TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BAGSAK ANG PISO SA DOLYAR

Pinararatangang CCP-NPA-NDF si Sen. Loren Legarda base sa kanyang privilege speech sa Upper House. Maraming reaction sa speech niya. Karamihan dito negatibo. Ayaw talaga ng mga tao sa CCP-NPA-NDF. Pero nakaisa siya sa mga Filipino noong nakaraang eleksyon. Napaboto niya ng wala sa panahon pero kung nagpakilala siya kaagad na alaga siya ni Joma, tapos ka!

*****

Bagsak ang piso sa dolyar! Ito raw ang pinamababa sa loob ng 18 taon. Pero sa akin, OK lang ang importante  mayroong piso. Wala naman tayong dolyar. Ang sa atin ay piso kung walang piso, walang pera kaya wala tayong pakialam sa dolyar. Iyan ang hirap nakadepende tayo sa dolyar! Kaya nahihirapan tayo!

*****

Dati asukal ang problema, ngayon asin na naman! Asahan na natin ang susunod ay vetsin! Kaya mag-isip tayo ng iba na substitute sa asukal, baka puede ang patis o di kaya toyo, maalat nga lang! Puwede sa asin o di kaya huwag na lang baka magkasakit pa tayo!

*****

Kung mahilig kayo sa sugal, bukas na ang Okada ito ay sa kabila nang may order ang Pagcor na itigil na ang operasyon nito! lyon naman kung mahilig kayo sa sugal. Kung hindi, wala tayong pakialam sa kanila at ituloy lang natin ang buhay!

*****

Tinambakan sa Game 6 ang TNT ng SMB! Iyon sapagkat hindi nakapaglaro si Jayson Castro dahil badly injured ang star player ng TNT!  Baka sa susunod na laro puwede na pero ang injury ng strained ankle medyo matagal at apektado ang laro mo kahit sabihin nating ikaw na ang pinamagaling na manlalaro sa buong mundo! Kaya pag wala si Jayson Castro, dehado ang TNT!

*****

Sinawsawan ng Gilas ang Saudi Arabia sa Window 4 ng FIBA Asia Cup! Bakit kaya puro na lang cup at walang baso? Sana sa susunod Asia baso naman. Kasi sa totoo lang nagtatampo na ang baso, parati na lang daw tasa! May katuwiran sila, puro na lang cup at ang baso na maraming laman nawala na!

*****

Bakit maraming pulis ang nasasangkot sa gulo o iba ibng klase ng krimen! Ang taas ng sweldo nila wala pa rin? Kaya yong sabi nila na maraming NPA dala ng kahirapan, di na pinaniwalaan dahil ang isa mga dahilan kung bakit nagrebelde ang isang tao ay dahil sa injustice!

*****

Walang kuwenta ang programa ng Tesda dahil ang iba ang sadya lang ang kuwarta ng gobyerno at hindi ang matuto sila kung ano ang itinuturo sa mga nag-aaral. Pagkakuha ng mga gamit at pera, ang gagawin nila ipagbibili na iyong mga gamit. Kailangan unti at dapat minomonitor ng mabuti ang mga estudyante kung ano nangyayari sa projact na itinataguyod nila! Haw, haw, the carabaw, baw two ten ang programa ninyo!

*****

Walang tiwala si PBBM kaya ayaw lagyan ang DA ng secretary! Marahil pag nakabawi na tayo sa agriculture, saka na niya na lalagyan! Tama yon sa asukal nga kagulo na kaya dapat hawakan niya at huwag siyang maniniwala kay Sen. Hontiveros na isa ring Marites at wala ring alam sa agrikultura! Philhealth baka marami siyang alam?

*****

Dapat ilabas na ni Sen. Padilla ang husay niya sa pagiging artista niya at hindi ang pagiging barumbado nya sa pelikula! Pakita siyang marunong siya. Hindi ka hahangaan sa Senado sa pagiging mainitin ang ulo! Gumawa ka ng batas na lahat ng tao ay makikinabang! Remember, nasa Senado ka!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading