi parang iba ang dating parang dumadami ang mga pogi, mahirap, malambot ang laban, bumabalik ang mga demonyo! Droga rito, droga roon! Ang masama pati mga pulis, nagiging mga sa demonyo na rin ang mga ginagawa!

*****

Tapos na ang Simbang Gahi at ang susunod ay simbang araw at gabi. Sabi nga sa awit, araw-araw gabi-gabi na walang humpay. Kaya naman masakit na pati balakang! Kaya dapat pahinga muna at baka dumating ang araw na ikaw ay tumimbuwang! Mahirap na baka ma-stroke ka matulad sa akin na ang kalagayan na isa ng inutil ang katawan!

*****

Uso pa rin ang Covid sa Amerika dahil ang anak ko at dalawang apo ko tinamaan pa rin. Pati ang Kano na son- in-law ko ay may tama rin, hindi nga lang matindi. Ang dasal ko, sana gumaling sila agad dahil parang may tama na rin ako kahit wala dahil mahirap na pag kadugo mo ang may tama, parang ikaw na rin ang mayroon!

*****

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Inyong lahat!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading