Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

ANG MGA AHAS

May ahas daw sa Malakanyang Palace? Kung hindi ako nagkakamali, sila ay si Zuma at ang anak niyang si Galema? Pero iba ang tinutukoy nila, mga tao daw itong malalapit kay BBM. Hindi sila ahas pero  may kamandag ito at basta matuklaw ka, in a matter of seconds paglalamayan ka.

*****.

Kaya marahil lumayas sina Vic Rodriguez,,Trixie Cruz at Jose Calida, baka madamay sila sa sobrang bagsik ng kamandag. Dapat lahat ng pupunta ng Malakanyang magsuot ng damit na hindi tinatablan ng kamandag! Para safe ba. Mahirap na!

*****

Ang sabj nila babae raw ang ahas? Hindi kaya si Marites din ito? Na ang alam lang gumawa ng intriga para ipalit sa nagsilayas ang gusto niya? Magaling samakatuwid ang hudas na ito! Dapat sabitan ito ng ahas at oras-oras painumin ng kamandag ng cobra!

*****

Ang tinutukoy pala nila na ahas ng Malakanyang ay walang iba kundi si GMA na nagtigas-tigasan at pabida. Ito ang nangyari kay Marcos Sr! Gusto pumapel pero ayaw sa kanya ng mga tao! At balita pa nga isinuka na! Makamandag nga ito!

*****

May nagsasabi na wala daw yagbols si Marcos dahil mahina daw lto! Mahjna raw, malamang daw ito ay mawala sa eksena at matuluyan! Alam niyo ang pinakamasarap na parte sa programa ang umpisa mahina, pag nasimulan tapos tuloy-tuloy, ayos lang yan!

*****

Ngayong kilala na ang ahas sa Malakanyang, titigil na siguro ang gulo at magtutuloy-tuloy na ang magandang Pilipinas! Pero kung magpapatuloy sa panunuklaw ang ahas, rumble na tayo! Matira ang matibay hanggang sa matodas ang ahas kasama ang kamandag.

*****

Tatlo ang nawala sa gabinete ni Marcos dahil sa kontrobersiya sa ahas sa Malakanyang! Sana dumami sila para hindi sila magkasakit kasi puro sakit ang rason ng nagsialis sa gabinete! Inaanay na iyong cabinet ko may ahas pa at Marites ang pangalan at Raul Manuel!

*****

Si Cong Raoul Manuel dakdak ng daksak na si Marcos daw ang dahilan kaya daw namatay si G Lapid pero wala namang ebidencia ang ulupong na ito! Ano kaya kung patulan na ito? Siguro sasabihing nagbibiro lang siya!

*****

Isa na raw pandemya ang sakit na diabetes, sabi ng mga doctor na nakakaalam sa nasabing sakit! Sa ulat, tatlong milyong pilipino ang nagtatagtay na nito pero hindi sila nakakaalam na mga dalawang milyon pa ang hindi nila alam na taglay na nila ang sakit na diabetes! Masaklap kaya dapat lang ang pag-iingat!

*****

Hindi si Lito Lapid ang namatay kundi ang announcer ns si Percival Mabasa at patay siya sa pag-ambush ng di pa nakikilalang mga assailant! Ang madakdak na si Cong Raul Manuel, binara siya ni Enrile dahil dakdak ng dakdak kahit walang ebidensiya! Baka nagpapasikat ang si Manuel dahil mayabang. Ano kaya kung kasuhan ka nga, masahol ka kay Marites!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: