Huli ang mga pumatay kay Percy Mabasa! Sabi ni Marites, mahilig daw ito sa pagbabasa! Mapapatay nga kasi nakatutok siya sa pagbabasa lagi! Kung lagi sya sa radio, makikinig lang siya, hindi siya mapapatay! Joke ito ni Marites, ang musang!
*****
Paris din ito sa nangyari kay kaibigang Larry Que na maituturing na perfect crime dahil walang huli at mahusay pagkakagawa pero hindi makakalusot sa karma, ang pinakamahirap lusutan! Maaring ngayon okey ka, bibiglain ka lang pero ng karma balang araw! Makikita ninyo at nakapagsisisi!
******
Si queen Raoul ng kongreso ang tapang noong una pero ngayong may kaso na tiklop ang pakpak niya! Magtiktok na lang kaya siya? Bagay sa kanya ang galing niya para siyang si Vice Ganda at bagay na partner! Pati katawan bagay sila, wala na pating show si Vice?
*****
Sa lran, maraming ipinagbabawal sa mga babae tulad sa pagpapakita ng buhok at marami pang iba! Dito sa atin, may mga kumokontra rin pero nang lumabas ang social media, natauhan ang mga nagmamalinis na anak ng kayabangan at kahambugan na hindi kayang pigilin ang social media! Surrender ang mga nagmamalinis at mayayabang, ngayon ay sa social media na rin sila! At mga Tiktoker pa!
*****
Mabibigay na raw sa mga senior citizens ang 14th at 13th month pay. Ewan kung totoo ang pagka-Marites nila! Alam kong kung ano ang dumating, sige lang ng sige basta may dumating! Pag na Marites tayo, wala tayong magagawa! Iyon ang mahirap, pasensiya tayo, naniniwala tayo sa kanila.
*****
Sino nga ba ang pumaslang kay Mabasa alyas Percy? Ang sabi ng aktibista at kongresista si Marcos daw pero sa listahan ng suspek, wala ang pangalan ni Marcos pati ang pangalan ng ama niya! Malaking kaso ito, akalain mong pagbintangan mo ang taong walang kinalaman sa malaking kriman? Sineswerte ka!
*****
May super typhoon na naman daw na paparating sa Catanduanes. Buti na lang dala ang bajita ni Marites. Kung nagkataon, malungkot na naman tayo! Hndi baleng may bagyo, basta hindi sa Pinas!
*****
Wala pa ang budget ni Marcos kaya wala pang project yan! Pag lumabas ang project ng mga buwaya, sabay na ang mga iyan! Ang programa ni Marcos ay karugtong ng programa ni Duterte, sabi nila! Pero kung paiiralin ay dating gawi, kanya-kanya pa rin tayo!
*****
Ayaw daw pasakayin ng isang driver sa bus ang isang pasahero! Galit na galit ang driver, ganoon din ang pasahero kasi namimili daw ng pasahero ang driver! May pinapaboran daw ito! Ang dahilan ng driver masyado raw mabigat ang sampung baka na dala ng pasahero!
*****
Grabe naman, nilangaw daw sa Amerika ang kababayan nating si Leni Robredo dahil ginawang guest daw ito! Daang kasi ipinipilit pa ang kanyang sarili samantalang isa na nga siyang lame duck noong nakaraang eleksyon? Wala bang pumapayo sa kanya na panahon na para kumilos at kalimutan ang pulitika?